Gabby's POV "Ahmm...nandyan po ba si Reigan?" Nandito ako sa bahay ni Rei. Kailangan ko siyang makausap. Yung mukha niya kanina... alam kong galit siya. We need to fix this. Hindi maaaring may mangyaring ganito. "Naku...Hindi po kayo pwedeng kausapin ni Sir ngayon. Medyo may problema ho." sabi ng katulong. "Hindi po ba ako pwedeng pumasok?" "Pasensya na po---" "Manang, papasukin mo siya. At pakikuha na din po ng duplicate ng susi sa kwarto ni Reigan." Napalingon ako. Si Gin! Este, KUYA Gin! "Kuya Gin..." sabi ko. Seryoso ang mukha niya pero ngumiti pa din siya sakin na halata kong pilit. "I don't know what happened but you need to talk to him." sabi nito. Mukhang naiintindihan nito ang sitwasyon namin ni Rei. Tumango lang ako. Dumating na ang katulong at iniabot kay Gin ang susi