Chapter 13

2085 Words
Sam's POV Somebody's phone is ringing. Gusto kong imulat ang mga mata ko para hanapin ang gumagawa ng ingay pero inaantok pa talaga ako. Naramdaman kong gumalaw si Sean sa tabi ko, maya maya pa ay natigil ang ingay. "What is it?" Rinig kong sagot nito sa kung sino man na tumawag. "Nica? W-why are you crying?" Naalarma ako sa pagbanggit nito sa pangalan. Nica? Nicaseane? Umiiyak siya? Bakit? At bakit niya tinatawagan si Sean ng ganito kaaga? Gusto kong dumilat na rin para malaman ni Sean na gising na ako at naririnig ko siya pero kapag nalaman niyang gising na ako ay baka lalabas siya para makipag-usap. I'm dying to hear their conversation. "W-what? Hey, calm down. Tell me where you are." ...... "Alright, wait for me there. Wag kang lalabas, i-lock mo ang pinto. I will call you when I'm outside already. Listen Nicaseane, kumalma ka. Okay, papunta na ako." What? Naramdaman ko ang pagbangon nito. Narinig ko rin ang pagkuha niya ng susi ng kotse niya. Gusto kong idilat ang mga mata ko para hindi na siya umalis pero pakiramdam ko ay napaka-selfish ko kapag ginawa ko iyon. Bakit kailangan siya ni Nicaseane ngayon? Anong nangyayari? Sumasakit ang dibdib ko. Why is he going to her condo? Akala ko ba break na sila? I shut my eyes close when I felt him near me. Naramdaman ko ang marahan nitong paghalik sa labi ko bago ko narinig ang pagbukas-sara ng pinto. Sobrang sakit na ng dibdib ko at hindi ko na napigilang bumangon. Nagtatalo ang puso't isip ko kung hahabulin ko ba siya at pipigilan. Sa huli ay natulala nalang ako sa pinto at hindi na nakagalaw. Realizations struck me, he didn't just play with Nicaseane, he developed feelings for her, maybe not romantically but what else? A friend? f**k I don't know! Bumukas ang pintuan, agaran ang pag-aangat ko ng tingin, nagbabaka-sakaling binalikan ako ni Sean para magpaliwanag. Pero bumagsak ang mga balikat ko nang ang pumasok ay ang lalaking kasama niya. Mukhang nagulat pa ito nang makitang gising na ako. "Gising ka naman pala, bakit umalis pa si Sean?" "S-saan siya pupunta?" "Hindi ba niya sinabi sa'yo?" Umiling ako. "Ibinilin niya sa aking ihatid ka sa inyo para makapag-ready ka sa school pero hindi niya sinabi kung saan siya pupunta. Gusto mo na bang umuwi?" Tumango ako. There's no reason for me to stay here. Bumangon na ako at nag-ayos. Nalaman kong Dice ang pangalan ng lalaki at dito rin pala sila natulog kagabi. Matagal ko ng alam na may condo si Sean pero hindi naman siya dito natutulog, but now I realized, I think I don't know much things about him. Parang biglang lumayo ang agwat namin dahil hindi ko na maintindihan itong mga nangyayari. Habang nasa biyahe kami pauwi ay pasulyap-sulyap ako sa cellphone ko, naghihintay ng text o tawag mula sa kaniya, naghihintay ng explanation, pero nakarating na kami sa bahay ay wala akong natanggap ni isa. I just let out a huge sigh. "Naka-lock ang gate, nasaan ang parents mo?" "They're out for a business trip." Tumango ito at nauna nang lumabas ng sasakyan. Umikot siya at pinagbuksan naman ako. "Binilin sa amin ni Sean na hindi ka namin pwedeng iwan mag-isa. Papasok ka sa school hindi ba? Hihintayin kita rito at ihahatid. Magbabantay ako doon hanggang sa dumating si Sean." "Kaya ko ang sarili ko, hindi na ako bata." Matabang na sagot ko rito. "Just until Sean comes back, Samantha.." Bumaba na ako at hinarap siya, "Hindi na ako kailangan bantayan, sa university lang ako, I will be safe there. Pakisabi kay Sean na kaya ko mag-isa." Kumunot ang noo nito, "Wait Samantha, okay pa kayo kagabi diba? What's going on?" Umiling ako. "Salamat sa paghahatid. You can leave me here." Sabi ko bago siya tinalikuran para makapasok na sa bahay. Sinarhan ko ito ng pinto nang tangkain niya pang sumunod sa loob. Ibinagsak ko ang katawan ko sa sofa nang napag-isa na. Nakakainis! Okay pa kami kagabi diba? Ngayon may problema nanaman, at si Nicaseane nanaman. Kailan ba matatapos ang problema namin sa mga babae niya? Dahil sa inis ko ay hindi na ako pumasok pa. Nagkulong nalang ako sa kwarto ko buong maghapon at ang mas nakakainis ay hindi man lang siya nag-alala para sa akin. Hindi ko alam kung alam niya bang hindi ako pumasok o baka magkasama pa rin sila ni Nicaseane hanggang ngayon at masyado na siyang abala sa babaeng 'yon para maisip pa ako. Hindi ko na talaga alam. Sa sobrang pagkainip ko ay naisipan kong buksan ang laptop ko. I was surfing the net when someone sent me a message on my email. Nang buksan ko iyon ay tumambad sa akin ang litrato ni Sean at ni Nicaseane, magkayakap ang dalawa habang nakatayo sa labas ng kung saan mang condo. Nanlamig ang mukha ko sa nakita ko. Nanginig ang mga kamay ko. I bit my lower lip so hard so I can stop myself from crying but it was useless. Nag-init agad ang sulok ng aking mga mata. Ang sakit na dumaan sa dibdib ko ay hindi ko maipaliwanag. I know I should trust him, like what he told me last night, I should trust him. But I can't. At paano ako magtitiwala kung ganito? Bakit ba hindi niya nalang sabihin sa akin kung ano ba ang lahat ng ito? As if on cue ay nag-ring ang cellphone ko. Matagal ko pa munang tinitigan ang hindi pamilyar na numero bago ko iyon nasagot. "Hello," Pinunasan ko ang luha ko. "Sino ba talaga sa inyo ang gustong protektahan ni Sean? Ikaw ba o si Nicaseane?" Kumunot ang noo ko, "S-sino 'to?" He chuckled. "Hindi mo ako natatandaan? It's me, Neo.." Gusto kong magkunwari na hindi ko siya nakikilala. I don't know anyone named Neo but who the hell can forget the sound of his voice? We've met three times already, hindi ako maaring magkamali. And what is he saying? Alam niya ba na magkasama si Nicaseane at Sean ngayon? Sumulyap ako sa email na natanggap. I don't know who sent it, siya ba? Siya ba ang nagsend ng larawan? What for? Pinaglalaruan niya ba ako? "A-anong kailangan mo? Wala akong panahon--" "Let's meet." His voice sounds so playful and I hate it. "I'm not crazy. Bakit ako makikipagkita sayo? You scared the s**t out of me.." He gave out a bark of laughter because of that. "Oh my dear Samantha, why are you scared? You know we never tried to hurt you.. dahil sabi mo.. hindi naman ikaw ang girlfriend hindi ba?" He's laughing like a maniac. "I don't get any of your bullshits. Oo hindi nga ako ang girlfriend kaya bakit hindi mo pa rin ako tinitigilan? And what is it to you? Ano bang kailangan niyo kay Sean? At sa kung sinuman ang girlfriend niya.." "Hmm.. but you are a very important girl. At dahil hindi ikaw ang girlfriend niya, bibigyan kita ng pagkakataon.." "What? What the f**k are you saying?" "Kung mahalaga sa'yo si Sean, then let's have a deal.." Sean..Sean nanaman? Pwede bang patahimikin na nila ako? Bakit hindi si Nicaseane ang guluhin nila? Sila naman ang magkasama ngayon hindi ba? Tutal nandoon naman si Sean para protektahan siya. "I am not interested." "Let's just have a deal, gusto mong malaman ang lahat hindi ba? I'm sure naguguluhan ka. We can tell you everything.." "Sean said I should trust him, hihintayin kong siya ang magpaliwanag sa akin. I don't need your help." Tumawa nanaman ito. "We're not helping you Samantha, we're doing this in exchange of something. At ano? Nagtitiwala ka pa rin ba kay Sean pagkatapos mong makita kung sino ang kasama nito ngayon?" Humalakhak ito na parang nasisiraan na ito ng ulo. "So you sent the picture.." "Yes, because I was there. Tinakot ko si Nicaseane at alam mo ba kung sino ang una niyang tinawagan? Si Sean.. si Sean na agad-agad namang nakarating doon. Napaka-mapagmahal naman pala ni Sean Park." "Shut up." "No, you should shut up. Listen Samantha, hanggang kailan mo hihintaying ipaalam ni Sean ang totoo sa'yo? Kapag nasa panganib ka nanaman?" He laughed. "Hanggang saan mo kayang pagkatiwalaan siya?" "I said shut up!" He chuckled, "Well it's up to you. Nandito ako sa Fiasco, you can meet me here. Sabihin mo lang ang pangalan ko sa counter at dadalhin ka nila kung nasaan ako. Hihintayin kong magbago ang isip mo. We can help each other Samantha, I can help you get rid of every woman around Sean Park, just tell me and I'll do so." Bago pa ako makasagot ay namatay na ang tawag. Naibato ko nalang ang cellphone ko sa sobrang frustration. Anong sinasabi niya? May kailangan ba akong malaman? And what makes him think that I want all the girls around Sean to disappear? Napatingin ako ulit sa larawan nila ni Nicaseane. Sean's wearing the same shirt he was wearing when we slept last night, so baka kuha pa ito kanina nang pinuntahan siya ni Sean. Pero bakit ako gustong tulungan ni Neo? I thought kalaban siya ni Sean? At kung magpapatulong ako sa kaniya, anong kapalit ang hihingin niya? * Gutom ang gumising sa akin pagsapit ng gabi. Madilim sa buong kwarto ko at wala akong makita. Tumayo ako para i-on ang ilaw, tumambad sa akin ang magulo kong kwarto. Nakatulog ako sa couch at ang sakit ng likod ko. Napahawak ako sa tiyan ko nang makaramdam ako ng gutom. Hindi pa pala ako kumain magmula kagabi. Sobrang dami ng mga nangyari, sumasakit ang ulo ko. Naligo muna ako at nagbihis. Gusto kong magpa-deliver ng pagkain pero nang nakita ko ang phone kong basag at nakakalat sa sahig ng kwarto ay naalala ko rin kung ano ang mga nangyari sa araw na ito. I feel so drained but I need to eat. In the end ay wala akong nagawa kundi ang lumabas nalang at kumain kung saan man. I went to the nearest fastfood to eat. Kahit gutom ay nagtagal pa ako sa pagkain dahil sa pagkakatulala at pag-iisip sa mga nangyayari. Neo's words lingered on my ear and I don't know why I feel like I need to know something. Ngayong nalagyan na ng pagkain ang aking tiyan ay mas nakakapag-isip na ako ng mahinahon. Neo wants to have a deal with me. He's gonna tell me everything in exchange of something, ano ang kapalit ng gusto kong malaman kung ganoon? At gaano kaimportante na malaman ko iyon? They are Sean's enemies, he's trying to protect me from them so why the hell will I go there and talk to him? But he said it's gonna be a deal. Hindi ko na alam kung anong pumasok sa isip ko. I found myself going to Fiasco after eating at the fastfood. At katulad ng sinabi niya, sinabi ko lang ang pangalan niya sa counter ay itinuro na agad ang kwartong kinaroroonan niya. Huminga ako ng malalim nang nasa tapat na ng pintuan. I will just talk to him and try to know about his deal, kapag hindi ko nagustuhan at pakiramdam ko'y delikado, aalis ako agad sa lugar na ito. I'm not used to going to clubs but Fiasco has high securities and is not a low class club. But I know behind this door, the club's securities won't be able to save me anymore, lalo pa't ako ang nagkusang pumunta rito. Huminga ako ng malalim. f**k Samantha, if you're gonna regret going here after this, then you're really f****d up. Pinihit ko ang knob ng VIP room at bumukas agad iyon. Sa unang hakbang ko palang papasok ay naamoy ko na agad ang pinaghalong amoy ng alak at sigarilyo. Napatakip ako sa ilong ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarinig ako ng mga ungol. Lalo akong kinabahan nang marinig kong sumara ang pinto sa likuran ko. Habang papalapit ako ay palakas ng palakas ang mga ungol nila. Hindi ko na mai-deny sa isip ko kung ano ang nangyayari sa bedroom dahil sapat na ang mga naririnig ko. Nanginginig ang mga tuhod ko sa nangyayari. Shit Samantha, bakit ka ba kasi pumunta? Napaka-tanga mo. Inipon ko ang lakas ko para pumihit patalikod. Hindi ko kayang magtagal dito, nasusuffocate ako sa amoy, sa ingay, sa buong lugar. At natatakot na ako, nagsisimula na akong lamunin ng kaba. Akmang pipihitin ko ang door knob nang maramdaman kong may humawak sa braso ko. "You're not going anywhere honey." I saw Neo and that familiar grin on his face. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD