Gabby's POV
*TING*
When I heard the elevator's sound. I immediately wiped my tears and look myself at the mirror. Hindi naman masyadong nahahalata na namamaga ang mga mata ko.
Lumabas na ako ng elevator. Ilang steps pa lang ang nagagawa ko ay nakita ko na agad si Kesha.
Excited na lumapit siya saken. I tried to smile. But I just gave her a faint smile.
"Uy! Problema mo? May masakit ba sayo?" tanong niya tapos tinapik pa yung balikat ko.
Meron. Puso ko masakit. Hindi ko din alam kung bakit kaya hindi ko na lang din sasabihin sayo kung anong masakit.
Umiling ako. Tapos sumandal sa dingding. Nasa hallway kami ngayon. Medyo malayo lang kami sa elevator.
"Balitaan mo naman ako!"tumingin ako sa kanya. Tungkol saan naman kaya?
"Ng ano?"
"Kumusta si Sir Reigan?" sabi niya. Parang namutla ako nung binanggit niya ang pangalan na yun. Napakagat labi ako. As in, madiin na parang magdudugo na ang labi ko but I can't feel the pain. All I can feel is the pain my heart feels. So...painful.
Tuloy-tuloy lang siya sa pagsasalita pero hindi ko naririnig ang boses niya.Parang sa mga movie lang. Parang lumilipad ang utak ko sa ibang bagay.
Lumihistro sa mukha ko ang eksena habang naghahalikan si Rei at ang babaeng kabayo. Lalo ko pang diniinan ang pagkagat sa labi ko. I'm bitting my lips to stop myself from crying. It seems like, anytime, I will burst out my tears. At ayokong mag-alala saken si Kesha kaya hindi ako iiyak sa harap niya.
"Gabby? Hoy! Gabbriel! Nakikinig ka ba?"
Dun lang ako parang natauhan. I looked at her.
"A-ano yun?" I asked. ANo nga ba ang sinasabi niya?
"Ang sabi ko, hindi ka ba naman nai-inlove kay sir Reigan? Sa gwapo ba naman niyang iyon tapos hanep ang wankata at saka mayaman pa. Di'ba? Nakaka-inlove!" tapos kinikilig-kilig pa siya sa harapan ko.
"Ahhh...ehh...oo nga." sinakyan ko na lang ang sinabi niya. But there's something that ask myself to myself. Hindi ka nga ba nai-inlove sa kanya?
Natigilan na lang ako sa naisip ko. Lalong naguluhan ang isip ko. Pero pinilit kong alisin ang naiisip ko. I just focus listening to Kesha.
Ang daldal talaga niya. Kung anu-ano ang sinasabi niya tapos napangiti na ako. Tapos maya-maya, napatawa na ako.
"Shucks! Kesha! Tigilan mo na nga ako. Naiiyak na ako sa kakatawa oh!" sabi ko.
"Eh totoo naman eh. Ang haba nung legs nung babaeng dumalaw kay Sir Reigan. Mukha siyang kabayo." sabi niya na natatawa na din.
"HAhahahahhaa!" Bestfriend ko talaga tong isang to. Parehong preho kami ng naisip.
"Gabby!"
Napalingon ako sa tumawag saken. Napatigil ako sa pagtawa. As in, parang nakakita ako ng multo. Pati si Kesha natigilan din. Nakatunganga lang kami sa lalaking papalapit samin. More like. Sa akin.
"Sam..." I muttered softly.
"Ang tagal kitang hinanap, Gabby!" Tapos niyakap niya ako. Na-estatwa na lang ako sa pagkabigla.
Si Sam. My ex-boyfriend three years ago. One year din ang pinagsamahan namin. I loved him so much but he just break up with me and accussing me na "Mukhang Pera" daw ako and he means nothing to my life dahil daw mahirap lang siya.
Which is not true. Siguro nga ay pinapangarap ko ang magkaroon ng mayamang nobyo o asawa na para magkaroon ako ng magandang buhay. Pero hanggang pangarap ko lang iyon. At naging masakit saken ang break up namin na nagkaroon pa ako ng pangalang hindi naman ako. Na sabihan ako ng "Mukhang Pera"
*TING*
Napatingin ako sa elevator which is straight ahead. Nasa hallway kasi kami nun.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Rei. Tatakbo sana siya palabas but he saw me at natigilan siya bigla. Then pain crossed all over his face. Parang nasaktan ako seeing him like that. Like he is hurt. Pero bakit? Dahil saan? Dahil ba may nakayakap saken?
Pinipilit kong kumawala kay Sam. Baka kung ano ang isipin ni Rei. But Sam didn't let me go. I want to shout and call his name pero huli na. He already pressed the closed button and I saw the floor numbrs go up to his 25th floor.
"L-Let go of me, Sam!" I shouted and use all of my force to escape his embraced. Then he let me go.
Napatulala lang ako sa elevator. Is he about to come for me? Is he?
Napailing ako. No... its impossible. He wouldn't run after me. I'm just assumming things. May kasama na syang babae sa office niya. He wouldn't come for me. Maybe, he's just... stopped on our ground accidentally. Right. Coincidence lang siguro.
Then my sight blurred again. Why am I hurt again? I'm confused. My feelings are confusing. Bakit ba wala akong maisip na dahilan kung bakit ako nasasaktan? At bakit ba ako bigla-bigla na lang nasasaktan?
Sino ba ang makakapagsabi ng kung Ano itong nararamdaman ko? Hindi ko na alam... Ano ba talaga ito?