bc

Hiram (Concubine Series)

book_age18+
646
FOLLOW
1.2K
READ
forbidden
love-triangle
sex
arrogant
dominant
scandal
dare to love and hate
addiction
passionate
seductive
like
intro-logo
Blurb

"Nakakadiring tawaging kabit."

Iyan ang mga linyahan na palaging naririnig ni Aya mula sa mga legal na asawa. Hindi niya lubos akalain na darating ang araw na isasampal sa kaniya ang mga salitang ayaw niyang pakinggan.

Ngunit may mga bagay talaga na masarap ngunit bawal.

Maari bang magkatuluyan ang dalawang taong nagmamahalan kung ang pag-ibig ay bawal?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Aya!" Malakas na tawag sa akin ni Nanay at wala siyang pakialam kahit mabulabig niya ang mga kapitbahay namin dahil sa kakasigaw niya. "Saan ka na naman ba pupunta?" naiinis nitong tanong sa akin pero nagkunwari akong bingi sa mga tawag niya. Wala akong planong pakinggan siya sa mag litanya niya ngayon kung magtatalo lang na naman kami ulit. Mas gugustuhin ko pang magpanggap na lang na walang naririnig kaysa makipagtalo. Kaya nagpatuloy ako sa paghakbang para makaiwas sa kaniya. Pakiramdam ko ay walang ibang iniisip si Nanay kundi ang kaligayahan niya. Hindi man lang niya inisip ang nararamdaman ko. Kung paano at gaano niya akong nasasaktan. Alam kong galit na galit na ngayon si Nanay. Pero galit rin ako at alam ko ang karapatan ko bilang anak. May karapatan din akong magalit kahit anak niya lang ako. Lalo pa't alam kong mali na ang ginagawa niya. "Wala ka na ba talagang natitirang galang sa 'kin at sa Tito Julio mo, Aya! Hindi ka na ba talaga tinatablan ng hiya? Ano na lang ang sasabihin ng Tito Julio mo sa mga inasta mo ngayon? Sakit ka sa ulo! Bigla-bigla ka na lang umaalis ng bahay ng hindi nagpapaalam sa 'min! Sagutin mo nga ako! Nanay pa rin ba ang turing mo sa 'kin?" galit nitong tanong at alam kong ubos na ubos na ang pasensiya niya sa akin. Hindi ako sumagot sa kaniya dahil paulit-ulit lang naman ang sagot ko. Paulit-ulit ko nang sinabi kung ano ang gusto ko para sa buhay namin, pero para na akong naging sirang plaka. Nagsasalita ngunit walang nakikinig. "Kung tratuhin mo ako ay para akong stranghero sa 'yo!" galit na galit na sigaw ni nanay sa akin ngayon. Sa kauna-unahang pagkakataon ay ngayon ko lamang siya nakitaan ng labis na inis sa akin. Ngayon ko lang din siya nakitang ganito kagalit sa akin. Kahit palagi kaming nagtatalo ay hindi pa rin ito umabot sa punto na parang kulang na lang ay sasakalin niya ako sa leeg hanggang sa malagutan ng hininga. "Nakikinig ka ba?!" tanong nitong muli sa akin habang nagpupuyos ito sa galit. Hinayaan ko siyang magalit ngayon sa akin. Pinakinggan ko lang si Nanay pagkatapos niya akong hablutin sa pulsuhan upang humarap sa kaniya. Ngunit kaagad ko ulit siyang tinalikuran ng tumigil na siya sa kakasalita. Wala ako sa huwisyo para kausapin siya ngayon dahil wala naman mangyayari. Kahit magreklamo pa ako ng ilang beses. Alam kong hindi niya maibibigay sa akin ang gusto ko. Madalas at palagi na akong umaalis ng bahay ng hindi ako nagpapaalam sa kaniya. Lalo na kapag nandiyan si Tito Julio sa bahay. Kahit alam kung magagalit at hindi magugustuhan ni Nanay ang pag-alis ko palagi ay ginagawa ko pa rin. Para kahit papaano ay mabaling naman ang atensyon niya sa akin minsan. Dahil kung tutuusin siya naman talaga itong laging abala at para bang hangin lang ako sa kaniya kapag nandiyan na si Tito sa bahay. Gusto kong mawala si Tito Julio sa buhay namin at ginagawa ko ito para ma-realize naman ni Nanay na mas dapat niya akong pagtuonan ng pansin at mas dapat niyang piliin. Gusto kong masaktan si Nanay gaya ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Ang pagiging makasarili at pagiging matigas ang ulo lang ang alam kong paraan para mabigyan niya ako ng oras. Pero nagsasawa na rin ako. Lumabas ako ng bahay ng hindi nagpaalam at hindi ko akalain na susundan niya ako hanggang dito sa labas. "Ayah, ano ba? Sumagot ka! Saan ka na naman ba pupunta?!" inis na tanong ni Nanay sa akin at halatang hindi na makapagtimpi. Lumalaki na ang butas ng ilong niya at ganoon din ang kaniyang mga mata. Tumatalsik na rin ang kaniyang laway dahil sa kakadada sa akin pero para pa rin akong walang pakialam sa kaniya. Pagod na akong magreklamo at paulit-ulit na lang ang mga pinagtatalunan naming dalawa. "Ano ba? Sasagot ka ba sa akin o habang buhay mo na akong babastusin!" "Nay, umuwi na lang po kayo sa bahay at baka hinahanap na kayo ni Tito Julio ngayon." "Hindi ako uuwi hangga't hindi ka kasama," pinal na sabi ni nanay pero hindi pa rin ako nakinig. Kung gaano ka diin ang pagsasalita niya ay ganoon din ka higpit ang hawak niya sa aking kamay. Pilit niya akong hinihila kahit na nagmamatigas ako. "Nay, pwede bang tumigil na po kayo. Kaya nga po ako umalis ngayon sa bahay dahil hindi na ako makahinga ro'n. Gusto ko lang naman umalis saglit sa lugar na 'to kung saan wala po kayo. Maawa naman po kayo kahit konti sa 'kin, Nay. Para kahit papaano naman po ay mabigyan ko ng katahimikan 'tong utak ko," inis kong sagot at hindi ko maitago ang galit na nararamdaman ko ngayon sa kaniya. Seryoso ang naging sagot ko kay nanay at hindi ko sinasadya na pagtaasan siya ng boses. Nadala lang ako ng matinding emosyon at sa kauna-unahang pagkakataon ay ngayon ko lang siya nasagot ng ganito na para bang hindi ko siya nanay. Nakaramdam ako ng konsensiya dahil hindi naman talaga ako ganito. Pero wala ng saysay pa kahit bawiin ko ang mga sinabi ko. Inisip ko na lang na tama naman ilabas ko kung ano ang mga hinaing ko. Wala na rin akong pakialam kung ano ang tingin niya ngayon sa akin. Kahit isipin niyang adik ako, ayos lang. Ang importante ay nabitawan ko na ang magatal ko nang kinikimkim. Kahit isipin man ni Nanay na bastos ako, walang hiya, at walang galang ay hahayaan ko na lang. "Bastos ka ha! Kailangan ka pa natutong sagutin ako ng ganiyan?!" galit na tanong sa akin ni Nanay at dinuro pa ako sa mukha matapos niya akong masampal. Kulang na lang ay sampalin niya ako ng kambal na sampal. Sobrang sakit at halos matabingi ako sa lakas nang pagkakasampal niya sa akinh pisngi. Ilang saglit lang ay bigla rin itong natauhan. Halata sa ekspresyon ng mukha niya ang gulat at hindi makapaniwala. Nawalan na rin kasi ako ng pasensiya dahil sagad na sagad na ang pasensiya na binibigay ko sa kaniya. Paulit-ulit na lang at maraming beses na. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na kaming napunta sa sitwasyon na kagaya nito. Ang kaibahan lang noon ay hindi ko siya sinasagot gaya nang ginagawa ko ngayon. Sa dami ng mga pasensiya na pinalagpas ko sa relasyon nilang dalawa ni Tito Julio, hindi ko na mabilang pa. Lagi na lang siyang nangangako pero lagi rin namang napapako. Wala na siyang isang salita. Gusto ko na nga siyang sumbatan na sinungaling dahil sa mga pangako niya sa akin na hindi naman tinutupad. "Nay, sino po ba sa ating dalawa ang bastos?" naiinis kong tanong dahil hindi na talaga ako makapagtimpi pa. Dinala na naman niya ang kabit niya ngayon sa bahay namin. Sino'ng anak ang matutuwa kung ang Nanay niya ay isang homewrecker? Tanga lang ang anak na gugustuhin ang bagay na iyon. Paano niya nakakayanan na tumawa, ngumiti at maging masaya habang naninira siya ng pamilya. Wala siyang alam kung ano ang nararanasan ngayon ng asawa ni Tito Julio. Wala siyang alam kung gaano itong nasasaktan ngayon dahil kaligayahan lang nila ang iniisip nila. Hindi nga kami naghirap dahil sa mayaman niyang kabit pero naging pulutan naman kami ng tsimis ng mga kapitbahay. Nakakasawa na at nahihiya na ako ng sobra sa tuwing naglalakad ako sa daan na para bang ang liit ng pagkatao ko. Tinutukso na ako ng mga tao at kahit tahimik lang ang iba. Ang mga mata nila ay hindi nagsisinungaling. Alam kong gaya rin ni Nanay ang tingin nila sa akin. Para akong isang babaeng mababa ang lipad. Minsan pa ay hindi na ako nirerespeto ng mga lalaki sa lugar namin dahil sa kagagawan ni Nanay. "Alam mo namang ang Tito Julio mo lang ang pag-asa natin para mabili natin ang mga pangangailan natin sa bahay. Isa pa ay mahal ko na siya." "Nay, naman! May mga kamay naman tayo. Bakit kailangan pa natin umasa sa kaniya?" "Aya! Hindi ka ba nahihiya?" tanong nito sa akin habang nanlalaki ang kaniyang mga mata. Para na itong luluwa sa kinalalagyan. Pinagbabantaan niya ako nang tingin ngunit hindi ako nagpadala sa masama niyang mga titig. "Nay, walang nakakahiya sa inasta ko," seryoso kong tugon at hindi nag-aalangan na sagutin siya sa sagot na alam kong tama. Tiningnan ni nanay ang bahay mula sa kinatatayuan naming dalawa at sinigurado muna niya na wala si Tito Julio bago siya magpapatuloy sa pagsasalita. "Hinaan mo ang boses mo. Baka marinig ka ng Tito Julio mo, nakakahiya!" may diin nitong sabi at halos sampalin na ako sa pisngi. "Baka nakakalimutan mo na hindi ka makakapagtapos ng pag-aaral kung hindi dahil sa kaniya?" "Hindi iyon libre, Nay. Katawan mo ang naging kapalit ng pagpapaaral niya sa akin! Kung hindi niya ako ginastusan sa pag-aaral ko. Sinasabi mo na rin na libre lang ang katawan mo," malakas kong sagot at nawalan na ako ng pakialam kahit na may makarinig sa akin. "Bastos! Ang sarap talagang tahiin 'yang bibig mo!" reklamo ni Nanay sa mga pinagsasabi ko at napasabunot na lang sa kaniyang buhok dahil sa panggigigil niya sa akin. Alam ko naman na hindi niya ako sasaktan. Kahit kailan ay hindi niya ako sinaktan ng pisikal. Pero sobra-sobrang sakit ang pinaranas niya sa akin, emosyonal pain. "Bakit, Nay? Ngayon lang ako nagreklamo tatahiin mo na kaagad? Ano pa ba ang dahilan kung bakit hanggang ngayon hindi mo pa rin siya iniiwan? May trabaho na po ako, Nay at kaya ko na po kayong buhayin!" Napahilamos si Nanay sa kaniyang mukha at halatang sobrang nakokonsemisyon na. "Aya, makinig ka sa akin. Alam king hindi mo ako maiintindihan pero mahal ko na ang Tito Julio mo! Mahal ko siya kaya hindi ko alam kung paano ko siya iiwanan gaya ng gusto mo!" "May asawa siyang tao... gusto mo ba talaga maging kabit na lang habang buhay, Nay?Ang dami namang mga lalaki riyan na byudo at walang sabit. Bakit si Tito Julio pa?" naguguluhan kong tanong sa aking ina. "Hindi mo ako naiintindihan, Aya." "Tama ka, Nay. Hindi po talaga kita maintindihan. Kahit ano'ng paliwanag mo ay hinding-hindi kita maiintindihan." Kahit matagal na akong nagdaramdam sa nanay ay mahal ko pa rin siya. Kahit baliktarin man ang mundo ay nanay ko pa rin siya. Walang magbabago at wala rin akong magagawa dahil hindi naman pwedeng mamili kung sino ang gusto kong maging nanay. Pero bakit ang hirap-hirap tanggapin? Kahit alam kong masaya siya sa piling ni Tito Julio. Nakikita ko rin kung gaano niya kamahal si Nanay pero hindi pa rin ako masaya. "Aya, please umuwi na tayo. Huwag na tayong magtalo tungkol dito. Maiintindihan mo rin ako pagdating ng panahon." "Nakakadiri pong maging kabit, Nay. Kaya hindi ko alam kung maiintindihan ko ba talaga kayo sa tamang panahon," naluluha kong tugon at wala ng nagawa si Nanay ng tuluyan ko na siyang talikuran.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG II

read
633.4K
bc

THE MAYOR'S VIRGIN MISTRESS

read
40.4K
bc

Lust In Love (Tagalog) SPG

read
852.4K
bc

Debt Exchange (Tagalog)

read
969.0K
bc

STEP-BROTHER (SPG)

read
2.4M
bc

One Night, One Pleasure | R18

read
136.4K
bc

Unwanted

read
522.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook