Title; Maybe this time ( Part 3)
writen by; Bam Munnoch
Tinawag nila ang waitress para maibigay nila ang kanilang order na mga inumin.
" Sandy, ano gusto mo orderen?" tanong ni Jolo
" Yon parin gaya ng dati bailey's parin" tugon nito
Inakbayan ni Aby si Sandoval na sinundan ang papalayong sexy na waitress naka sout ito ng mini skirt. Naglalakad palayo matapos makuha nito ang kanilang order
" Babe, ano sa tingin mo ang waitress, maganda siya diba?"
Napakamot sa ulo si Sandoval pagkuwan ay" Ano pinagsasabi mo? Wala naman akong nakita. Saka sayo lang naman ako nakatingin" patay mali nitong sagot
" Hampasin kita diyan ng bote" tugon ni Aby " Kanina kapanga nakatingin sa susu niyang gusto ng magsitalunan sa sout nito" naka-ismid nitong sabi.
" Nag seselos naman tong si Aby" puna niya sa dalawang mag asawa.
" Natural lang yan, Jealousy is a part of love" sabad ni Santi.
" Mali ka, Jealousy is not part of love, because Jealousy is a window" tugon ni Sandoval
" Ay ang galing believed talaga ako sayo, Sandy umandar talaga ka beklaan mo paminsan minsan" aniya rito
" Saan mo napulot yon?' kantiyaw ni Aryana
Napatigil sila ng dumating ang waitress bitbit ang kanilang order.
" Itali niyo nalang kaya yang asawa niyo" anang Santi sa apat na magkaparis.
" Palibhasa kasi walang sa inyo" tugon ni Aryana
" Ito ngang dalmatian na kasama natin iniwan ang kasal dahil ayaw magpatali" anang santi nakatingin sa kanya. Hindi ma alis alis ang ngiti nito sa tuwing nakatingin sa kanya.
" Taray ng pormahan ng dalmatian nato ah, may pa tuxedo pa makipag inuman lang naman" segunda ni Christian
" Maypa outfit na ngayon, malas niyo hindi kayo na inform" tugon niya sa tukso ng mga ito
" Parang kilala ko yan ah!" putol ni Aby sa kanila ng makita nito ang groupo ng mga kababaehan
" Arabella?" Tawag niya ng mapadaan ito sa tapat nila.
Napalingon si Arabella sa babaeng tumawag sa kanya. Napakunot noo siyang tinignan ito pagkuwan ay. " Aby?" aniya na abot tainga ang kanyang ngiti ng makilala ito.
Agad siya nitong niyakap " Kumusta kana? paano ka napunta rito?" excited nitong tanong
" Guys si Arabella pala kapitbahay namin noon sa probinsya namin" pagpakilala nito sa mga kasamahan.
Isa isa siyang kinamayan ng mga ito na mainit ang pagtanggap maliban nalang sa isang lalaking naka tuxedl namay blackeyed na tanging " Hi lang ang sinabi nito sa kanya"
" Dito kana sa table namin Arabel, para makapag kwentuhan naman tayo" ani Aby sa kanya
Agad siya nagpaalam saglit sa mga kaibigan na don muna siya sa table ng dating kapitbahay para makapag kwentuhan sila.
"Napaka suplado naman nitong lalaking ito" aniya ng hindi siya pinansin ni Jolo
" Santi, dito kana tumabi samin mga babae ngayon ganap kanang babae bekla" anang Aryana ng pumagitna si Santi kina Jolo at Christian.
" Naku, ayaw ko sa inyo mga girls dito lang ako sa mga boys, may free hugs ako rito lagi eh" anitong hinilig ang ulo sa balikat ni Jolo saka binaling kay Christian. " Ayaw ko kay Sandy sisters ko parin yan" hirit nito.
Napasulyap siya kay Arabella na masayang nakipag kwentuhan kay Aby. Napangiwi siya ng panay ito nguya ng bubble gum.
" Pwedi ba, itapon mo yang chewing gum mo?" hindi niya napigil bulalas rito.
" Bakit naman, eh may lasa pa" angil nito
" Na alibadbaran ako sa tunog" aniya na iinis
" Inferness naman sa pandinig mo ha, subrang linis ng eardrum mo sa ingay na ng club na rinig mo pa ang pagnguya ko ng bubble gum" anitong nang iinis sa kanya
Napakibit balikat siya. Saka binaling ang tingin sa mga kaibigan
" Papa" anang Santi nakatingin sa kinaroronan sa ex boyfriend nito na may kaharutan.
" Tigilan muna yang ka, papa mo riyan" saway nk Sandoval kay Santi
Biglang napatayo si Santi ng marinig nito ang tugtug ng " Don't Cha by p***y cat dolls.
Hinila nito sina Aby at Aryana" Girsl lets go, its show time" anitong kuminding kinding naglakad papuntang stage na hindi parin binitawan sina Aby at Aryana
Mabilis na hila ni Aby ang kamay ni Arabella kaya wala itong nagawa kundi ang magpatianod sa mga ito.
Napatingin ang exboyfriend nito habang papaakyat sila sa hagdanan ng stage.
Sumenyas si Santi rito na nagpapahiwatig ng " Watch me"
Pumewesto sila sa gitna sinabay sa tugtug ang kanilang paggiling.
Nag sitayuan ang mga nandon lalo na sina sandoval at Christian. Napapalakpak ang mga ito habang nakatingin sa kanilang masayang nagsasayawan sa gitna ng stage.
" I know you like me"
" I know you do" sabay ni Santi sa kanta na nagpa giling giling sabay turo sa exboyfriend nakaupo sa harap
Todo bigay naman sa pag giling ang tatlong babae na nagpapakitang gilas sa mga lalaki na noon ay nakatayo sa gilid na malapit sa stage.
" I know you do"
And in a back of your mind
you know you should be on with me"
" Ito na ang pinaka the best part" tili niya sasarili.
Saka lalo pa ginalingan ang pag giling ni Santi ng dumating na sa churos binigay niya lahat ng best niya. " Don't cha wish your girlfriend was hot like me"
" Don't cha wish your girlfriend was freak like me"
Lumapit pa siya sa dulo ng stage para inisin ang exboyfriend kasama ang girlfriend nito.
" Don't Cha wish your girlfriend was raw like me
Don't cha wish your girlfriend was fun like me"
Pagpaptuloy niya hinihipo hipo ang kanyang paa habang nakatingin sa dalawang magkasintahan. Sa subrang likot niya na dulas ang isa niyang paa nangapa ang kamay niya na baka sakaling may mahawakan siya ngunit nawalan na siya ng balance " Ay bayot!" tili niya ng bumagsak siya sa harapan ng dating nobyo.
Hindi nakagalaw ang mga babae sa bilis ng pangyayari.
Mabilis napatakbo si Jolo para saklulukhan ang beklang nahulog" Yan kasi nakarma na" aniya rito
" Nag diaper kapang luko ka" aniya ng makapa niya ang puwit nito na medjo makapal ng tulungan niya itong maibaba ang nakataas nitong dress mula sa pagkabagsak
" Sira, foam yan" angil nito
Nagsitakbuhan ang mga babae pababa ng mahimasmasan mula sa pagkabigla
" Santi nasaktan kaba?" Anang Aryana
" Hindi naman yong sahig ang nag adjust eh para hindi ako masaktan" anitong naka ismid
" Kita nanga nahulog ako sasahig natural nasaktan ako" ngatngat nito
" Ayos lang ba pakiramdam mo?" tanong ni Aby
" Ayos lang ang saya-saya palang mahulog no?" anitong pinandilatan ng mata si Aby
" Pero nakakahiya kaya yon mahulog sa harapan ng ex. Saklap pa hindi ka sinalo" natatawang sabi niya rito
" Hindi siguro alam ng ex mo yong kantang, " Catch me I'm falling for you" natatawang tukso ni Christian
" Bahala nga kayo sa buhay niyo, nahulog man ako atleast maganda ako" pagtataray nito
" Mamang nabali ata ang balakang ko" anitong umupo sa tabi ni Sandoval
" Pasikat pa more" natatawa nitong sabi
Tawang tawa sila sa hitsura ni Santi ng bumagsak ito ang masaklap ni hindi man lang tumayo ang ex para tulungan itong maitayo.
" Ha,ha,ha! Nalaglag man ako may ililibing naman na dalmatian bukas" pang-aasar nito sa kanya.
" Bahala na atleast hindi ako na hulog sa harapan ng ex, syunga kasi hindi nag-iingat" tugon niya rito