C-1: Back to work
"Leafyyy!" tili ng isang dalaga nang makita nito ang kaibigang tinawag.
Galing probinsya ang babae at noon lang ito nakauwi sa Maynila dahil kailangan na nitong magtrabaho. Masaya namang kumaway ang babae at agad silang nagkayakapan nang magpang- abot ang mga ito.
"Kumusta ka na? Grabe, walang pinagbago ha, ang ganda mo pa rin!" wika ng babae habang hinahagod nito ng tingin ang tinawag na Leafy. Humagikhik naman si Leafy sabay tinampal ang kaibigan.
"Uy, hindi naman! Ikaw din kaya, Basya maganda ka pa rin as usual!" sagot ng dalaga.
Umirao si Basya saka sumimangot.
"I don't like the Basya, call me by my name halerrr nasa City na tayo!" himutok nito na nanlalaki pa ang kanyang mga mata.
"Oh, bakit tinatawag mo pa rin akong Leafy aber?" natatawang sabi ni Leafy.
Tumawa si Basya sabag akbay sa kaibigan.
"Sosyal na kasi ang nickname mo Miss Leaf Yllana Dominguez, sa akin kasi ang bantot! Ang layo ng Basya sa real name ko na Bambini hmmmp!" Ani nito.
Natawa naman si Leafy, naisip nitong may point din naman si Basya. Nasa City na nga sila at hindi na magandang tawagan ang kinalakhan nilang pangalan sa probinsya.
"Maiba ako, kumusta naman sa probinsya?" Tanong ni Bambini.
"Okay naman kagaya pa rin ng dati, konti lang ang nabago. Siyanga pala, okay ba talaga 'yong kumpanya na pinapapasukan mo? Ang sabi kasi sa tawag nila need ang personal presence ko ayaw daw nila ng through phone lang." Sagot ni Leafy.
"Hay, naku! Okay na okay, saka mabuti nga maaga kang lumuwas para naman personal ka ng makapag-report saka ma- interview. Sayang ang chances, sikat na kumpanya ito nga lang medyo strict ang big boss natin. Pero, keri lang naman nandoon nga tayo para magtrabaho eh!" Saad ni Bambini.
Totoo iyon, mababa ang rate ng sahod sa province kaya nagbabalik Maynila si Leafy. Dati na siyang nagtatrabaho doon bilang call center kaya lang may anomalya ang napasukan nila ni Bambini kaya nauwi siya ng probinsya. Ilang buwan din siyang namasukan bilang cashier sa isang Mall doon sa kanilang bayan. Ni hindi nga nila nakuha ang iba pa nilang sahod noong call center sila, hinayaan na lamang ni Leafy dahil ayaw na niyang sumakit ang kanyang ulo. Matagal na silang magkasama ni Bambini, laking probinsya silang dalawa hindi umuwi ang kanyang kaibigan dahil mas ginusto nitong naging sales clerk sa isang Mall.
Pero, nakahanap si Bambini ng kumpanyang sakto sa kanilang kursong natapos at maganda ang kalakaran. Saka, may isa pang dahilan si Leafy kung bakit bumalik siya ng Maynila. Ang bago niyang boyfie kasi na nakilala niya sa probinsya, taga- Maynila din kasi.
"Hoy, day dreaming ganern?" untag ni Bambini kay Leafy na nakangiting lutang ang peg nito.
"H- Ha? Eh, sorry may naisip lang ako!" nautal namang wika ni Leafy.
"Asus! May naiwan ka na ba sa probinsya?" tudyo ni Bambini.
"Hoy, wala ah ano ka ba!" pagkakaila ni Leafy.
"Hmmm..mga galawan na iyan Dahon pamilyar na pamilyar sa akin ha? 'Wag ako Day!" tugon ni Bambini sabay ismid.
Mas lalong natawa si Leafy.
"Hoy, wala nga!" pagpipilit nito.
"Hmmmp, deny pa more! Malalaman ko din kung sino siya!" aniya sabay ingos.
Tawang- tawa naman si Leafy pero deep inside excited siyang muling makita ang kanyang boyfie. Secret nga lang at ayaw niyang makantiyawan siya sa probinsya pero kapag naaalala niya ang moment nila doon ay talaga namanv buhay na buhay ang kanyang pakiramdam. Iyon bang nabili mo ang gusto mong bag, na noon mo pa inaasam. Alam niyang may kaya ang kanyang boyfie pero, gagalingan niya sa kanyang bagong trabaho para naman karapat-dapar siya sa pamilya nito pagdating ng araw na ihaharap na siya sa altar.
"Hay, naku Leafy buwang ka na day, hindi na ako magtataka kung isang araw dalhin na kita sa mental." Narinig nitong sabi ni Bambini.
"Ay grabe siya!" natatawang sagot ni Leafy pero pulang-pula naman ang mukha nito.
Lumipat na pala si Bambini ng apartment, mas malapit na pala sa kanilang papasukang kumpanya ang bago nilang tirahan.
"Ayusin mo na ang dapat mong ayusin diyan sa resume mo. Sabagay pasado ka na, 'yong presensiya mo na lang ang kulang. Galingan mo din bukas, magpahinga ka na at madaling araw pa lang. Pasok tayo agad, bukas kailangan alas otso gayak na tayo!" bilin ni Bamabini kay Leafy nang makarating na sila sa kanilang bagong titirhan.
"Sige salamat! Paano ang renta ng apartment?" sagot ng dalaga.
"Tinatanong mo pa, oh eh 'di dating hati!" Mabilis na turan ni Bambini.
Natawa na naman si Leafy sa kanyang best friend kahit kailan hindi talaga ito nagbago pero siyempre love niya ito.
"Oo na po! Sige, itulog muna natin saglit para fresh tayo kapag lumiwanag na!" sabi na lamang niya at nahiga na sila sa kama.
Alas dos kasi ng madaling araw nakarating si Leafy sa Maynila. Sa terminal na ng bus ito sinundo ni Bambini dahil hindi niya alam ang bagong address ng kanilang titirhan. Hindi pa masyadong traffic at saka taxi ang kanilang sinakyan saka sila nag - Lrt sakto na sa babaan maglakad ka lang ng konti, apartment na nila. Kaya hindi sila gaanong na- stress sa daan pauwi, mas maganda na iyon ngayon kaysa dati. Medyo nagkwentuhan pa silang dalawang magkaibigan hanggang sa igupo na sila ng kanilang pagal na katawan at nakatulog na nang mahimbing.
"Wow! Ang laki naman ng building for sure bilyonaryo ang may- ari ng kumpanyang ito," bulalas ni Leafy nang makarating na sila sa kumpanya kung saan sila magta- trabaho ni Bamibini.
"Naku, sinabi mo pa! Pero, ang balita 'yong taga- pagmana niyang isa grounded! Pinadala sa probinsya para makapag- muni- muni sa mga pagkakamali niya saka isasalang dito kapag ready na daw siya!" Agad na sagot ni Bambini.
"H- Ha? Bakit pasaway ba siya?" gulat na turan ni Leafy.
"Hindi lang pasaway, matigas ang ulo, babaero, suplado at inggrato!" tugon naman ni Bambini ngunit sa mababang boses lamang.
"Ows, talaga? Nakita mo na ba siya or nakilala mo na ba siya?" tanong na pabulong ni Leafy.
"Asus, nakilala na namin siya! Sayang ang guwapo pa naman as in lahat na yata ng babaeng madaanan niya eh laglag panty including me eme!" malanding sabi ni Bambini.
Napairap naman si Leafy sa kanyang best friend sabay ngiwi.
"Kaya pala nagsuplado sa inyo eh kasi tamang landi kayo. Big ekis sa isang Boss iyon Basyang!" Aniya.
"Hoy...hoy Dahon mind your words ah! Hindi ako ganoon ano?" agad na kontra ni Bambini.
Natawa naman si Leafy na napailing- iling. Deny to death pa ang kanyang kaibigan eh... actions speak louder than voice na nga ang ikinikilos nito.
"Kumatok ka na dito sa HR para diyan sa final resume mo at final interview mo. Good luck at kaya mo 'yan, magkaiba tayo ng Department for sure. Always remember sa IT Department ako ikaw siguro sa Banking and Finance. Pero, kung sa IT ka nila itatapon mas maganda mas masaya!" biglang sabi ni Bambini ng matapat sila sa isang pinto at nakasulat doon ang HR Department.
Napabuga naman nang hangin si Leafy saka ngumiti. Humugot pa ito nang isang malalim na hininga bago kumatok sa pinto saka kumaway kay Bambini na papalayo na din sa kinaroroonan niya. Medyo kabado siya pero, nilakasan na lamang niya ang kanyang loob atleast pasado na siya sa initial interview niya via phone. At kakayanin niya iyon para sa kanyang mga pangarap sa buhay kasama na ang kanyang pamilya.