Tuluyan na akong di pumasok dahil heto ako ngayon at kasama ang buong Blue Bloods. Nandito kami ngayon sa penthouse kung saan silang lima nakatira. Sobrang laki ng buong lugar para sa limang tao lang pero ano pa nga ba ang aasahan ko sa pinakasikat na international band? Ayaw ko sanang sumama pero itong si Urielle, ayaw akong bitiwan. Hanggang ngayon nga eh, kahit nandito na kami sa tinutuluyan nila ay nakalingkis parin sakin at kulang nalang ay kandungin ako. Lagi din ako nadidistract sa mukha niyang nakasiksik sa leeg ko.Minsan inaamoy-amoy niya ang leeg tapus minsan din ay bigla nalang hahalik sa leeg ko. Juicecolored! Tao lang po ako, marupok at nadadarang lalo na at ganito kagwapo ang dumadarang!! Wala naman talaga kaming ginagawa dito kundi ay panooring mag-agawan ng remote s