Chapter One

2424 Words
Chapter One BELLA "La, aalis na po ako!" "Naku, bata ka, mag-agahan ka nga muna," suway ni lola. "Huwag na la, busog pa naman eh," kako saka hinalikan ang kaniyang pisngi. "Tapos ganiyan na iyang suot mo hija? Magpalit ka nga. Naka pambahay ka lang at iyang mahabang buhok mo, itali mo nga," kinuha ko na ang sking tsinelas saka inayos ang laylayan ng aking suot na t-shirt. Inayos ko rin ang aking saya saka tamad na tiningnan si lola. "Maayos naman itong itsura ko di ba la?" ngumuso ako sa kaniya. "Aba'y, napaka natural ng iyong ganda hija. Nasa lahi yata natin iyan. Ngunit ang sa akin lang ah mag-ayos ayos ka rin, hija. 25 ka na ngunit wala kang pakialam sa mga sinusuot mo," "Ishh, okay na ito lola. Presentable pa rin namang tingnan eh," "Ewan ko sa iyo apo. O siya, kumain ka na muna," aniya saka inabot sa akin ang pinggan. Sinimulan ko nang lantakan ang kamoteng kahoy. "Si lolo po?" "Baka nasa garden pa iyon hija. Alam mo namang pagtatanim ng gulay ang ehersisyo niya sa umaga," Matapos kong kumain ay nagpaalam na ako saka lumabas. Mula sa kinatatayuan ko ay natanaw ko si lolo sa medyo munti naming garden. Mataba kasi ang lupa rito sa Isla Verde kaya maganda magtanim ng mga gulay. "Lo! Aalis na ako!" sigaw ko saka tinuro pa ang tarangkahan naming gawa pa sa kahoy. Nagtungo na ako tabi ng pampang at nadatnan ko doon si mang Dencio. "Magandang umaga po," magiliw na bati ko habang pinapanood siyang itulak ang bangka sa tubig. Ngumiti ito, "Magandang umaga rin hija." Lalong lumawak ang ngiti ko nang makita ang lalaking kabababa lang sa isa pang bangka. Nakasuot ito ng sunglasses, puting polo na hindi nakabutones ang bandang dibdib nito at shorts. Tumaas ang isang kilay ko hudyat na kinikilatis ang kanyang katauhan. Ang buhok niya ay magulo habang ang balat naman niya ay namumula dahil sa sinang ng araw na tumatama sa kaniyang balat. Hiyang-hiya naman itong maitim kong balat. Pinagmasdan ko ang galaw niya habang sinabit nito sa kanyang kaliwang balikat ang malaking bag niya. "Bella, nakikinig ka ba?" natatawang sabad ni mang Dencio. "H-hah? Ano po iyon?" "Ang sabi ko ay lapitan mo na iyong mestiso. Kaso, mukhang masungit," natatawang wika pa niya. "Wash ang burn, mang Dencio," kumindat pa ako saka taas noong nilapitan ang turistang makapal ang kilay. "Grabe, ngayon lang ako nakakita ng ganito ka gwapong nilalang at ang swerte ko, porener pa," bulong ko sa sarili habang nakangiti. Madalas kasi ay malaki magbigay ang mga ito. Tumikhim ako, "Good morning ser, what are you today? Welcome the Isla Verde!" Tahimik lang itong bumaling sa akin saka tinaas ang kaniyang sunglasses. Napatitig ako sa kaniya nang mapansing asul ang kaniyang mga mata. "Hoy, Bella, may nobyo ka!" suway ng isipan ko. Hind naman masamang humanga sa iba. Maya-maya pa ay bumalik ako sa wisyo nang marinig kong tumikhim ang gwapong nilalang na nasa harap. "Ahh, palow me, sir. I take you in apartment," hindi ko alam kung saan ako mamumulot ng salitang ingles. Basta't gagawin ko ang makakaya ko para maaliw ang turistang ito. Dagdag puntos iyon. Habang sinusundan niya ako kinakausap ko siya kahit na hindi ito nagsasalita. Tumigil ako sa harap ng maliit na bahay-tuluyan ng mga turista. "Me," tinuro ko ang sarili, "Me, Bella, you, tour guide," inabot ko ang aking kamay ngunit tiningnan niya lang iyon. Noong hindi niya iyon tinanggap ay mabilis kong hinawakan ang kaniyang kamay na siyang ikinagulat niya. "Ahh, hehe, me checking there's langgam. You know, the langgam like a little ahhm, ahhm, basta langgam, lintik," ani ko nang hindi mahagilap ang susunod kog sasabihin. "Tskk," siya. "Bwisit kasi. Ingles ingles pa eh nasa Pilipinas tayo," nakangiting saad ko dahil hindi naman siya marunong umintindi ng Filipino. Maya-maya pa ay lumabas si Yolly, ang care taker ng mga kubo na tinutuluyan ng mga bisita. "Langga! Heto, madatung itong mestisong ito! Dali, kunin mo na yung gamit niya," "Loka, hindi ka ba nahihiyang iparinig sa kaniya iyan?" natatawang suway niya. "Huwag kang mag-alala kaibigan, sa itsura niyang iyan, imposibleng marunong magtagalog," Pinasok na niya ang gamit ni kuyabg porener. "Let go?" bungad ko nang makita ang turistang palabas na sa tarangka. "Where you want to go, ser? In there?" tinuro ko ang mga naglalakihang bato sa kaliwa, "or there?" at tinuro ko rin ang tanawin sa kanan maging ang tagong kweba. Hindi pa rin siya nagsasalita. Gusto kong hilahin ang kaniyang dila ngunit masama iyon. Nanlaki ang mata ko nang maalala ang isang bagay. "Pipi ka? I means, you, no, talk?" tanong ko. "Tsk," tanging narinig ko sa kaniya. "Grabehan na ito. Pogi ka pa naman ngunit tsk lang ang alam mong banggitin. Kawawa ka naman. Sayang ka talaga, sayang," bulalas ko. Nang lingunin ko siya ay napansin ko ang multong ngiti sa kaniyang labi. Ngunit nang muli ko siyang binalingan ay bumalik na naman ito sa seryosong awra. Siguro ay guni guni ko lang iyon. "Di bale, ako na ang bahala sa'yo," kako saka sinundan niya lang ako sa paglalakad patungo sa kinaroroonan ni mang Dencio. Kanina pa pala nakahanda ang bangka. "Ah, mang Dencio, doon muna tayo sa mga bato," Inalalayan niya kaming sumakay sa bangka. Sinimulan na ni mang Dencio ang pagsagwan habang ang lalaking porener naman ay abala na sa pagkuha ng litrato. Nakaupo sa gitna ito habang ako naman ay nasa gilid, medyo malapit kay mang Dencio. "Alam mo mang Dencio, pipi yang turistang yan. Sayang no?" Natawa siya at hindi na lang ako sinagot. Tinitigan ko ang lalaki na ngayon ay kinukuhanan ng litrato ang naglalakihang bato. "Maniniyot ka pala," natatawang saad ko. Maya-maya pa ay binaba niya ang kniyang camera at pinagmasdan ang asul at malinis na karagatan. "I'm beautiful di ba? Este, that is beautiful noh?" nilingon niya ako hanggang sa nagkatitigan kami at mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Ngumiti ako, "Iiwas naman pala ng tingin eh." Kagaya ng ginagawa ko ay umayos ako sa pagkakaupo dahil kakanta ako. "Hey, what like, you, me sing?" Kagaya kanina ay hindi ako nakatanggap ng sagot. "Okay, I sing. Ehem, ehemm," "Nang makilala kita, akala ko pag-ibig mo ay tunay at hindi nagtagal lumabas din ang tunay na kulay-" Natigilan ako nang mapansin ang pamumula ng pisngi ng lalaki at tila ba natatawa ito. Si mang Dencio naman ay nakangiwi pa akong sinuway. "Ayusin mo naman, Bella," "Si mang Dencio naman, alam kong gustong-gusto mo sa aking gintong boses eh," natawa na lang siya. Nilingon ko ang lalaking mestiso, "Hey, let go there," tinuro ko ang kanang bahagi ng isla, "there, we go in the kweba," tumango ito na para bang naiintindihan ako. Nang makarating kami sa kweba ay doon ako mas nahirapang mangala ng salitang ingles. "Um, this is the, uhhh, umm, kweba. I mean uhh," nilingon ko si mang Dencio, "ano na kasi sa ingles ang kweba mang Dencio?" "Aba'y, hindi ko alam hija. Kung hindi mo alam ay i-senyas mo na lang," aniya saka tinigil ang pagsagwan. "Mang Dencio naman eh, ano ba naman kasi itong turistang ito. Kapag ako nainis, ililihaw ko ito sa lob ng kweba," reklamo ko. "Subukan mo," sabad ng isang baritonong boses kaya nanlaki ang mata ko nang marinig itong nagsalita gamit ang Filipino. Tila ba nalunok ko ang sarili kong dila dahil kanina pa ako dada nang dada at kung ano ano oang sinasabi ko sa kaniya ngunit naiintindihan pala niya lahat iyon iyon. "Ma-marunong kang magsalita ng-" "Oo miss, Bella," seryoso ang kaniyang mukha ngunit nakangisi ito. Natampal ko ang noo ko dahil sa kahihiyan. "Mang Dencio, pahiram ng sagwan," "Ako na rito hija. Asikasuhin mo yang turista," aniya kaya ako na mismo ang kumuha sa isang sagwan at nanggigigil na ipalo iyon sa kaniya. "Hep! Kapag ako pinalo mo, sasampahan kita ng kaso at sinisigurado kong makukulong ka," nakahawak na siya sa aking braso. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa akin, "Bitiw! Baka may germs kang dala." "Wow, ako pa talaga ang may dalang germs. Ikaw nga itong mukhang manang na hindi naligo ng isang taon eh," pinagkrus niya sa kaniyang dibdib ang kaniyang braso habang natatawang pinagmamasdana kong mag alburoto. Tinalikuran ko siya saka nagpakawala ng tatlong malalim na hininga bago siya nilingon. "Pinahirapan mo pa akong mag ingles kanina gayong marunong ka pala," nakangiting wika ko ngunit ang mata ko ay siguradong tinatanggalan na siya ng ulo ngayon. "At least na-entertain ako," nagtaas baba pa ang kaniyang kilay. Naiinis na ako. "Hoy, anong pangalan mo? Ako si Bella. Ikaw? Bogus Mestiso ba?" natawa siya sa aking sinabi. "Unang-una sa lahat, mestiso ako. Hindi ako bogus. Pangalawa, huwag mo na akong kainisan, type ko pa naman ang mga babaeng morena," kinindatan pa niya ako. Aba'y chickboy ito. Nilahad niya ang kaniyang kamay, "At higit sa lahat, ang pangalan ko ay Gabriel. Dahil maganda ka naman, maaari mo akong tawaging Gab, o di naman kaya ay love," hindi ko inakalang ganito pala siya kabilis. "Akala ko ay tahimik ka, 'yon pala ay walang hiya ka rin pala," wala talagang preno ang bibig ko. "Kakaiba ka rin eh no? Dapat ay pakitunguhan mo ako nang maayos. Tsk," "Edi, sorry pooo, sorry hah? Wait lang hah? Hindi pa kasi ako nakakarecover mula sa pag spokening dollar ko kanina," mahihimigan ang uyam sa aking boses. "O siya, tara na. I wanna see kung gaano kaganda ang loob ng kweba," ang boses niya ay napaka sexy at baritono. Nakakahalina tuloy pakinggan. "Oo na love, este Gab! Ano ba yan, pati ako ay nadadawit sa kalokohan mo," Mula sa kinatatayuan ko ay amoy na amoy ko pa ang bango ng kaniyang katawan. Umusad na ang bangka. "Wow, this is really the epitome of beatuy," namamanghang aniya. Infyernes hah, ang ganda talaga ng ascent, aicent, ah basta, maganda ang pagkakabigkas niya sa salitang ingles. Napaka lalim nito. "Ang lamig talaga," kako saka niyakap ang sarili. Paano ba naman kasi, nakalimutan kong magdala ng jacket ko. Tinabi ni mang Dencio ang bangka nang makapaglibot libot kami sa loob ng kweba. "Hindi naman pala gano'n kalawak ang loob nito. It's small yet, beautiful," aniya saka ako nilingon. Natural na malamlam ang kaniyang mga mata habang ang perpekto naman ang pagkakadepina ng kaniyang pilik mata at makapal na kilay. Mestisong mestiso ang dating ngunit pala isipan pa rin sa akin kung bakit marunong siyang mag-tagalog. Iyon nga lang, medyo natatawa lang ako ng kaunti dahil sexy ang pagkakabigkas niya. Nilagay ko sa aking tenga ang ilang hibla ng buhok ko na animo'y nagpapa cute. Sa tingin ko ay ako ang sinabihan niya ng beautiful dahil nilingon niya ako. "Ahh, salamat, may nakaka appreciate pa pala sa morena kong ganda," medyo nahihiyang saad ko pa. Natawa siya saka umiling iling na tila ba pinapahiwatig