chapter 2

1031 Words
Oh Lord, sorry...di ko alam kung anong nangyayari sakin at parang nag-iinit ng pakiramdam ko. Nakakainit naman talaga ang mga nasasaksihan ko at naririnig ko, idagdag pa itong lalaking nakayakap ngayon sakin. Parang gusto ko nang sabayan ang pag-ungol ng babae sa labas. Pigil na pigil ko ang napahiyaw tuwing napapadiin ang pagkakiskis ko sa mas lalong tumitigas na bagay na nasa pagitan ng mga hita ko. Dahil sa sensasyong pilit na nilalabanan ay halos mawalan na ako ng lakas at napasubsob na ako sa matigas at mainit na dibdib nitong kasama ko. Lord, ang bango niya kahit pawisan na siya. Kung pwede sanang ibote tapos itinda iyong amoy ng pawis niya ay tiyak yayaman ako at tatalunin nito ang mga mamahaling pabango. "Ohhh..Josh!Josh!oohhh.." "Oh!Irene!! s**t! I'm coming!" Sunud-sunod na ungol ng mga nasa labas. Biglang nanlaki ang mga mata ko at nanlamig ang buong katawan ko! Josh? Irene? Paanong...? Nangingig ang buong katawan ko, kung kanina ay dahil sa di maipaliwanag na sensasyon ngayon naman ay dahil sa gimbal, takot at ...at galit? Nanikip ang dibdib ko...parang ayaw matanggap ng utak ko pero gusto kong makasigurado kung tama ang narinig ko. Sila ba talaga iyon? Sina Josh at Irene ba talaga ang nasa labas ? Si Josh na boyfriend ko at si Irene na pinsan ko? "Oooh..Jooosh!" "Ireeene.." Ngayon ko lang napagtuunan ang mga boses nila, siguro di ko agad napansin kanina dahil sa sobrang ukopado ako ng lalaking kasama ko at sa pangamba ko na baka mahuli ako na may kasamang hubad na lalaki dito sa aparador.Pero ngayong malinaw na ang utak ko ay kilalang-kilala ko ang mga boses na kasalukuyang umuungol sa sarap. Ang mga hayop!! "I love you Josh".. " I love you too Irene", Sheeet! Paano ako Josh? Gusto kong sumigaw pero parang sinasakal ang puso ko! Bakit ganun? Paano nagawa ito ni Irene? Anong kasalanan ko sa kanila? "Let's get out from here, kailangan nating mahanap si Luchille." " Malaki na si Luchille, I still want to spend more time with you." "Josh, naman eh...baka magising na iyong natutulog sa kama at mahuli tayo," humahagikhik na sabi ni Irene. Si Irene na halos di makabasag pinggan sa hinhin at parang anghel sa bait ay alam pala kung paano humagikhik ng paharot at higit sa lahat alam kung paano manloko at mang-agaw ng boyfriend. Ang ahas! " Basta hah, dating gawi..doon ka matutulog sa condo ko. Pagsasawaaan muna kita buong weekend." Si Josh na perfect boyfriend! Pinakamabait at pinakagentleman na nakilala ko ay isang sinungaling at manloloko. Paano nila nagawa sakin ito. Sabi niya papakasalan niya ako pero bakit ganito? Nangako siya sakin, nangako siya at naniwala ako. Manloloko siya at sa dinami-dami ng babae, ang pinsan ko pa. Kailan pa nila ako ginawang tanga? Minahal ko sila at pinagkatiwalaan tapos ganito ang nangyari. "Oo na, ang kulit mo talaga." "Sshh..wag ka maingay baka magising iyong natutulog." Pagsara na lang ng pinto ang narinig ko kaya di ko na pinigilan ang mga hikbi ko. Kanina pa pala ako umiiyak mula nang mabosesan ko ang mga walanghiya. "Hey, don't be so overdramatic! I didn't do anything," kunot noong sabi ng lalaking kasama ko. Dahil sa bigat ng pakiramdam ko ay halos di ko na magawang pansinin ang pagiging hubad niya sa harapan ko. Padausdos akong napaiyak dahil parang bigla nawalan ng lakas ang mga tuhod ko. Naiiling itong lumabas at iniwan ako sa loob ng aparador. Walang pakialam akong naglupasay at ngumawa nang ngumawa sa loob. Ang sakit-sakit ng puso ko, kahit wala akong hika pero para akong di makahinga sa pag-iyak. Wala na akong pakialam kong magising man ang babaeng natutulog sa kama basta mailabas ko lang ang sama ng loob ko. " Tsss..hey! What's wrong with you?" muling tanong sakin nung lalaki. Nang tingalain ko siya mula sa pagkakayuyop ko ay nakasuot na siya ng damit at nakasimangot niya ang tinitingnan mula sa labas ng aparador na ngayon ko lang napansing nakabukas na ng malaki. Nakabukas na rin ang ilaw kaya maliwanag na ang buong paligid pero dahil sa hilam sa luha ang mga mata ko ay malabo pa rin ang paningin ko sa paligid. Imbes na sumagot ay mas lalo akong napaiyak...everything's wrong!! Gusto ko ng mamatay! "I know this is not about me being with you in a closet , naked. So tell me, is this about those two fuckers awhile ago?" seryoso nitong tanong. Halos di ako makahinga sa kakaiyak kaya di rin ako makapagsalita. Napag-abot na iyong luha at uhog ko pero wala akong pakialam kasi nasasaktan ako. "Do you know them?" Tanging tango lang ang nagawa kong sagot. Kahit pala walanghiya sa katawan ang lalaking ito ay matalino pa rin ito at matalas ang pakiramdam. Bumara bigla sa lalamunan ang mga hikbi ko nang biglang lumuhod sa harapan ko ang lalaki upang magpantay kami at marahang pinahid ang mga luha ko. Parang nahiyang tumigil naman sa pag-agos ang mga luha ko dahil sa ginawi ng lalaki. Kahit nasasaktan ngayon ang heart ko ay di ko parin mapigilang humanga sa kagwapohan ng kaharap ko. Sa gwapo niyang ito ay pwede na siyang ibenta sa botika gamot para sa broken hearted! "Some things are not worth crying for." "Pero, ma-sakit." "At first yes, but don't let the pain make you weak. Let the pain be your strength. Things that they don't know can be used against them. Cheer up little bug, it's not the end of the world. You still have a fight to win," seryoso nitong sabi. Napatulala nalang akong nakatingin sa kanya hanggang sa lumakad na siya palabas ng silid. Sa mga sinabi niya ay parang may kung anong umusbong sa loob ko, parang may panibagong lakas na umusbong sakin. Ou nandoon parin iyong sakit pero di na tulad ng kanina na parang nakakamatay ngayon ay may isang damdamin nang mas dumaig sa sakit. Tama iyong lalaki... I still have a fight to win. Pero, bwesit na iyon, tinawag akong little bug! Kahit niloko ako ng boyfriend ko pinagpalit sa pinsan ko ay maganda ako noh... di ako mukhang bug!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD