Isang linggo lumipas ngunit hindi ko pa rin nakita si Carol.
Halos libutin ko ang buong Maynila. Hindi ko pa rin nakita ang anino nito.
Saan kaya ito nagpunta. Tumawag na rin ako sa kanyang ama. Ngunit wala rin ito doon. Walang ibang pamilya si Carol maliban sa tatay nito.
"Saan ka ba, nagtatago Carol, halos ma baliw ako sa kakanap sa' yo," bulong ko sa aking utak.
Tumayo ako at kinuha ko ang susi ng sasakyan ko. Nagpapasundo si mom sa akin. Galing Singapore kasama ang kapatid kong babae.
Mabilis pa sa orasan ang kilos ko ayaw ko rin mag tagal sa lugar na yun.
Mabuti na lang walang traffic kaya mabilis ako nakarating sa airport.
Nag park muna ako ng sasakyan ko.
Pagkagapos pumasok ako sa loob para hintayin ang mom at kapatid ko.
Malayo pa lang sila kumaway na ito sa akin.
"Hi, Kuya!" sabay yakap ng kapatid ko sa akin.
Gumanti naman ako ng yakap dito.
Ganun rin si Mom sa akin. Masaya ako dahil sa wakas buo na kami. Kahit wala na si Daddy masaya pa rin kami.
"Mom, how to your flight?" tanong ko dito.
"I'm good," ngiting sagot nito sa akin.
"Tara uuwi na po,tayo para makapagpahinga kayo," aya ko sa mga ito.
Kinuha ko ang dala nilang maleta.
"Kuya, hanggang ngayon,wala ka pa rin asawa," wika ni Alice sa akin.
"Not now," tipid kong sagot dito.
Hindi ko sinabi tungkol sa amin ni Carol."
"Son, bakit hindi ka pa,mag-asawa malapit ka na 30, sige ka maubusan ka na ng babae," biro ni mom sa akin.
Tumawa ako ng mahina.
"Mom, sa gwapo kong ito tsaka hindi ko pa nahanap ang babaeng para sa akin,malay natin," soon!" sagot ko dito.
"Hay, kung mag-hanap ka yung babae babagay sa' yo, at isa pa yung may ipagmalaki sa'yo," mahabang salaysay ni mom sa akin.
"I know Mom," tipid na sagot ko.
Palabas na kami galing sa loob. Ngunit bigla kong nakita ang mukha ni Carol. Nakasakay sya sa mamahalin sasakyan. Akmang lalabas ako may bumisina naman mula sa likod namin.
"Damn! Mura ko dahil wala na roon sasakyan.
"Anak! ano nangyari,"tanong ni Mom sa akin.
"Nothing, Mom!" sabay paandar ng sasakyan.
Hindi ako pwede magkamali si Carol iyon.
Pero sino kasama nya," mga tanong sa isip ko.
Hindi nagtagal nakarating kami sa bahay. Agad ko kinuha cellphone ko sabay tawag sa tauhan ko.
Hindi ako mapakali sa tinatayuan ko.
"Damn! Mura ko dahil hindi sila sumagot sa mga tawag ko.
Saan lupalop kaya sila naroon.
Makakatikim sila sa akin oras na magpakita sila sa harap ko.
"Anak, okay, ka lang ba?" tanong ni mom sa akin. Siguro nahalata nya ang aking kinikilos.
"Yes, Mom," I'm okay," sagot ko dito.
Ngunit nasa galit pa rin ang tono ko. Mabuti na lang hindi nahalata ng Mommy ko na galit ako.
"Son?" Magpahinga mu na ako paggising ko ipagluluto kita ng paborito mong pagkain," wika nito sa akin.
Akala ko noong una namatay ang Mommy ko. Ngunit nakatakas pala ito sino naman kayang bangkay inilagay nila kasama ang daddy ko.
Nalaman ko na lang na may tumawag sa akin at buhay raw ang Mommy ko.
Hindi ko kapatid sa Ina at Ama si Alice. Nag-asawa ang mommy ko habang nasa ibang bansa ito at ngayon lang ito umuwi ng Pilipinas.
Ngunit isang malaking pagtataka dahil kitang-kita ng dalawang mata ko ang pagkamatay nila.
Isinawalang balaha ko na lang ang mahalaga kasama ko sila ngayon.
"Kuya? Paki kwento naman ng love life mo?" wika ni Alice sa akin.
"Bakit ako dapat ikaw, wala ka pa bang dinedate?" pag-iiba ko.
Kumandong ito sa paanan ko.
"Alice, umalis ka sa kandungan ko ang bigat mo kaya?" reklamo ko dito.
"Kuya, naman naglalambing lang naman ako.
At isa pa ngayon lang tayo nagkita," sagot nito sa akin.
Gumiling-giling ito sa taas iba na ang pakiramdam ko dito.
Kaya binuhat ko ito sa taas ng kandungan ko."
"Sorry Kuya," paumanhin nito sa akin.
"Alice, ayaw ko maulit iyon baka sabihin ng mga tauhan ko may relasyon tayo!" seryosong sabi ko dito.
Ngunit naka simangot lang ito sa harap ko parang hindi nya nagustuhan ang sinabi ko.
Tumayo ito at umalis sa harap ko.
Ganito ba talaga ang babaeng ito.
Pumasok ako sa kwarto ko upang mahiga saglit dahil pakiramdam ko napagod ako ng husto.
Mamaya ko na lang kakausapin ang kapatid ko.
Kalaunan nakatulog ako at hindi ko na alam kung ano pa ang susunod na mangyari sa akin.
Nagising na lang ako sa katok mula sa labas ng kwarto ko.
Tok! Tok! Tok! Paulit-ulit na narinig ko mula sa labas.
"Damn! Sandali papatayin kita oras na hindi maganda ang sasabihin mo sa akin?" banta ko dito tsaka ako bumangon sabay bukas ng pinto.
Mukha ni Mommy ang nabungaran ko.
"Son? Kanina pa kita ginising naka handa na ang pagkain sa mesa ikaw na lang ang hinihintay namin?" pahayag nito sa akin.
"Sorry, naka tulog ako ng mahimbing sige susunod ako," sagot ko dito.
Tumalikod na ito sa akin kinuha ko ang cellphone ko sabay labas ng kwarto ko.
Nagtungo ako sa kusina nakita ko ako na lang ang hinihintay nila.
"Bakit? Hindi pa kayo nag-umpisa kumain," wika ko sa kanila.
"Anak, hindi maganda kumain kung hindi tayo sabay-sabay," sagot naman nito sa akin.
Kumuha ako ng kutsara sabay kuha ng kanin.
Iba ang pakiramdam ko na may naka tingin sa akin. Sumulyap ako sa kaharap ko nakita ko nga naka titig si Alice sa akin.
"Son? Ano ang lasa ng pagkain?" tanong ni Mommy sa akin.
"Masarap ngayon lang ako naka tikim ng ganitong ka sarap na pagkain," pahayag ko dito.
"Yan ang resipi na minana ko sa iyong Lola Son?" wika nito sa akin.
"Huh? Sinong Lola ang sinasabi nito.
Ang alam ko namatay si Lola noong maliit pa sila.
Kailangan ko investigahan ang Mommy ko. May hindi ito sinasabi sa akin.
"I'm done?" tipid na untag ko dito.
"Son ang bilis mo naman kumain," wika ni Mommy sa akin.
"May kailangan pa akong gawin," sagot ko dito.
Tinawagan ko ang tauhan ko.
"Hello? Lord!" seryosong sagot nito sa kabilang linya.