Carol POV "Anong dapat kong malaman?" seryosong boses ni Kian mula sa likod ko. Agad naman tumahimik si Lola at dahan-dahan ako humarap kay Kian. "Wala, Kian?" sagot ko. "Tell me, may hindi ba, ako alam tungkol sa usapan nyo?" anas nito na may mataas na tono. "Ganito kasi ito nagtanong lang si Carol kung nasaan ka. Sinabi ko naman ang aking nalalaman," palusot ng matanda. Mabuti na lang naka isip si Lola ng palusot kay Kian. Kung hindi yari ako sa lalaking. "Ganun, ba? Lola sige po iwan ko na kayo?" wika nito sa akin. Nakahinga ako ng maluwag ng umalis si Kian sa harap namin. Pinagpawisan tuloy ako ng malamig. Paano ba, kasi nadulas ang bibig ni Lola. Nang mapagtanto ko nakalayo na si Kian. Tumingin ako kay Lola. "Lola, please po, wag mo po, sasabihin kay Kian ang nalalaman mo?