His Ruthless Temptation Kabanata 9 “DELA GARZA!” Mababa ngunit mariing tawag ni Calantha sa atensiyon ni Favru. Kagyat na lumipad sa kanya ang mga mata nito na kay sarap sanang apresyahin at hangaan minu-munuto kung hindi lang malilikot at tampalasan ang mga iyon. Those moon silver eyes were damn sinful and unforgivable. The sexiest pair of eyes she had ever seen. Hindi rin masisisi ni Calantha na halos lahat ng babaeng mahuhumaling sa hitsura at mga matang iyon ni Favru dela Garza ay kaagad na bibigay dito. Katulad na lamang halimbawa sa babaeng nakakandong dito ngayon. Wala pang kinse minutos na nawala si Favru sa kanyang paningin, ngayon ay may babae na itong kandong. Ganoon ito katinik at kabilis. Like what she said, isang banyaga ang babae. Pure blond ang mahaba nitong buhok,