His Ruthless Temptation Kabanata 7 PRENTENG NAKAUPO si Calantha sa gilid ng kanyang kama. Nakaubos na siya ng dalawang stick ng paborito niyang brand ng sigarilyo ngunit hindi iyon nakatulong para humupa ang inis sa kanyang dibdib. She occasionally smoked. Madalas ay kapag hindi na niya makontrol ang kanyang temper katulad na lamang sa mga sandaling iyon. Katunayan pa nga niyan ay nadaragdagan pa iyon sa bawat minutong lumilipas na naghihintay siya sa paglitaw ng magaling niyang bodyguard sa loob ng kanyang penthouse. Ang walanghiya ay hindi sumipot sa bilin niyang sunduin siya nito ng lunch break. Balak niyang dalhin sa mall si Drystan para makapaglibang ang bata at kahit papaano ay mapawi ang lungkot nito. Kagabi kasi ay nakatulugan na nito ang pag-iyak dahil hinahanap ang Mommy