" GUYS, sana naman dumalo kayo sa kasal ko bukas" Pakiusap ni Jolo sa kanyang mga kaibigan.
Kasulukuyan silang nasa bahay ng mag-asawang Christian at Aryana. Kaharap niyang umupo sa sofa ang mag-asawang sina Aby at Sandoval. Gusto niya sanang buo silang magkakaibigan ngunit wala ang beklang si Santi nasa ibang bansa ito.
" Jolo, pasensiya kana pero hindi ko kayang makita ang mukha ng mapapangasawa mo" tugon ni Aby sa kanya.
" Kung iba iyan, dadalo kami" sabad naman ni Sandoval
“ Never talaga sumagi sa isipan ko na magiging kayo ni Melissa” saad ni Christian na hindi parin makapaniwala magpapakasal siya kay Melissa.
Inabot niya ang basong nakapatong sa center table saka, nilagok niya ang laman nito beer, kapag kuwan ay " Hindi ko rin talaga maintindihan paano ang nangyari at napaniwala niya ang aking ama na ako ang ama ng kanyang dinadala" muli siya nagsalin ng beer sa kanyang baso.
" Gigil na gigil na talaga ako sa Melissang iyan, parang linta kung maka kapit at kung sino sino nalang ang kinakapitan" inis na sabi ni Aryana.
" Hindi ko alam ano ang sasabihin ni Santi kapag malaman niya na ang bruha ang mapapangasawa mo Jolo” ani Aby
" Napakamalas mo naman sa pag-ibig lagi kapang sablay tapos ngayon napikot kapa" na iiling na saad ni Sandoval sa kanya.
Napakamot siya sa kanyang ulo sa sinabi nito saka marahas na bumuntong hininga" Ewan ko ba" sinundan niya iyon ng pag buntong hininga.
Magkaibigan sila dati ni Melissa, kahit ayaw ng mga asawa ng kaibigan niya kay Melissa hindi niya pinutol ang pagiging magkaibigan nila nito dahil para sa kanya labas siya sa eringan ng mga ito.
May panahon nag inuman sila ni Melissa ang mapapangasawa niya, pero alam niyang hindi siya lasing nagulat nalang siya nang ipilit ng kanyang ama pakasalan ito dahil buntis raw at siya ang ama.
" Pwedi ka naman umatras"Suhestiyon ni Aryana
" Baka tanggalin ako ni dad sa kumpanya, alam mong naging malapit si dad at ang dad ni Melissa"
" Diba sabi mo noon na, lugi ang negosyo nila ni Melissa? Baka ginamit lang nila ang dad mo" Anang Christian na sumandal sa kinaupuan leather couch.
Binaba niya ang hawak niyang baso nasa malapit sa kanyang bibig " Sinabi kuna yan kay dad noon, hinanapan niya ako ng prof, eh wala akong maipakita. Sabi niya lang pagdadahilan kona lang daw para hindi matuloy ang kasal namin"
" Sana andito si Santi para matulungan niya tayo" ani Aryana
" Wala bang balita sa beklang iyon?" pag iba niya sa topic nila
" Wala nga eh, ang huli kung narinig sa kanya busy daw siya sa lovelife niya" ani Sandoval
" Buti pa si bekla may lovelife na" aniya na may himig na inggit sa boses.
" Ikaw din naman ikakasal kana bukas" balik ni Aby sa kanya
" Diba dapat masaya ako? Pero paano ako magsasaya eh, hindi ko mahal ang pakakasalan ko. Buti sana kung yong ex ko, eh nag ibang bakuran narin"
" Baka kayo talaga ang tinadhana ng bruha nayon" naka-ismid na sabad ni Aryana
"Pero hindi ko talaga mapapangako na dadalo kami sa kasal mo Jolo, kahit anong pilit ko sa isipan ko na tanggapin ang babaeng iyon pero, ayaw talaga ng kalooban ko" saad ni Aby sinandal ang ulo sa balikat ng asawa si Sandoval
" Sana naman kahit bukas man lang andun lang sana kayo, pangpalubag loob lang sa kamalasang nangyayari sa akin" pilit niya sa mga ito.
" Titignan namin tol, pero hindi kami mangangako" anang Christian.
Palalim na ang gabi ng magpaalam siya sa mga kaibigan. Stress na stress na ang kanyang hitsura umuwi sa kanyang pad.
Naka ilang baling na siya sa kanyang hinihigaan habang inisip ang kanyang magiging kasal bukas. " Ilang ulit naglalaro sa kanyang isipan kung paano nito napaniwala ang kanyang ama kung paano ang nangyari ay hindi niya ma figure out sa kanyang isipan.
Kung tutuusin pwedi niyang hindi sundin ang kanyang ama. Pero dahil sa malaki ang pagmamahal at respito niya para rito hindi niya magawang maging suwael na anak. Nakikita niya kung paano sila itinaguyod ng kanyang ama. Halos gumagamapang ito sa hirap para lang mabigyan silang magkapatid ng magandang buhay. Kaya malaki ang respito niya para rito dahil sa kahit minsan gusto na nitong bumigay sa hamon ng buhay, hindi sila nito iniwan at ang kanyang ina. Ni minsan hindi niya ito nakitaan na sinasaktan ang nito ang kanyang ina.
Kaya ganon nalang niya ito kamahal na kahit kaligayahan niya ay isusuko niya para lang masuklian ang kabutihan ng ama. " Hindi kaya ng kunsensiya ko ang saktan ang damdamin ng aking ama" anang isipan niya.
" Jolo anak, gumising kana tanghali na"
Pukaw sa kanyang ina ng puntahan siya nito sa kanyang pad kinabukasan.
Halos madaling araw na siyang nakatulog kaya inabot siya ng tanghali gumising.
" Son, its a beautiful day" anang ama nakatayo sa tapat ng mesa nakapamulsa ang dalawa nitong kamay sa sout nitong slacks at nakatingin sa labas ng bintana kakabuksan lang ng ina.
Napailing iling siya ng makita itong ayos na ayos. Halatang mas excited pa ito kaysa sa kanya.
" Dad, alas dos pa nanghapon ang kasal ko, bakit ayos na ayos kana, 11:30 palang ah” puna niya rito saka lumapit siya sa may lababo para magtimpla ng kape.
" Anak, bakit kaba hindi umuwi sa hotel kagabi, hinahanap ka ng mga pinsan mo" anang ina
" Dahil gusto kung mapag-isa" gusto niyang isagot rito ngunit pinilit niyang wag nalang itong sagutin.
" Dinalhan ka namin ng pagkain. Kumain kana para makapag ayos kana" anang ama kinuha ang pagkain nakapatong sa mesa at nilagay sa plato.
Halos hindi niya malunok ang pagkain sa tuwing inisip niyang palapit na ang oras ng kanyang kasal.
" Bakit hindi mo inubos ang chicken curry?" puna ng kanyang ina ng makita siyang tumayo.
" Busog na ako ma"
Papasok na sana siya ng banyo para makapagligo ng tawagin siya ng kanyang ama.
" Son, Im so proud of you" saka siya nito nginitian ng ubod tamis
Tumango-tango na lamang siya nito saka nagtuloy pumasok ng banyo. Nilunod niya ang kanyang tulerong isipan sa ilalim ng shower. Kasabay ng pagbasak ng tubig mula sa shower ay binuhos niya rin don ang kanyang sama ng loob. " Oo masama ang loob ko sa ama ko, pero hindi ko parin makuhang pasamain ang kalooban niya" sigaw ng kanyang isipan.
Matapos niyang makapagligo ay agad siyang nagbihis. Sout niya ang kanyang tuxedo na sadyang pinapagawa pa ng kanyang ina.
Inabot niya ang kanyang celphone nakapatong sa mesa katabi ng kanyang kama.
" Tol, darating ba kayo?" tanong niya kay Christian ng tawagan niya ito.
Dissapointed siya ng sinabi nitong hindi ito daratating.
" Nasaan ba kayo?" aniya ng marinig niya ang boses ni Sandoval sa background nito
" Sabado ngayon nakalimutan mo ba?" anang Christian.
Lalo sumama ang kanyang loob sa mga kaibigan. Nagsalo salo naman lang ang mga ito bakit hindi pa sa kanyang kasal ng may maging karamay naman siya sa kanyang nararadaman.
" Jolo, we have to go now, I dont want to be late. Nakakahiya kina kumpare Calex" tukoy nito ay ang ama ng babae kanyang papakasalan.
Masama ang kanyang loob na lumabas sa kanyang pad. “ Bakit ba hindi ako makuhang supportahan ng mga kaibigan ko, kahit naman ayaw nila kay Melissa kahit manlang para sa akin bilang matalik nilang kaibigan” pagdaramdama niya sa mga ito. Nakuha pa ng mga itong mag boodle fight samantalang kinakailangan niya ang mga ito ngayon.