Naglalakad na ako papasok. Hindi ako sumulyap sa kahit na sinong katulong kahit na binabati nila ako. Putangina, Mason! Papatayin kita 'pag nakita kita! Galit na galit ako dahil kayang kaya niya akong paikutin. Bakit ba kasi naninigas ako kapag nandyan siya? Hindi ko na hahayaan 'to. Nagbihis ako ng flannel, ripped jeans at boots. Mabilis kong kinuha iyong backpack ko. Naglakad ako papalabas sa mansyon para pumunta sa kwadra ng mga kabayo. Tinagtag ko ang lock ng kwadra ni Montego at hiniya iyon papalabas. Sumakay ako. I'll visit the ranch first para makita si Mama. Hinataw ko si Montego papapunta sa cattle ranch. Binilisan ko ang pagpapatakbo hanggang sa matanaw ko na ang mga manggagawa na nagpapasok ng dayami.