“Asan si Diegs? Asan sabi si Diego. Gusto ko syang makita.” maya’t mayang sigaw ni Klay habang naka kulong sa isang maluwang na kuwarto puro salamin lang yun at tanging sarili lang n’ya nakikita n’ya. Meron lang isang malaking speaker ang naroon kung saan naririnig n’ya ang ilang boses na nakakausap n’ya na tingin n’ya mga kaibigan ni Diego. May ilang araw na ba syang naka kulong doon kung tama sya may 5 araw na hindi nya alam kung anong nangyari at bakit nakakulong sya roon. Ang huling alala nya sinugod nya si Tanya dahil nahuli n’ya sa akto ang mga walanghiya. Siguro nga tama si Diego walang ginagawa ang mga ito pero paano kung di sya naka-isip umuwi edi may nangyari na sana sa mga ito. Hinding hindi nya mapapatawad si Diego. Ipapakita nya rito kung sino ang niloko nito ngunit mula pa