Title: Maybe this time
PART 5
"Bakit mo kasi ginalit ang ama mo anak" anang ina niya
" Lets go Magda!" Tawag nang kanyang ama sa ina.
Tulala siya nang maiwan siyang mag-isa. Hindi niya alam ang gagawin ngayon, wala na siya sa company nila.
" Makakatayo ba ako sa sarili kung mga paa?" tanong niya sa sarili.
Pumasok siya sa kanyang pad saka pabagsak na humiga sa kanyang kama.
Bigla siyang nawalan ng gana. Dapat ba niyang pag-sisihan ang kanyang pagtakas sa kanyang kasal? Hanggang sa makatulagan niya ang mga iisipin na iyon.
Naka ilang tawag na ang kanyang mga kaibigan ngunit wala siyang ganang sagutin ang mga tawag nito. Wala siyang ganang makipag-usap isa man sa mga ito gusto niyang mapag-isa.
Maghapon siyang nakahiga hanggang sa makaramdam ng gutom. Minabuti niyang bumangon at mag handa ng makain.
Hindi mapalagay si Christian na naka upo sa harap ng computer. Hindi mawaksi sa kanyang isipan si Jolo, nakailang tawag na siya ngunit hindi siya nito sinagot. Naisipan niyang puntahan ito baka ano na ang nangyari rito.
Hindi pa siya lubusan nakatayo mula sa kanyang ergo chair ng pumasok si Sandoval.
" Naka usap mo ba si Jolo?" alalang tanong nito
" Hindi eh, naka ilang tawag na ako pero hindi sinasagot" tugon niya
" Ano kaya ang nangyari don, mabuti pa puntahan nalang natin" suhestiyon nito
Magkasunod silang magkaibigan papunta sa pad ni Jolo ng madatnan nila si Santi kakaparada lang nito ng sasakyan sa tapat ng pad ni Jolo.
" Ano, nakausap niyo ba siya?" anang Santi nang makalapit sa kanila
" Hindi nga eh" tugon ni Sandy
" Baka dead na yon, hindi ko ito matatanggap" humihikbing sabi ni Santi
" Sira, kaba oa mo ha!" naka ismid na sabi ni Sandy
Naka upo si Jolo sa harap ng tv na tulala. Mga sunod-sunod na mga katok ang pumukaw sa kanya. Napalingon siya sa pinto.
" Jolo, kami to buksan mo naman kami" boses ni Christian
Tumayo siya saka tinungo ang pinto at binuksan ito. Nagulat pa siya ng makita ang tatlo.
" Ano nanaman ang ginagawa niyo rito?" naiinis niyang tanong
" Abay, loko to ah syempre tinignan ka namin kung humihinga kapa ba" naka pamawang na tugon ni Santi
" Pulubi na ako ngayon, inalis na ako ni dad sa kompanya namin" malungkot niyang saad
" Ano na ang plano mo ngayon?" tanong ni Sandy
" Hindi ko panga alam eh, kayo din naman ang may kasalanan kung bakit nagka letse letse ang buhay ko. Kung hinayaan niyo lang sana ako nagpakasal hindi sana ito mangyari sa akin" sisi niya sa mga kaibigan
" Abay, eng-eng ka pala. Kung gusto mo naman palang mag pakasal bakit mo sinunud ang payo namin? Wala ka bang sariling isip?" galit na sabi ni Sandoval
" Bakit mo sa amin isisi yan? Ikaw panga ang tinutulungan namin kami pa ngayon ang maykasalan, kung bakit nagka letse letse ang buhay mo" anang Christian
" Bakit ba kayo nag-aaway away at nag sisihan? Hindi naman tayo ang magkalaban rito ah, saka kahit magdamagan pa tayo mag sisihan rito walang mangyayari. Dahil nangyari na ang hindi dapat" Saway sa kanila ni Santi
" Kasi itong si Jolo isisi pa sa atin ang nangyari sa kanya" anang Sandoval
" Tigilan niyo na nga yan. Mag-isip nalang tayo ano ang dapat gawin." anang santi
" Ampunin mo nalang ako, wala na akong trabaho" aniya kay Santi
" Ayaw ko nga, kahit guwapo ka ayaw kitang ampunin. Ang lakas mo kayang lumamon baka ang isang sakong bigas ko hindi aabot ng isang buwan" tugon nito.
" Pumasok ka nalang sa company namin" alok ni Sandoval
" Ayaw ko, ayaw ko ng may amo. Kakapagud pagmay amo" tanggi niya rito
" Abay, ito na nga ang binigyan ng trabaho ito pa ang aayaw, iba karin ano?" anang Christian
" Hayaan na ngalang natin yan mamomulubi" anang Santi
" Ipapakita ko kay dad kaya kung tumayo sa sarili kung mga paa. Papakita ko sa kanya na magiging matagumpay ako" aniya rito
" Paano mo maipakita? eh, ayaw mo nga tanggapin ang inaalok namin sayong trabaho" anang Sandy
" Paano kaya kung mag nenegosyo tayo, magtatayo tayo ng coffee shop. Sosyo tayo" alok ni Christian
" Total wala kana mang trabaho ikaw na personal na mag mamanage" anang Christian.
" Oh, diba? ayaw mo naman na may amo eh, yan pwedi nayan sayo" anang Sandy
Napaisip siya tama ang mga ito since mahilig din naman siya sa coffee at himbis sa club sila tumatambay ngayon may bago na silang tambayan at maliban paroon may income pa sila.
" Oh, sige cool ako. Ambag tayo" aniya
" Pass na muna ako sa coffee dahil may ipapatakbo akong club" anang Santi
" Ah, grabeng takbo na yan, saan kaya aabot ang club na yan sa kakatakbo" tugon ni Sandy sa sinabi ni Santi
" namilusopo ka ah!" angil ni Santi
" Ayusin mo kasi yang sinasabi mo, sabihin mo magpapatayo ka ng sarili mong club hindi yong magpapatakbo ka ng club. Buong buhay ko ngayon lang ako nakarinig ng ganyan" ani Sandy
Inis na tumayo si Santi sa harapan ni Sandoval, nakapamaywang" Nanadya kaba ha? Gusto mo ba talaga ng away?" anitong pinandilatan siya ng mata
Tumayo narin siya " Ah, wag mo akong hamunin dai, dahil matatalo ka lang sa'kin isang hablot ko lang niyang buhok mo tanggal na'yan" ani Sandoval
Napatingin si Jolo kay Christian nagtatanong ang mga mata anong nangyari sa dalawa.
Napatayo si Jolo" Mga sira, bakit kayo nag-aaway?" aniya sinapok ang dalawa sa ulo.
" May period ba kayo at biglang kumulo ang dugo niyo sa isa't isa?"
" Ito kasi, namimilusopo" anang Santi
" Tama na yan, seriouso ang usapan" anang Christian
" Ano na Sandy?" tanong niya rito
" Okay naman yan, sige mag-she-share ako" tugon nito
Agad din umalis ang mga ito nang magkasundo sila sa kanilang bagong negosyo.
Nagpunta siya ng bangko para mag withdraw laking gulat niya ng ma closed ang account. Naisipan niya ang kanyang personal na account. Nanlumo siya sa kanyang nakita.
Kukulangin ito sa itatayo nilang negosyo. Gulong gulo ang isipan niya sa mga nangyayari sa kanya. Nakailang ikot na siya hanggang sa naisipan niyang pumasok sa isang kilalang coffee shop.
Habang nag-antay ng kanyang order, sumagi sa kanyang isipan, ang pagiging dependent niya sa kita ng ama. Ni hindi niya manlang na isipan maglagay ng pera sa sarili niyang bank account. At nagiging waldas siya sa kanyang pera, bili nito bili don. Nikahit hindi mahalagang bagay kapag gusto niya binibili niya kalaunan ni hindi na niya binigyang ng pansin dahil nagsasawa na siya. Ngayon niya na realized na mas mahalaga pala ang may ipon for rainy season. Tulad na ngayon? Ni kahit minsan hindi sumagi sa isipan niya na mangyayari ito sa kanya. Mula sa pamumuhay ng marangya buhay ay ngayon mamumulubi na siya dahil sa kanyang kapabayaan." Ang dami kung chance makapag ipon, pero sinayang ko lang ang pera sa walang kwentang mga bagay. Saan ako ngayon hahanap ng pera?" na isuklay niya ang daliri sa kanyang buhok.