THREE: "Engineer."
"KAREN, this is a decent Engineer so please don't be late. 'Wag mo akong ipahiya. Okay?"
Napangiti si Karen sa sinabi ng pinsang si Fredrick mula sa kabilang linya. The latter is the Architect who is currently in-charged sa ipapagawa at ipatatayo niyang small building para sa pinaplano nitong sosyo-business ng kaibigan niyang si Jaira.
"Opo! I'll be there in a minute, naghahanda na ako so don't worry," cool lang na sagot niya habang nagsusuot ng kanyang heels.
Ang tinutukoy ng pinsan ay ang Engineer na nirekomenda nito sa kanya para sa plano sa pagpapatayo niya ng bagong business kasama ng kasosyo at kaibigang si Jaira. Kung si Karen lamang ang tatanungin, mas gusto nga sana niyang wala nang Engineer at Architect nalang sana para bukod sa pagse-save ng oras ay mase-save din sa budget. Not that they don't have the budget pero mas maganda sana kung ilalaan nalang ang sobra sa iba pang gastusin sa pagbubukas ng negosyo. Well, yes, she's kuripot at some point… pero wala nga naman siyang magagawa kung ayaw ni Fredrick na akuin nalang ang lahat sa construction, ayon pa rito mas magiging effective umano ito kapag nag-hire talaga sila ng Engineer, that Architect and Engineer will collaborate for the project.
Ani Fredrick, nanggaling pa umano sa Mindanao ang Engineer, schoolmate at barkada nito noong college pa ang mga ito sa Ateneo de Davao University, at talaga namang magaling daw sa dami ng mga kumukuhang makipag-negotiate rito at gustong maging kliyente nito.
"Good. Pati na rin yung kaibigan mong si Jaira ay sabihan mo rin."
"I will, Fred!"
Matapos ang tawag ng pinsan, pumuwesto na siya sa harap ng full-length mirror at napangiti siya nang makuntento sa ayos ng kanyang sarili. She's wearing a formal white three-fourths top inserted in a decent black shirt then red heels on her feet. Naglagay din s'ya ng mahabang fashion necklace na bumagay pang lalo sa kanyang damit. She has light make up and a pink Matte lipstick. She looks formal and pretty, at the same time.
Kinuha niya ang puting purse at matapos nu'n ay dumiretso na sa baba.
"Anak, ang aga mo yata ngayon?" anang mommy.
Nasa dining area ang ina kasama ng ama niya at kapatid niyang si Raphael.
"Opo, mom. Jaira and I will be meeting our Engineer this morning," aniya.
"Engineer para sa building-plan sa pinaplano ninyo ni Jaira na ipapatayong coffee shop business?" ang ama naman niya ang nagtanong.
Isa-isa siyang humalik sa mommy't-daddy niya para magpaalam. "Exactly, dad."
"Tuloy pa rin pala kayo sa plano ninyong iyan ni Jaira?" patuloy ng ama niya.
"Opo naman, dad! Wala nang makakapigil pa sa amin ng kaibigan ko."
"Okay," nakakaintinding tumango naman ito. "If there's anything I can do to help with your business, just call me."
"Dad! Alam naman na po ninyong gusto kong magsimula nito sa sarili ko pong mga kamay mismo 'diba? Kaya po 'to namin ni Jaira!" kunwa'y nagtatampo na ang kanyang tono.
"Yeah, yeah. I understand your point, my dear. You want to start and grow on your own. Don't worry, I won't interrupt with what you want. Ang sinasabi ko lang naman ay kung baka may maitulong ako just in case you'll be needing my help," malambing na bawi kaagad ng kanyang ama.
Kahit pa mabait siyang anak at close siya sa parents niya, ma-pride rin naman siya para sa sarili. Kagaya nga ng sinabi ng ama, she wants to start and grow on her own. Ayaw niyang gamitin ng daddy niya ang anumang kapangyarihan nito sa pera at negosyo para lang maiangat din ang negosyong binabalak nilang umpisahan ni Jaira. Kaya nilang palaguin ng kaibigan ang sarili nilang negosyo sa sarili nilang naka-joined forces na mga kamay. For sure 'yan!
Nginisihan niya ang ama at niyakap ang likod nito. "Thank you, daddy!"
"Anything for my dear daughter!"
"Kain ka muna bago ka umalis, sis!" pagyayaya naman ng kapatid niya bigla na saluhan sila sa pagkain. Naka-office suit ito at mukhang papunta ito sa kompanya nila.
"No thanks, kuya Raph. We'll take our breakfast out together with Fredrick and with the Engineer he recommended."
"Okay," tumango si Raphael at nagpatuloy sa pagkain.
"Sige na po, mommy, daddy. Alis na po ako," paalam na niya.
"Sige, sige. You take care. Okay?" anang ina niya.
"Opo, mom."
"Kuya?" baling ulit niya sa kapatid.
"Take care, sis."
Pagkatapos no'n, dala ang sariling kotse ay dumiretso na siya sa Filipino-cuisine restaurant kung saan sila magkikita nina Fredrick at ng Engineer.
Ti-next na rin niya ang kaibigang si Jaira na huwag ma-late. Hindi naka-reply ang bakla at hindi naman na inintindi pa iyon ni Karen, baka naman kasi busy at naghahanda na rin para pumunta sa resto.
Good vibes na good vibes siya sa pagda-drive. Ewan ba niya at may kung anong nagpapa-good mood sa kanya lately. Well, maybe that's because of what she had accomplished last Friday night! Yung napagtagumpayan din niya ang laro nila ng mga lokaret niyang kaibigan at mga pinsan.
Nasa'n na kaya siya ngayon? Siguro sobrang galit niya sa ginawa ko...
On the other side, inaamin niyang medyo nakukonsensya rin naman siya sa nagawa. Pero medyo lang naman. And besides, hindi na niya kasalanan kung yung lalaking 'yon ang naging biktima niya since 'yon din naman ang unang lumapit sa kanya at ginawa lang niya ang part niya sa laro!
"You're really Karen Montgomery- The Great! Ang galing mo! Pero, in fairness sayo ha? Ang gwapo pala no'ng na-okray mo!"
Naalala pa n'ya ang sinabi ng pinsang si Patricia nang nagtagumpay na siya't nasa elevator na sila. Oo at talaga nga rin namang gwapo yung lalaking 'yon. Katotohanang hindi rin naman maitatanggi.
Ipinilig niya ang ulo. Hay, ba't ko ba iniisip pa ang taong 'yon! Ang importante ay nagtagumpay ako! And besides, hindi na rin naman kami magkikitang dalawa. Ever!
Dahil kung magkikita o kahit na magkasalubong man lang ulit sila... hindi siguro niya alam ang gagawin o kung may mukha man lang ba siyang maihaharap!
Nakarating si Karen sa restaurant at kaagad niyang nakita ang pinsang si Fredrick sa table sa isang banda kasama ng umano'y Engineer na tinutukoy nito. Nang akmang palapit na ang dalaga ay natigilan siyang bigla at tila inatrasan ng mga paa nang unti-unting narerekognisa ang lalaking kaharap ng pinsan niya.
No! This can't be! No way!