Maybe this time episode 16

1315 Words
Title; Maybe this time ( Part 16) Matapos nila makipag usap kina Margaret nag paalam sila rito umalis. Ipinag bukas siya nito ng pinto. Inakbayan parin siya nito, habang nag aabang ng taxi. Kilig na kilig siya ng mga sandaling iyon. " Ano nakatingin paba sila sa'atin?" pabulong nitong tanong sa kanya. Nilingon niya ang mga ito busy ang mga ito sa kakatitig sa isa't isa. " Oo, nakatingin sa atin si Maragaret" aniya pinulopot ang kanang kamay niya sa baywang nito. " Abay, grab the apportunity din pag may time" natatawa nitong sabi. “ pasalamat kanga tinulungan kita rito sa, kalukuhan mo” “ Hmmm, alam kung gusto mo to” tukso nito sa kanya. “ Uy, sir de ahh. Baka kala mo riyan may pagnanasa ako sayo. Para sabihin ko sayo wala po” aniya rito “ Sinunggaling!” sigaw ng puso niya. “ Lagkit nga ng tingin mo sa akin, halikan kita riyan, eh” anitong tumingin sa kanya. Saglit siyang natigilan kinilig” Hindi ba yan kasama sa pag-papanggap natin?” nakangiti niyang tanong rito. “ Hindi ui, ano ka? Saka na pagkaharap natin si Margaret” natatawa nitong sabi “ Bumalik nalang tayo sa loob” “ Bakit gusto mo ba halikan kita?” anitong nakatingin parin sa kanya. “ La, hindi ah! Biro lang kaya yon” mabilis niyang tanggi. “ Kala ko ba crush mo ako?” nakangiti nitong tanong. Natigilan siya saglit.” Masyado na ata akong halata”aniya sa sarili “ Naniwala ka naman don, prank lang yon, tulad nitong pagpapangap natin” sa kaibuturan ng puso niya hindi na crush ang pagtingin niya rito. “ Nahulog na ako” pagdidiinan niya sa sarili niya. Natigil sila sa pag-uusap ng may humintong taxi sa harapan nila. Agad kumalas si Jolo mula sa pagkaka-akbay sa kanya at binuksan nito ang pinto ng taxi. Inalalayan siya nitong makasakay. Sa isang restaurant siya nito dinala " Tulad ng pangako ko sayo libre kita" anitong pinaghila siya ng upoan. " Bakit ka pumayag na dumalo sa birthday niya?" agad niyang tanong rito ng maka-upo ito sa harap niya. " Gusto ko andun ako sa araw niya, I want to see her happy" " Mahal mo parin ba siya?" deretsahan niyang tanong Tumango ito bilang pagtugon sa tanong niya. " Bago lang ba kayo nag break?" " Matagal na, ang akala ko wala na akong naramdaman para sa kanya kasi, after kami mag break, hindi na kami nag kita. Nong nag punta siya sa coffee shop. Parang bumalik ang ala-ala ng nakaraan namin" Tumigil ito saka kinamayan ang waiter " Alam mo ba ng matapos kami magka hiwalay, hindi na ako nakahanap pa ng kagaya niya? I mean marami naman akong nagustohan kaya lang lahat ng gusto ko may mahal ng iba. Gaya niya mahal ko parin siya pero may mahal na siyang iba" dagdag nito Tumingin siya sa mukha nito. " Bakit kapa mag papakita sa kanya ngayong may mahal naman siyang iba. Bakit kailangan mopa magpakatanga?" walang kimi niyang tugon. " Im hoping na, maybe this time, magiging okay na ang love life ko sa kanya. Diba mag syuta pa naman sila? Hindi pa sila kasal? So pwedi pa siyang magbago ng nararamdaman niya.” Tumahimik sila ng dumating ang waiter. " Ano ang gusto mo kainin?" tanong nito sa kanya. Tumingin siya sa menu, wala siyang alam na pagkain na nandun. " Pwedi ba ikaw nalang ang pumili para sa akin?" omorder ito ng dalawang beefsteak. " Well-done or medium rare?" tanong nito sa kanya napakunot-noo siya sa tanong nito. "Isang well-done at isang medium rare" baling nito sa waiter ng hindi siya sumagot. " Taray naman ng pagkain rito, ngayon lang ako nakarinig ng , well done at medium rare" sa kaloob looban niya. " Arabella, paano mo na maintain ang mag tago ng tunay nararamdaman?" Biglang uminit ang kanyang pisngi sa tanong nito. Hindi niya nakikita ang hitsura niya pero ramdam niyang nag ba-blush siya sa tanong nito. “ Alam niya na maynararamdaman ako para sa kanya?” na itanong niya sasarili. " Paano mo makuha nakangiti palagi kapag may kaharap ka, pero pag ikaw nalang mag isa nalulungkot ka? Diba niloloko ka ng boyfriend mo?" Ulit nito sa kanya ng matahimik siya Lumuwag ang kanyang dibdib sinasabi nito. " Magaling lang siguro ako sa taguan ng nararamdaman. Tulad ng pagmamahal ko sayo, naitago ko" gusto niya sabihin rito "Ewan ko, mabilis lang siguro ako maka move on" aniya " nong una umiyak ako, pero naisip ko, hindi naman deserving iyakan ang mga tao manloloko. Lalo lang lalaki ang ulo nila pag-iiyakan. Saka wala sa vocabulary ko ang mag mok-mok dahil lang sa lalaki. Hindi pa katapusan ng mundo para mag talipasay. Hindi lang naman siya ang lalaki sa mundong ito, baka hindi lang talaga para kami sa isa’t isa. Masasayang lang energy ko sa kanya, baka iba ang para sa akin.” mahaba niyang paliwanag rito. “ Malay mo tayo pala ang para sa isa’t isa” sa isip niya. Ngumiti ito sa kanya" Alam mo para karing mga kaibigan ko, ganyan na ganyan kung mag sasalita. Kahit gaano pakalaki ang problema nila, tinawanan lang" tugon nito " Life, must goon ika, nga nila. Saka yang mga problema laging nasa paligid lang mga yan, nasasaatin nalang kung pupulutin natin" tugon niya rito "When problem hit us, shake it off!" natatawa nitong sabi. " Tulad nong unang tinakwil ako ng dad, nawalan ako noon ng gana, kasi hindi ko alam saan ako mag sisimula. Pero, pasalamat nalang din ako tinulungan ako ng mga kaibigan ko makapag simula muli.” Napangiti siyang nakipag kwentuhan ito sa kanya lalo na sa family problem nito. " Tulad nga ng sabi nila, kahit gaano pa kalakas ang ulan titila rin sila ng kusa. Tulad ng mga pagsubok at problema hinaharap natin, naglalaho lang din sila ng kusa. Ang kailangan lang natin gawin ay sumabay sa agos ng ating buhay." Saglit silang natigil ng dumating ang kanilang order. Ginaya niya si Jolo paano ang kain ng steak. tumigil ito sa pagsubo at tumingin sa kanya. Para na siyang matutunaw sa titig nito. “Ang lagkit ng tingin mo sa akin, baka sinadya mo lang yan para ako magbayad nitong kinain natin” natatawa niyang biro rito. Tinaas nito ang kanang kamay saka nilapit sa gilid ng bibig niya. " May kanin ka sa gilid ng bibig mo, hindi muna ba mahanap ang bunganga mo huh?” Tinawanan niya lang ito. Matapos nilang kumain ay, agad silang bumalik sa coffee shop. “Ang lubo mo, wag mong kalimutan, ng hindi tayo napapahiya" aniya inabot rito ang Jacket. Natawa ito sa sinabi niya " Ang galing mong sumalo kanina" Kinindatan siya nito bago ito tuluyan pumasok sa office. Para na siyang hihimatayin sa kilig. Tulad ng sabi ni Santi at Aryana babalik ang mga ito sa gabi. “ Santi, may pakiusap ako sayo” ani Jolo ng pumasok ito sa loob at tumabi ng upo. “ Ano, nanaman niyan?” “ Isasama ko kasi si Arabella sa party ni Margaret, pwedi ba bihisan mo siya ng maayos?” “ Bakit, hindi naba marong mag suot ng damit si Arabella?” “ Sira, ibig kong sabihin baka pwedi tulungan mo siyang mamili ng tamang damit na mababagay sa kanya” paliwanag niya rito “ Ay gusto ko yan. Sasama akong mag shopping” sabad ni Aryana lumapit sa kanila. “ Itong si Jolo, ipag shopping si Arabella, tapos wala na nanaman yang pera i-abot sa akin” angil ni Santi sa kanya. “ Babayaran ko, ikaw naman” natatawa niyanh niyakap ito. “ Pag ganyang naglalamabing ka alam ko na, charge na na naman sa credit card ko” “ Pero sige na ngalang. Papagandahan ko yang si Arabella para ma inlove ka sa kanya” tukso ni Santi
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD