Chapter 14:

1706 Words
TASYA Nagising ako na nilalagnat pero kailangan kong bumangon. Alas diyes na ayon sa orasan. Kahit nanghihina ako dahil masakit ang katawan ko at parang matutumba yata ako ay pinilit kong tumayo para maligo. Matapos maligo ay mabilis akong nagbihis. Kailangan ko nang mapapalitan sa bangko ang hawak kong tseke para ma-schedule na ang operasyon ni nanay. Pero dadaan muna ako sa ospital dahil kailangan na rin ni Ninang Malou na umuwi. Siya kasi muna ang pinagbantay ko kay nanay habang wala ako. Nagtataka pa nga sila kung saan ako pupunta kahapon pero gumawa na akng ako ng dahilan na may kakilala akong kaibigan na taga-Maynila na pumayag akong pahiramin ng pera kaya pupuntahan ko. Nakasuot ako ng jacket kahit na medyp mainit ang panahon dahil giniginaw ang pakiramdam ko. Mabuti na lang at may paracetamol pang stock sa bahay kaya uminom muna ako bago umalis. Mabilis naman akong nakasakay sa tricycle. Biglang tumunog ang selpon ko. Dali-dali kong sinagot ang tawag. Matagal pa bago may nagsalita sa kabilang linya na ipinagtaka ko. "Ninang?" "T-tasyang...." "Bakit po?" Kinakabahan ako sa boses niyang tila garalgal, pakiramdam ko may nangyaring hindi maganda. "T-tasyang, a-ang... ang nanay mo, iniwan na niya tayo..." Tila bomba ang mga salitang narinig ko. Pakiramdam ko biglang tumigil ang mundo ko. "Ninang Malou, anong nangyari? P-papaaanong iniwan? B-bakit naman tayo iiwan ni nanay?" "Tasyang..." "Pumarito kana. B-bilisan mo, k-kailangan mong maabutan ang nanay mo bago siya dalahin sa... sa morgue." Tuluyan nang pumatak ang luha ko dahil sa aking narinig. Parang gumuho ang ang lahat sa akin. Anong nanyari? Tila nauupos na kandila ako sa pagkakaupo ko sa loob ng tricycle. Gusto kong humagulhol ng iyak pero tinatatagan ko ang sarili ko. Namamadhid bigla ang pakiramdam ko. Hindi ko na alintana ang lagnat at sakit ng katawan ko dahil sa masamang balitang narinig ko. "Manong pwede po bang pakibilisan?" saad ko sa tricycle driver na kumunot lang ang noo pero nang makitang namamasa ang mga mata ko ay walang imik na diniinan nito ang silenyador para bumilis ang takbo. Kinagat ko ang ibang labi ko para pigilan ang pag-iyak ngunit hindi ko talaga napigilan ang masaganang pagpatak ng mga luha ko. Matapos makababa ng tricycle ay patakbo akong pumunta sa kwarto lung nasaan si nanay pero wala na ito roon. Wala na ang katawan nito. "Tasyang..." Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. Si Ninang Malou. Siya kasi ang pinakiusapn ko na bantayan muna si Nanay habang gumagawa ako ng paraan para magkaroon ng perang pampaopera sana niya. Mabilis siyang lumapit at yumakap sa akin. Umiyak ako sa balikat niya pero mabilis din akong humiwalay sa kanya. "N-ninang... a-asan si nanay? M-may pera na ako. M-mapapaoperahan na natin s-siya." Sinapo niya ang mukha ko at pinahid ang mga luhang parang bukal na tumutulo sa pisngi ko. "Wala na siya, Tasyang. Patawad, wala na ang nanay mo." Umiling lang ako at patuloy na umiyak. Hinila niya ang mga kamay ko at nagtungo kami sa morgue. Hindi ko alam kong ihahakbang ko ba papasok ang paa ko o tatakbo ako palayo. Gusto kong makita ang aking ina pero hindi ang malamig niyang katawan. Makalipas ang ilang sandali ay nagpasya akong pumasok. At tuluyan nang gumuho ang mundo ko nang makita ko siyang may takip na puting kumot. Mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap ang malamig niyang katawan. Dati kapag niyayap ko siya, niyayakap niya ako pabalik na may kasamang mainit na pagmamahal ngunit ngayon hindi na ulit mangyayari iyon. Gustong sumabog ng puso ko. Iyong kaisa-isang taong meron ako,wala na. Iniwan na niya ako. "N-nay... a-anong n-nangyari? B-bakit? Bakit n'yo naman ako agad iniwan. N-nay... K-kayo l-lang i-yong m-meron a-ko. P-aano n-na a-ako? 'Nay! Nay, g-gumising ka! May pera na tayo, maooperahan kana. Kaya 'nay please gumising kana! 'Nay!" Niyugyog ko ang katawan niya. Umaasa akong gigising pa siya na biro lang ang lahat nang nagyayari. Na nanaginip lang ako pero hindi. Wala na talaga siya. Hindi ko alam kong kailan mauubos ang luha ko. Kahit nang makalabas na kami sa kwarto kung nasaan ang aking ina ay wala pa rin humpay ang luha ko. Nanghihinang napaupo ako. Ang utos ko sa kanya kaninag umaga magpahinga lang siya pero bakit panghabang-buhay na? Alam kong may sakit siya pero okay pa siya kanina, nakakausap ko pa siya tapos ngayon. Ngayon, malamig na siya. Ang bilis naman masyado. Hindi ako handa. Hindi ko pinaghandaan ang bagay na ito dahil umaasa ako na magiging ayos pa siya. Na makakauwi pa kami sa bahay pagkatapos nang operasyon niya Ganoon ang tumatakbo sa utak ko kanina, hindi ang ganitong senaryo. "Ang daya niya. Iniwan na niya ako. Ninang, bakit ngayon pa? Sobrang saya ko kasi may pera na ako. Maooperahan na siya pero bakit bigla naman siyang sumuko. Okay pa siya nang iniwan ko kanina. B-bakit... b-bakit ngayon wala na siya?" Lumapit si Ninang Malou sa akin at hinagod ang likod ko habang umiiyak pa rin ako. "I am sorry, Tasyang, umalis lang ako para bumili ng pagkain pagbalik ko nagkakagulo na ang lahat para isalba siya." "Wala kayong dapat ipag-sorry, 'Nang. Dapat hindi na lang ako umalis kanina. Dapat nanatili na lang ako sa tabi niya para bantayan siya. Siguro kung ganoon ang ginawa ko buhay pa siya." Pinahid ko ang mga luha ko. Hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko. Wala ako sa tabi ng ina ko baho siya bawian ng buhay, may inuna ko pang kumita ng pera. Hindi ko alam kung paano tatanggaping wala na ang nag-iisang taong naging kasama ko mula bata pa ako. Ang nag-iisang taong nagpalaki at umaruga sa akin. Pero kailangan kong tatagan ang sarili ko. Tumayo ako. Binibiyak man ang puso ko ngunit kailangan ko nang kumilos para mabigyan nang maayos na burol at libing ang aking ina. Salamat na lang talaga at nasa tabi ko si Ninang Malou na tumulong muli sa akin sa pag-aasikaso ng lahat dahil kahit pinipilit kong tatagan ang sarili ko may mga oras na bigla na lang akong na tutulala at umiiyak. Lalo na nang muli kong makita ang aking ina pero nasa ataul na ito. *** "Hindi pa rin ako makapaniwala na wala kana. Na mag-isa na lang ako ngayon at iniwan mo na ako. Marami pa akong pangarap para sa ating dalawa. Sabi mo, 'di ba sabi mo gusto mo pang makita ang magiging mga apo mo sa akin? Pero paano mo pa sila makikita? Wala kana. 'Nay, ang daya n'yo. Ang daya-daya n'yo." Niyakap ko ang mga binti bago sumubsob sa tuhod ko. Nakaharap ako ngayon sa lapida ng aking ina. Dapat siguro noong unang beses na inalok ako ni Pinang hindi na ako tumanggi pa. Siguro mas naagapan ang operasyon ng aking ina. Kasalanan ko kung bakit wala na siya ngayon. Nag-inarte pa kasi ako, kaya ngayon puro pagsisisi na lang ang magagawa ko tapos wala pa ako sa tabi niya bago siya bawian ng hininga. Bakit ba wala na yata akong nagawang tama? Katatapos lang ng libing niya. Umuwi na ang lahat ng nagtpunta para makilibing pero hindi ko pa rin magawang umuwi. Kapag umuwi ako, wala nang sasalubong sa akin. Wala nang maghahanda ng aking pagkain at magsesermon sa akin kapag may nagawa akong mali. Gayong pumanaw siya na isang malaking mali ang ginawa. Baka bigla siyang bumangon sa hukay kapag nalaman niyang naging isang babaeng bayaran ako kahit sabihing isang gabi lang. Anong klaseng anak ako? Napakawalang kwenta. Nasanay ako na nandiyan siya palagi para sa akin. Kaya nahihirapan akong tanggapin ang biglaan niyang pagkawala. "Alam ko magagalit kayo pero alam mo ba lumapit pa ako sa walanghiya kong ama para lang may pang-opera ka. Sobrang saya ko dahil binigyan niya ako ng pera pero hindi ko na pala iyon magagamit dahil wala kana. 'Nay, bakit ganoon? Bakit sa daming pwedeng mawala sa akin, bakit ikaw pa?" "She's maybe dead, but I am sure she is still watching you. Siguro wala na siya physically sa tabi mo ngayon pero mananatili siya sa alaala mo. So, stand up. Don't cry, I am sure she will be sad seeing your tears from heaven." Hilam ang luha na napatingin ako sa nagsalita pero hindi ko na nakita ang mukha niya dahil naka sunglasses at facemask siya. May sombrero rin siyang suot. Kaya walang parte ng mukha niya ang nakikita ko, matangkad ito at nakapamulsa habang nakatingin sa akin. "Alam ko pero hindi ba pwedeng magdalamhati muna ako ngayon?" Suno ba ito? Alam ko naman na hindi rin matutuwa si nanay kapag nakikita niya ako ngayon pero gusto ko lang munang ibuhos ang lahat ng sakit at lungkot na nararamdaman ko. Baka sakaling mabawasan. "Of course, you lost someone you love. It is normal to mourn, but I am hoping that you will not drown yourself to loneliness." I'm not sure why, but his voice seems both cold and calming at the same time. Nagulat ako nang lumapit siya sa akin at hinawakan niya ng marahan ang ulo ko kaya napatingala ako sa kanya pero hindi ko makita ang mukha niya ng maayos. "I hope that when we see each other again, you will be smiling and there will be no more tears in your beautiful face," he said before he left. Naiwan na lang akong nakatanga sa kanya. Ipinilig ko ang ulo ko. Nagluluksa ako tapos may isang stranger na lalapit at gusto yata akong pakiligin. Una, hindi effective ang banat niya. Nakakagaan ng pakiramdam pero hindi ako kinikilig. Pangalawa, if he is trying to hit on me. Wala siya sa timing, I am mourning right now. Hindi ko siya kilala pero medyo gumaan ang nararamdaman ko dahil sa kanya. Tama siya, hindi ako pwedeng magpalamon sa lungkot. Kailangan kong bumangon para sa sarili ko. Wala na si nanay pero buhay pa ako at kailangan kong magpatuloy. Tumingala ako sa langit. "Mahal na mahal ko kayo, kaya kahit wala kana aabutin ko ang pangarap ko para sa ating dalawa." Ngumuti ako bago tumayo. Tumingin ako sa lapida kong saan nakaukit ang pangalan ng aking ina. Pinahid ko ang aking mga luha bago nagsimulang tumalikod. Mag-isa na lang ako ngayon kaya mas kailangan kong magpakatatag. I will start a new life. I will chase my dream now. I need to move forward.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD