ALLYNA'S ***POINT OF VIEW***
Hindi kuna ikekwento kong anong nangyari sa kasal namin dahil wala namang maganda. Nong sinabi na kiss the bride hinalikan lang naman niya ako sa pisngi.
OH DIBA SINONG HINDI MATUTUWA DOON. Kasalukuyan kaming kumakain ngayon dahil merong binanda sila mommy carmela para sa maliit na celebration ng kasal KUNO namin.
Sa ngayon hindi ko alam kung anong mangyayari ngayong kasal na ako kay CHASE MATTHEW SANDOVAL. Sa pagmumuni muni ko hindi ko naiintindihan ang mga pinaguusapan nila. Kung hindi pa ako tinapik ni mama hindi ko pa mapapansin na nakatingin na sila saking lahat.
"A-..ahmmmn. sorry po. Ano pong sinasabi niyo??" Nakangiwi kong sabi. Bukod sa lumilipad ang isip ko naiilang din ako at the same time dahil narin sa katabi ko.
"Pinaguusapan namin na sa isang subdivision kayo titira. Pagmamayari iyon nila lance" sabi ni mommy carmela
"Pwede po bang umuwi muna ako para maasikaso ko po ang mga gamit ko " nahihiya kong sabi.
"No need na anak yong mga gamit mo nandoon na sa tutuluyan niyong bahay "
"ahhh bakit?? paano??" nagtataka akong napatingin kay mama.
"Pinaasikaso kuna lahat kay ising ang mga gamit mo anak"
"ahhh ok po "
"Mom we have to go. Uuwi na kami para makita namin yong bahay NAMIN " Wow inemphasize pa talaga niya yong NAMIN edi wow !!
"Pwede bang mamaya nalang mahaba pa naman ang oras eh " pagpipigil ko
"Gusto ko nang magpahinga. Kaya pwede po bang mauna na po kami" bastos talaga to kahit kelan.
"Ok lang anak. Bakit ba ayaw mo nalang sabihin na gusto munang solohin ang asawa mo " pangaalaska ni mommy carmela sa anak niya.
"As if namang gusto ko " pabulong pero rinig na rinig ko naman. Bakit tingin niya sakin easy to get.
"O siya lumakad na kayo. Bigyan nyo agad kami ng apo ah gustong gusto ko nang magka apo eh " kinikilig na sabi ng mommy niya.
"Ako din balae gusto ko narin ng apo kaya bilisan niyo ahh dapat bigyan niyo na kami ng apo " naku naman po nakisali pa si mama.
Walang ano ano ay hinila nanaman niya ako. Kung anong ginawa niya sakin sa bahay ganito nanaman ang ginagawa niya ngayon walang hiya talaga tong lalaking ito. Kala niya sakin isang gamit na pwede nalang niyang hilain kung saan saan.
"Teka magpapaalam lang ako " pigil ko sakanya habang tinitignan sila mama na nakatingin sa amin. Mga nakangiti pa sila at kumakaway kaway.
"Para ano. Makikipaglandian ka lang kay lance at sa bestfriend ko pa talaga"
"What the hell are you talking about" Sabay hablot ko sa kamay kong hila hila niya.
"Yon naman ang ginagawa mo diba!! Your a WH*RE" Sinampal ko siya.
"Sino ka para husgahan ako huh!! How dare you " duro ko. Pero tinabig lang niya ang kamay ko.
"Sino ako ASAWA mo ngayon pero dahil sa pagsira sa relasyon namin ng GIRLFRIEND ko sisirain ko rin ang buhay mo!! "
"Bakit ako ang sinisisi mo ah !! ako ba ang may kagustuhan nito. Diba ang mga magulang natin ang may kagustuhan nito!! "
"Ikaw!! Ikaw ang magbabayad!! sabay hila niya ulit sakin at pasalpak na tinulak sa loob ng sasakyan. Tumama pa ang ulo ko sa harap ng sasakyan.
"OUCH!! " Sabay hawak ko sa noong nasaktan.Nabigla ako sa pagtulak niya sakin kaya hindi ko napansin na tumama pala ang ulo ko sa harap ng manibela.
"SERVE YOUR RIGHT!! " Sigaw pa nito sakin.
" Ikaw ang tumulak sakin tapos sasabihin mo yan .YOU JERK !! " Pagkasabi ko nun bigla niyang hinawakan ang panga ko.
"What did you say im a jerk. You are NOTHING BUT A w***e A SLUT. KAHIT KAILAN HINDI KO PAGNANASAAN ANG KATAWAN NG ISANG GAYA MO!! AT ITATAK MO SA KOKOTE MO NA KAHIT KAILAN HINDI KITA MAMAHALIN!! " Sabay bitaw niya sa mukha ko. Napahawak nalang ako sa mukha kong nanakit ngayon.
Hindi na ako umimik at tumingin na lang sa labas ng bintana. Unti unting pumatak ang mga luha ko. Ang sakit sakit pala hindi ko deserve to pero pinaparusahan ako sa kasalanang wala akong alam.
Buong biyahe sa labas lang ako nakatingin walang gustong magsalita. Ayaw ko naring magsalita pa at baka may marinig nanaman akong masasakit na salita galing sakanya.
Nakarating kami sa bahay na sinasabi samin na bahay daw namin. Ngayon palang nararamdaman kong hindi ako welcome sa bahay na ito. Alam ko namang bahay niya ito at hindi binili nila mommy carmela. At alam kong hindi ako ang gusyo niyang makasama sa bahay na naipundar niya.
Pagbaba ko ng sasakyan ay paglabas din ni chase sa sasakyan niya pero pabalibag niya itong sinara. Hindi ko nalang pinansin at dumiretso na sa paglalakad.
"Hoy bahay mo yan at dirediretso ka kung pumasok!!" peste talaga tong hinayupak na to ehh. Bubuksan kuna sana kaso umatras nalang ako. Kala mo naman ang ganda ganda ng bahay. Ang pangit kaya kasing pangit ng ugali niya.
Pagpasom niya namangha ako sa loob napanganga pa nga ako eh. Sobrang ayos ng loob hindi mo mapagkakamalang lalaki ang may ari ng bahay. Oppps. teka binabawi kuna urlit pangit pala ang loob ng bahay kasing langit ulit ng ugali niya. Pero -... naku hindi na nga ako magiisip hindi tama ang naiisip ko dapat pangit. Sa pagtatalo ng isip ko naglalakad akong tuliro kaya bigla nalang ako napatigil KASI .. KASI ANG SAMA NG TINGIN NG DEMONYO SA HARAP KO EHH PAANO BA NAMAN SA SOBRANG PAGOOVERTHINK TO NABUNGO KUNA PALA SIYA !!
Nagulat nalang ako nga sumigaw siya!!
"WHAT ARE YOU THINKING!! tumingin ka nga sa dinadaan mo hindi yong parang kang naglalakad sa ulap. hoyyy for your information hindi ka makakarating doon kasi sa impyerno ka bagay!! "
"FOR YOUR INFORMATION DIN MAS BAGAY KA DOON KESA SAKIN " balik kong sabi sakanya.
"what did you say ?? PARDON ME CAN YOU REPEAT ?? " Naku paktay wrong move ata. Sa sobrang kaba ko napaatras ako ng napa atras pano umaabante siya ng umaabante kaya umatras ako. Huh ano daw?? ahahaha nababaliw naba ako.
"Ahhh-..mmmmn. dont mind it hindi naman yun importante "
"Alam mo bang ang ayaw ko sa lahat yong SINISIGAWAN AKO!!" nakakagulat parang tumakas ang kaluluwa ko sa sigaw niya.
"A-...aaa e-ehhh na-..nabigla lang ako" bigla niya akong sinampal.
"Yan nabigla rin ako" sabay alis niya
Nakatulala ako ngayon. Anong nangyari nakita kuna lang ang sarili kong sinusundan siya ng tingin paakyat sa hagdan. Blurred narin ang paningin ko naiiyak nanaman ako. Bakit ba ang hina hina ko kasalanan ko kung bakit ako nasasaktan. Peste naman kasing bibig to ehh. Kung bakit ang galing sumagot yan nasampal ka tuloy.
Napagisipan ko narin umakyat habang naglalakad ako pataas kinakabahan nanaman ako. Baka bigla nalang niya akong itulak dito tapos mamamatay ako. Hindi pa ako nagkaka anak pero mamamatay na ako sayang lahi namin. At ng dahil nanaman sa guni guning pumapasok sa isip ko muntik na akong matapilok. Kaya napaangat ako sa taong humawak sakin para hindi ako tuluyang malaglag.
"Hindi ka ba marunong magingat!! Hindi ka pwedeng mamatay diyan at hindi mo pa nakikita ang impyerno." sabi niya kaya napatingin ako sakanya. " Yan yong mga gamit mo ilagay mo yan sa quarters area hindi ka pwede sa guest room. Hindi ka naman bisita dito para maging special mas bagay ka doon. Tsaka hindi ko kayang katabi ka dahil kahit sa panaginip hindi ko nanaisin."
Kinuha ko yong mga gamit ko para dalhin sa baba. Bigla nanaman niyang hinaklit ang braso ko. Masakit dahil sa pagkakadiin ng mga daliri niya sa braso ko. Sa laki ba naman niya at sa liit kong ito wala matitiris ako ng dis oras.
"A-...aray ko C-..chase masakit bitawan mo ako"
"Ang ayaw ko sa lahat yong nagsasalita ako tapos tatalikuran mo ako"
"Anong gusto mong gawin ko matuwa ako sa sinasabi mo " sabay bawi ko ng braso ko. Kaso mas lalo lang niyang hinigpitan kaya mas napangiwi ako.
"At sasagot ka nanaman " akmang sasampalin nanaman niya ako ng nagsalita ako.
"Gawin mo hindi ako natatakot. Kahit saktan mo ako ng ilang beses kahit pagsalitaan mo ako nag kung ano ano kung diyan ka masaya sige YAAN OH ITATAYA KO ANG SARILI KO. KUNG SA TINGIN MO AKO ANG MAY KASALANAN KONG NAGHIWALAY KAYO NI AVONY SIGE SAKTAN MO AKO. KUNG SA TINGIN MO NA AKO ANG MAY KASALANAN NA KINASAL KA SAKIN AT HINDI KAY AVONY SAKTAN MO AKO!! PARA ISANG SAKIT NALANG !!"
Binitawan niya ako at pumasok na siya sa loob ng kwarto at pabagsak niyang sinarado ang pinto.
Dali dali kong kinuha ang maleta at pinunta sa baba. Pagpasok ko sa loob napagpasyahan kong mahiga muna ang sakit ng mga braso ko. Bukas nito panigurado may pasa na ang mga braso ko. Sa laki ba naman niyang tao at sa liit kong ito tiyak isang kamao lang tiris na ako. Ang lalaki ba naman ng mga kamay niya.
Yong pisngi ko namamanhid parin ngayon. Ihahanda ko nanaman ang sarili ko. kailangan ko munang magpahinga tutal alas 3 palang ng hapon gigising nalang ako mamaya para maghanda ng hapunan. Kaya Sa sobrang pagod at sakit ng katawan hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.