“Please wag mong sabihin sa parents ko.” ani Klary ng pababa na sila ng sasakyan. Tahimik lang sila buong biyahe. Iniintay nyang mag salita si Diego pero wala syang narinig mula rito pero halatang nag iisip ito. “Depende sa lahat ng magiging sagot mo sa lahat ng itatanong ko.” sagot ni Diego na lumapit pa sa kanya at hinawakan pa sya sa kamay. Napatingin si Klary sa kamay nilang magkasalikop habang hinihila na sya ni Diego. “Kamusta anong nangayari.” salubong agad sa kanila ng mommy nya. Mabilis naman nag paliwanag si Diego na naging maayos naman ang lahat. After mag usap ang mga ito nag paalam na muna silang aakyat. Wala ang Daddy ni Klary nag bilin nalang ang ina ni Klary na ipapatawag sila kapag handa na ang hapunan. “Now start talking.” turan ni Diego ng paupuin sya nito sa sofa ha