"Wait lang, bekla! Nandyan na ang hinihintay natin." Tumayo si Lilo at pinagbuksan ng pintuan ang nagdodoorbell. Hindi na ako lumingon doon at tiningnan ang mga pictures na pinrint niya. Mga usong damit raw ngayon at gawin kong guide. "Oh! You're our hero! Thank you." Nagtitili ang bakla sa may tapat ng pintuan. Di ko kasi makita dahil pinapagitnaan iyon ng wall. "Is she okay? Where is she, Alcantara?" Boses iyon ng lalaki. "Lilo nga kasi. Lee-luh! Hmp. Alcantara ka dyan!" Pagpipilit ni Lilo. Umirap ako at di na pinansin pa ang pag-iinarte ni Lilo. "By the way.. Nandun siya sa sala. Humanga na ata sa mga fashion icons. Let's go, fafa!" Nilingon ko ang paparating na si Lilo at ang aking adviser kuno. Nagulat ako pero siya ay