niyang nahihibang ako. Namewang sa kaniyang harapan saka tumingala at ginawaran siya ng isang mapanuring tingin. "Teka, ibig bang sabihin ng pag iling mong iyan ay hindi ako maganda gano'n?" Mula sa suplado niyang mukha ay muli na namang lumitaw ang nakakaloko niyang ngiti. Ang puti ng kaniyang ngipin. Pakiramdam ko tuloy ay isa siyang Diyos dahil kung titingnan ay napaka perpekto niya. Maya maya pa ay narinig ko ang pag tikhim niya. Nakakahiya. Nawala na naman pala ako sa wisyo. "Ahh, miss tourist guide, maari na ba tayong bumalik sa Verde cottage? I am starving already," "Ahh, yeah! Yeah! We go there. Now!" deretsong wika ko. Infyernes hah, pakiramdam ko ay medyo maayos naman ang ingles ko. Kaya naman bumalik na kami sa pampang. Naunang bumaba si mang Dencio habang nakahawak sa bangka. Bumaba na rin si Gab at bahagya pa akong namangha nang makita ang muscles niya sa braso maging ang mabato niyang tiyan nang maisabit sa gilid ng bangka ang kaniyang suot na polo. Siguro ay puspusan ang ginagawa niyang pag-eehersisyo. Marami na rin akong nakitang abs dito kaya naumay na rin ako. Ngunit sa pagkakataong ito ay tila ba isang klase iyon ng putaheng nagniningning sa iyong mga mata at kahit na hindi mo sinasadyang tingnan ay mapapatitig ka na lang bigla. Nag-iwas ako ng tingin. "Tsk, you're raping with your eyes," aniya. Naintindihan ko naman iyon. Pero paano nga ba nagagasa ng mga mata ang isang tao? Napaka wirdo niya. Nakaapak na kami sa puting buhangin. Nahuli ako sa paglalakad dahil malaki ang kaniyang hakbang. Nawiwili akong sinundan ang bakas ng kaniyang paa hanggang sa nabunggo ako sa isang matigas na bagay. "Aray," reklamo ko. Napatingala ako nang makitang si Gab pala iyon. "Tsk," "Pwede namang mag-sorry ka diba?" "Huwag kang masungit dahil ikaw itong hindi tumitingin sa dinadaanan mo," masungit ding bwelta niya. Nilagay ko sa aking bewang ang kamay ko habang magkalapit pa rin kami. Nakahanda na tadyakan siya ngunit narinig ko anb pamilyar na boses mula sa likod kaya mabilis akong napahiwalay kay Gab na hindi maginoo. Nakangiti kong nilingon ang taong tumawag sa akin. "Ah, mahal... Ahhh, gutom ka na ba? Heto oh, bibingka para sa iyo," ani Omar. Nilapitan ko siya at nahihiya niyang inabot sa akin ang dala niyang meryenda. Magulo ang kaniyang buhok at pawisan pa siya. Bago ko inabot ang dala niya ay kinuha ko muna ang tuwalya na nakasabit sa kaniyang leeg saka pinunasan ang namuong pawis sa kaniyang katawan. "Nag abala ka pa mahal. Alam ko namang abala ka sa bukid kaya ayos lang naman na kahit hindi mo na ako dalhan ng meryenda," "Ayaw kong magutom ka. Nasabi sa akin ni nanay Rosa na hindi ka raw nag-almusal kaya dinalhan kita," "Pasensiya ka na mahal. O siya, halika na muna at kainin natin ito," nakangiting wika ko saka siya hinila. Ngunit naputol ang ngiti sa labi ko nang marinig ang tikhim ni Gab. "Sorry to cut your sweet moments. Miss, you're my tour guide. May lugar pa akong gustong puntahan," aniya saka tumalikod na. Nilingon ko si Omar, "Mahal, pasensiya ka na hah? Kasi-" "Ayos lang mahal. Naiintindihan ko naman ang trabaho mo. Sundan mo na mahal," Kumaway pa ako sa kanya bago padabog na naglakad sa buhangin habang sinusundan ang Gab na iyon. Dahil sa inis ko ay pinulot ko ang isang maliit na bato na sinlaki ng holen. Nanggigil kong binato iyon sa kanya at sa kabutihang palad ay sapul ang kaniyang siko. Mabilis siyang lumingon sa akin gamit ang kanyang matalim na tingin. "Come. Over. Here." End of chapter 1.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD