Malakas na ulan ang bumungad sakin kasabay ng malakas na kulog at kidlat. Tatakas ako dito sa impyernong ito. Hindi ko alam na hahantong ako sa desisyong ito.
Kahit pala mahal mo ang isang tao kapag ikaw ay sumuko na wala ng makakapigil. Palinga linga ako sa paligid bago ako sumakay sa taxi sinisiguro kong wala pa ang aking DEMONYONG ASAWA.
Nakakapagod din palang maghintay na mahalin ka ng taong mahal mo sa 3 taon na nagsama kami kahit minsan hindi niya ako minahal. Puro pasakit at hinanakit lang ang binibigay niya sakin. Hindi ko alam at bakit sakin niya lahat sinisisi kung bakit kami pinilit na ipakasal. Tinanggap ko lahat PHYSICAL AND EMOTIONAL na pagpapahirap sa araw araw pero ngayon natauhan na ako.
Hindi niya ako pwedeng maabutan kailangan kong makatakas at makalayo sa isang demonyo. Hindi ako pwedeng maging SELFISH sa ngayon dahil may buhay akong dapat iligtas sa sarili niyang AMA.
BECAUSE IM CARRYING THE CHILD OF THE RUTHLESS BILLIONAIRE
ALLYNA **POINT OF VIEW**
"Mom , Dad .. Ayaw ko pong magpakasal "
"Allyna nagusap na tayo about sa kasal na ito diba " mahinahon na sabi ni dad. Pero nagpipigil lang siya dahil bakas sa mukha niya ang pagkadisgusto sa sinabi ko.
"Pero dad i dont want to get married .. Look mom , dad im just 18 then you want me to get married to the person that i didnt know in the first place " sabi ko na may halong pagmamakaawa sakanila.
"Allyna sundin mo nalang ang papa mo " Mom said
" Sundin .. How about me mom i dont want to get married tapos kayo ang magdedesisyon kong sino at kung kailan ako dapat magpakasal " Pasigaw na sabi ko. Nagulat si mom sa pagsigaw ko kaya hindi ko na namalayan na sinampal na pala ako ni dad.
"NOW EVEN RESPECT HINDI MO MAIBIGAY SA AMIN !! .. ANONG KLASE KANG ANAK BINIGAY NAMIN LAHAT SAYO NGAYONG PABAGSAK NA ANG KUMPANYA HINDI MO MAGAWANG TULUNGAN KAMI !! " Nagulat ako sa sinabi ni papa
Akala ko ba walang problema ang kumpanya pero bakit ngayon parang ako pa ang gagawin nilang puhunan para lumago ang kumpanya nila. Nakabawi ako sa pagsampal na ginawa ni papa habang hawak ko ang pisngi ko.
"So ngayon gagawin niyo akong puhunan para lumago ulit ang negosyo niyo !! THIS LIFE IS SO UNFAIR!! DAD HINDI KO HININGI LAHAT NG BINIBIGAY NIYO SAKIN !! KUSA NIYONG BINIBIGAY TAPOS NGAYON ISUSUMBAT NIYO LAHAT SAKIN" Tumutulo ang luhang sabi ko sa mga magulang ko.
"No darling , thats not true .. Alam mong mahal na mahal ka namin ng papa mo kaya namin ginagawa to " sabi ni mama na tangkang hahawakan ako pero umiwas ako.
"Kung mahal niyo ako CANCEL THAT F****NG MARRIAGE " Sabay talikod ko at balak ko na sanang umakyat pero nagsalita ulit si papa.
"EVEN YOU DONT LIKE THE IDEA OF GETTING MARRIED .. I FORCED YOU TO MARRY CHASE " Nagulat ako sa sinabi ni papa kaya napatigil ako sa pag akyat at lumingon sa mga magulang ko.
"W-..what si K-..kuya C-..chase ang sinasabi niyong papakasalan ko ??.." Nanghihina ako sa nalaman ko at the same time parang kinakabahan na masaya ewan mixed emotion.
"Yes and he knows about this marriage thingy so thats why you need to be prepared because as soon as possible your getting married with chase" Si papa na ang unang umalis at pumunta sa library sa bahay na ito. Pagkaalis ni papa lumapit si mama sakin at hindi kuna napigilan pang mapaupo at humagolgol ng iyak.
"Maaaa... A-..ayaw ko pa pong ikasal at bakit si kuya chase pa .. BAKIT !!!.."
"Anak palubog na ang negosyo natin kaya napagkasunduan ng mga magulang ni chase na ipakasal ka para maisalba ang kumpanya .. Yun nalang din ang alam naming solusyon para makaahon ulit ang kumpanya " sabi ni mama at pinagdaop ang aming mga palad
"Pero ma BAKIT ako?? .." Tanong ko sakanya
"Ikaw lang ang nagiisa naming anak .. Kaya nakikiusap kami sayo pumayag kanang magpakasal kay chase " oo nga pala nagiisa nga lang pala akong anak. Bakit ngayon pa ako naging bobo sa lagay nato. Tumayo na ako at aakyat na ako sa taas para makapagisip isip.
"Pagiisipan ko " tsaka ako tumalikod at humakbang na paakyat pero bago pa ako makahakbang pa ulit lumingon ako kay mama "Pero hindi ibig sabihin na pumapayag na ako pagiisipan ko pa ng mabuti. Ayaw kong makasira ng relasyon ng dahil lang sa pansarili niyong kagustuhan" Tuluyan na akong umakyat at tumungo sa aking kwarto at nilock ko na ang pinto para hindi sila makapasok .
********
KINAUMAGAHAN dirediretsong katok mula sa labas ng aking kwarto ang gumising sa akin. Ayaw ko mang bumangon ngunit ayaw tumigil ng tao sa labas ng aking silid. Kaya walang ano ano ay pinagbuksan ko ito. Ngunit isa sa mga kasambahay namin ang nabungaran ko.
"Maam Allyna , pinabibigay po ng papa niyo" sabay abot niya sa akin ng isang paper bag. kaya inabot ko ito at tinignan ang nasa loob. Pagbukas ko isang dress ang laman nito at heels.
"Para saan daw ito??" nagtatakang tanong ko.
"Pinapasabi din po ng papa niyo na magayos na daw po kayo dahil darating na po ang mga bisita. Dapat nasa baba na daw po kayo bago dumating ang mga bisita " hindi man lang niya sinagot ang tanong ko.
"Sige salamat aling ising " sabay sarado ko ng pinto. Hindi ako baba kung gusto nila sila mag pakasal.
"Aaahhhhh .. " sigaw ko sa loob ng kwarto ko.
Binato ko ang paper bag na naglalaman ng mga pinapasuot nila sakin. Ano nalang sasabibin ni kuya chase sakin na desperada ako. YES he knows that i love him but im not a desperate. Alam kong may girlfriend siya at mahal na mahal niya ito. At hindi ko rin lubos na maintindihan kung bakit naisipan ng mga magulang niya ipakasal kaming dalawa.
Alam kong magkaibigan ang mga pamilya namin pero bakit kailangang maging kapalit ng pagtulong nila sa amin ay ang ipakasal ako sa anak niya.
10 years old palang ako noon at 15 years old siya nong naging crush ko siya lagi silang pumupunta sa bahay . Pero mailap siya sakin kapag kinakausap ko siya tingin at tango lang ang ginaganti niya sakin. Matanda siya sakin ng limang taon. Hanggang sa nagdalaga ako at ganun parin siya kahit sa ibat ibang gathering na pinupuntahan ng aming mga magulang kahit kasama kami hindi kami nagiimikan.
Ewan ko ba at para akong may sakit sa inaasta niya sakin. Kaya kapag pumupunta kami sakanila tanging ang mommy niya ang laging kinakausap ko at ang nakababata niyang kapatid na babae.
Nahuhuli ko naman siyang tumitingin sakin pero kapag tumingin ako sakanya bigla nalang siyang iiwas o di kaya ay aalis. Pero kahit ganun mas lalo ko siyang nagustuhan in a different way siguro kaya ganun.
At habang busy ako sa pagmumuni muni ko ay hindi ko namalayan na kaharap kuna pala si mama kaya nagulat ako ng bigla itong nagsalita.
"Anak you need to get dress kasi parating na ang mga bisita natin" pakiusap niya sakin
"Ma wala na po bang ibang paraan ?? " tanong ko ulit
"Anak" sabay upo niya sa tabi ko at hinawakan ang aking kamay kaya napatingin ako ng diretcho sa mga mata niya. At nakita kong umiiyak na siya. " A-..anak mahal kita kaya kahit labag sa loob ko na ipilit ka namin na ipakasal kay chase pero hindi natin kayang pigilan ang papa mo "
"Ma may kasintahan si kuya chase ayaw kong maging dahilan upang maghiwalay sila"
"Pero anak matagal nang usapan ang kasal na ito ngayon lang namin sinabi sayo dahil alam naming hindi ka papayag "
"Pero ma-.." Natigil ang sasabihin ko ng magsalita si papa na bagong dating.
"Wala ng pero pero naayos na ang lahat ng dapat ayusin araw nalang ang hinihintay para maikasal ka kay chase " napatulala ako at bukang bibig na napalingon kay papa " Magayos kana at nasa baba na ang pamilya sandoval wag mo akong ipahiya ALLYNA !! " sabay alis ni papa kasama si mama na malungkot akong sinulyapan bago bitawan ang mga kamay ko.