His Ruthless Temptation Kabanata 14 MARAMING TAON na sinanay ni Calantha ang katawan na gumising ng maaga kaya kahit iniinda niya ang matinding hangover ay kusa pa ring ginising ng alarm niya sa katawan ang kanyang diwa. Kagyat ang kanyang pagdaing nang maramdaman na tila binibiyak ang kanyang ulo. Ang bigat-bigat niyon samantalang ang kanyang lalamunan ay sobrang tuyot. She felt a massive thirstiness. Bago pa niya sinubukang alalahanin ang sanhi ng kanyang pagdurusa ay pinilit niya munang bumangon para maghanap ng maiinom. Ng tubig. Malamig na malamig na tubig ang pinananabikan ng kanyang lalamunan. Hindi pa man nakakalayo sa pinanggalingang kama si Calantha nang mapahinto ang kanyang katawan. She froze upon knowing that she was only wearing a muscle tee and nothing else underneath