Pretending

628 Words
Ellaine's POV "Good morning Jes!" "Oh, ba't ang aga mo Laine! Mamayang 9:00 pa ang usapan natin ah! Sisilay ka na naman ba sa suplado kong kuya?Hay naku ikaw talaga!" Si Jes or Jessica, my bestfriend. Magkaklase kami simula elementary until college , same din kami ng course na kinukuha. At ngayon nga, magkapartner kami sa aming thesis at napagusapan na gagawin namin sa bahay nila. "Nah, alam mo namang Sunday ngayon, family day nila at di ako informed and invited.hahaha" Siya nama'y natahimik because she knew my situation kapag ang pamilya ko ang pinaguusapan. "bilib din talaga ako sa'yo ellaine. Nagagawa mo pang magbiro!Hay! Halika nga dito! Payakap ako! Galingan mo kasi sa panliligaw sa kuya ko para you belong to our family na bessy!" sabay tawa at yakap sa akin. Habang kami'y papasok sa kanilang bahay ay palabas naman ang kanyang kuya na bihis na bihis. "oh kuya saan ang punta mo, sunday ngayon ah?" si jessica. "tsk!" si Ford na nagsuplado at napahinto. "Hi Ford! I miss you! Masarap ba yung pinadala kong cake kahapon? Sorry iyon lang kasi nagawa ko kasi--" "tsk, stop wasting your time Ellaine, I just want to inform you, liligawan ko na si Faye at nakapagpaalam na rin ako sa mga magulang niyo. Siguro naman after how many years, patatahimikin mo na ako dahil seryoso ako kay Faye at ayokong masira kami" sabay talikod sa amin. "One more thing,stop sending me gifts and foods. And stop chasing me, kailanma'y hindi kita magagawang mahalin" Sabay titig sa aking mga mata na ikinaguho ng aking mundo dahil alam kong seryoso siya sa kanyang sinabi . "Kuya!!" -si jess Ang sakit. Sa ilang taon kong paghahabol sa kanya, kahit nagmumukha akong tanga dahil sa paulit-ulit niyang pagtaboy sa akin at masasakit na salita,heto pa rin ako at habol ng habol sa kanya. Pero alam ko sa pagkakataong ito,wala na talaga. Faye.. pati ba naman ang kalaking mahal na mahal ko, nasa kanya na rin. Mga magulang ko, kapatid. Nasa kanya na lahat. Talo na naman ako. Naguunahang bumuhos ang aking luha kasabay ng mahihinang hikbi ang lumabas sa aking bibig na kahit gaano ko kagustong pigilan, wala akong nagawa dahil sa sakit at bigat na nararamdaman. Naramdaman ko ang yakap at paghaplos ni jess sa akong likod. "ssshhh tahan na laine, iiyak mo lang lahat. Nandito lang ako" Ilang minuto din bago ako kumalma habang ako'y inaalo niya. Kumawala ako sa kanyang yakap at pilit na nginitan siya. "Halika na, umpisahan na natin ang paggawa ng thesis!" "laine.." si jess na may pagaalinlangan kung itutuloy pa ba namin ang gagawin Nginitian ko naman siya sabay thumbs-up. Ganito naman lagi, kinikimkim ang sakit na nararamdam. Simula ng ako'y magkamuwang at alam kong iba ang turing ng aking mga magulang at kapatid sa akin. Natuto na akong itago at magpanggap ng aking nararamdaman. Sanay na akong masaktan at wala naman akong masisi kasi alam ko din na ako ang may kasalan kong bakit sila ganoon sa akin. Ako ang dahilan kung bakit namatay ang aking kapatid, at hanggang ngayon sinisisi ko din ang aking sarili. Nagpapasalamat pa din ako sa mga magulang ko na sinusuportahan nila ang aking pag-aaral, kahit never silang pumunta sa graduation ko mula elementary at highschool, at hindi na din ako aasa na pupunta sila sa graduation ko sa kolehiyo. Faye. ang aking pinsan na kamukha ng aking kapatid. Mas tinuturing pa nilang pamilya kaysa sa akin. Selos na selos ako pero wala naman akong magagawa kasi napapasaya niya ang mga magulang at mga kapatid ko na kabaligtaran naman kapag nakikita nila ako. Akala ng iba, nasa akin na ang lahat, pera, kagandahan at talino, pero ang hindi nila alam, sa mga ngiting pinapakita ko ay isang malungkot na buhay.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD