Chapter 1: Shoplifter

1672 Words
“HINDI ako! Hindi ako ang kumuha!” ani Kaitlin sa Security guard na nakasuot ng magandang suit na mahigpit na nakahawak sa kanyang braso. Nag-iikot siya sa loob ng isa sa pinakamalaking tindahan ng alahas sa Maynila, ang The Jewels. Nasa loob ito ng isang prominenteng mall. Habang naiinggit sa mga alahas na naroon at sa mga taong kayang bumili ng mga iyon, nabigla na lang siya nang ituro siya ng guwardiya na nagnakaw ng isang alahas na hindi man lang niya nahawakan o kahit nasilayan man lang. “Sigurado ako na ikaw ‘yon! Blue blouse at jeans,” anang lalaki na miyembro ng security at may malaking katawan na hindi rin sigurado kung siya nga ang nagnakaw. Nasa tono nito ang pagdududa. Gayunman, wala itong magawa kung hindi ang idiin si Kaitlin dahil natatakot itong mawalan ng trabaho o kaya naman ay pagbayarin sa nawawalang alahas. Kani-kanina lang ay isang babaeng may magandang awra ang pumasok sa loob ng tindahan kung saan siya naroon. Nakasuot ito ng asul na plain na blusa, tulad niya. Ang pagkakaiba lang nila ng babae ay may manipis na headband na nakapatong sa kulay brown na buhok nitong hanggang balikat habang siya naman ay simple lang. Mas mahaba rin ang buhok nito nang kaunti at mas matingkad ang kulay ng buhok ni Katlin. May nakasukbit ditong itim na bagpack at may mga burloloy sa katawan habang simple lang ang kanyang kasuotan—nakapantalon at snickers, walang bitbit na kung ano. Kanina ay lumapit ang hindi kilalang babae sa hilera ng mga diamond necklace. “I want to try this one!” anang babae habang turo ang alahas na may malaking diyamante bilang disenyo. Pinasukat iyon ng staff sa babae, ngunit nagbago ang isip nito ilang saglit pa. “Oh! I think, hindi ko na ito kukunin. But may I try the earrings I saw earlier?” Nagbago ang isip ng babae—ilang ulit. Hanggang sa nakakita ito ng tiyansa na maipuslit ang diamond necklace na akala ng mga staff ay hindi nito bibilhin. May pinahanap kasi itong partikular na alahas sa tagabantay. Nang lumabas ito, eksakto naman na si Kaitlin ang pumasok sa tindahan. Siguro dahil parehas sila ng kulay ng blusa, napansin siya ng assistant habang nakatalikod at naisip nito na siya ang babae. Parehas sila ng bulto kapag nakatalikod at heto nga siya ngayon—itinuturong nagnakaw sa nawawalang alahas. “Wala akong kinuha!” pilit niya. “Malalaman natin kapag nakita natin sa CCTV,” wika ng security. Alam niya na kanina pa sila kumuha ng atensiyon at pinagbubulungan ng iba pang customer. Dahil doon ay nakaramdam siya ng takot Lumarawan ang hindi maipaliwanag na emosyon sa kanyang mukha at hindi na umimik pa dahil tila nagbalik ang ala-alang iyon sa kanya na kinutya ng kung sino at tinapak-tapakan. Naikuyom niya ang kamao. Nakaramdam siya ng takot na baka may isa sa mga ito ang kuhanan siya ng video o larawan. Dahil doon ay napilitan siyang sumunod sa guwardiya. Pumasok sila sa loob ng opisina para siya usisain. “I-play mo ang video kung saan hiniling ni ma’am na sukatin ang alahas,” wika ng guwardiya sa kasama nito. Napapikit na lang si Kaitlin nang mariin. Sigurado na malalaman doon na hindi siya ang hinahanap ng mga ito. Hindi niya akalain na dadating ang araw na mapagbibintangan siyang shoplifter. Kahit naman naghihirap siya sa buhay, hindi niya magagawa ang magnakaw. She won’t do that, ever! Ipinakita nila kay Kaitlin ang oras kung saan nagtungo ang isang babae sa stall ng nawawalang diyamante. Dahil nasa uluhan ng babae ang camera at bahagyang may kalabuan ang video, hindi masyadong kita ang mukha nito at ang manipis na itim na headband sa ulo. Nabigla siya roon dahil sa unang tingin ay mapagkakamalan ngang siya ang babae. Napatingin ang lahat ng miyembro ng seguridad ng tindahan sa kanya. “Hindi ba’t ikaw ‘yan?” tanong ng guwardiya. “No! Hindi ako ‘yan! Wala pa ako sa tindahan ng mga oras na ‘yan! Bakit ba ayaw n’yong maniwala?! Mag-play kayo ng ibang video at ‘yon ang ipakita n’yo sa akin!” May kung anong namumuong kaba sa kanyang dibdib sa oras na iyon, kasabay ng galit. “Miss, isang mahalagang alahas ang nawawala? Sabihin mo na lang kasi kung saan mo ‘yon itinago para tapos na ang problema!” “H-hindi nga ako—” “Tingnan mo, hindi ba’t kasuotan mo ‘yan?” “Pero wala naman akong bitbit na bag!” “Madali na lang ‘yon ipasa sa iba. Sino ang kasabwat mo?” tanong muli ng guwardiya. Nasa tono niya ang direktang pambibintang kay Kaitlin. “Ano ba ang ginagawa ng isang tulad mo sa tindahan kung hindi ka pala bibili?” tanong naman ng isa pa na mas malaki ang katawan. Nahihirapan na siyang magpaliwanag. Halata sa kanila na walang plano ang mga ito na pakawalan siya sa kaso. “Hindi nga ako ang kumuha o pumuslit ng nawawalang kuwintas.” Halos sarili na lang niya ang nakaririnig sa tinig. Nagsimula nang gumaralgal ang kanyang boses. It’s one of the most humiliating events happened to her. Pumasok ang manager ng tindahan at bahagyang naasiwa pa nang pasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Kasalukuyan pa kasing nagpuputik ang kanyang snickers na hindi niya na matandaan kung kailan pa binili. “Bakit nakapasok ang isang ‘yan sa store?” bulong nito sa security. “Eh ‘di para magnakaw. Kaya lang, ayaw pong umamin, eh. Ayaw sabihin.” Hinarap siya ng babaeng manager ng The Jewels. “Miss, I’m sorry, pero ipapasa namin ito sa pulisya dahil malaking halaga ang nawawala. Doon mo lang mapapatunayan kung wala ka talagang kasalanan.” Doon siya binalot ng matinding takot. Panibagong problema na naman ito sa kanya. Ayaw niyang madamay ang pulisya dahil sigurado na mas malaking problema ang ihahatid nito. Nanginginig ang kanyang katawan habang tila imahe sa telebisyon ang mga naganap sa kanya noon. “Sa tagal namin dito sa trabaho at sa dami ng nahuling nag-shoplift—inaabot ng isang linggo ang kaso. Sa huli, napapatunayan din naman na talagang may ninakaw sila rito. Kami na ang nagsasabi, para hindi na tayo gumawa pa ng maraming hakbang at mag-aksaya ng oras, umamin ka na lang at bayaran ang danyos,” paliwanag ng guwardiya. Naikuyom ni Kaitlin ang kamao na nakapatong sa kanyang mga binti. “I-I want to call my friend. He’ll pay the missing diamond necklace,” tila nawalan na ng pag-asa na wika niya. Isa-isang nagsipatakan ang kanyang mga luha habang nanginginig ang buong katawan sa matinding takot. Iyon ang pinakamatindi sa lahat. Aminado siyang nasukol na siya sa oras na iyon at wala nang magawa pa. Nasundot ng mga ito ang pinakatatakutan niya. Ang bagay na ayaw na niyang maganap pa sa loob ng ilang taon. “Aamin ka rin naman pala,” iritableng wika ng manager na nagawa pa siyang irapan. Nagsimula siyang suminghot. Nagrolyo ang mga butil ng luha sa kanyang pisngi. Itinuro sa kanya ang telepono ng landline na nakapatong doon sa ibabaw ng malapad na mesa sa opisina para tumawag ng kaibigan na sa kanilang lohika ay magbabayad ng danyos. Iniangat ni Kaitlin ang handset nito at saka pinindot ang numero ng isang taong alam niya na mapagkakatiwalaan niya sa mga ganitong panahon—si Khalid Han—ang tagapagligtas niya sa mga matinding problema. Hindi niya alam kung ano ang kanyang iisipin. Ngunit mababayaran niya rin ang lahat ng ito sa lalaki pagdating ng araw. Hindi niya alam kung kalian, basta magbabayad siya. “Hello!” Isang baritonong boses ang sumagot sa kabilang linya na alam niyang si Khalid. Beinte-sais anyos lang ito sa kasalukuyan. “Khalid, it’s me. Kaitlin. I-I need help.” Humigit ang hawak niya sa handset ng telepono, pinigilang huwag umiyak. “Kate? Anong nangyari?” “M-may nawawalang diamond necklace dito sa The Jewels. Nagkataon na nagwi-window shopping ako. I have to pay for the missing diamond necklace.” “What? Anong kalokohan ‘yan?” Nabosesan niya sa lalaki na parang hindi ito makapaniwala. “Hindi ko rin alam kung paano ipaliliwanag, eh. I don’t know what happened. Please help me. Ayoko nang palakihin pa ang isyu kaya magbabayad na lang ako.” “Sigurado ka ba? Pwede nating paimbestigahan ito.” “No!” agad niyang tutol. Hindi ba nito alam na kaya nga ayaw niyang magbayad ay dahil ayaw niyang madalamay ang pulisya, siguradong lilitaw sa mga ito kung sino siya at pagkatapos ay magugulat na lang siya na may media nang kasama. Tulad ng naganap noon. “P-please, just pay for the missing necklace.” Narinig niyang bumuntonghininga ito sa kabilang linya. “Don’t worry! Magpapapunta ako d’yan ng staff, ngayon na, para mag-ayos ng problema mo!” “Salamat!” Ibinaba niya ang handset ng telepono at saka hinarap ang security. “May magbabayad na para sa nawawalang necklace. I’ll pay for an additional damage, h-huwag lang mailagay sa records ang pangalan ko. Kahit doble pa ang bayaran ko.” Umikot ang mata ng manager at saka inasikaso sa system nito kung magkano ang sisingilin sa kanya. Nakaupo lang siya sa isang silya habang hinihintay ang staff na tulong ni Khalid. Tahimik siyang lumuluha sa isang sulok. Kung sana ay kaya niyang mabili ang mga bagay-bagay roon, masaya sana siyang naglalagay ng items sa cart at nagbabayad sa kahera. Kung sana ay elegante ang kasuotan niya, siguradong hindi siya tataasan ng kilay o iikutan ng mata ng manager ng tindahan na iyon. Marami pang katanungan sa puso niya habang naroon, nakaupo at naghihintay. Kaitlin, stop crying! Hindi sila sapat para sa mga luha mo. Huminga siya nang malalim—paulit-ulit para kalmahin ang kanyang sarili. Inabot siya ng ilang oras na naghintay bago dumating ang tulong ni Khalid. She paid one million and one hundred thousand para sa nawawalang alahas, huwag lang nito muling ibalik ang pinakatatakutan niya—ang masirang muli kanyang pangalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD