Ilang sandali na ang lumilipas matapos na makarating ni Froylan sa loob ng subdivision kung nasaan nakatayo ang kanilang tahanan. Ipinarada niya ang sasakyan isang kanto ang layo mula sa bahay nila upang magnilay-nilay ng kanyang magiging plano sa buhay niya magmula sa araw na iyon. Hindi niya maintindihan kung bakit sa puntong ito ay nahihirapan siyang magdesisyon. Ilang beses pa siyang humugot ng malalim na hininga. Matapos na maubos ang mga inorder na inumin kasama ang sina Mico at Lacim na hindi naman siya nagawang malasing ay nagpasya na silang umuwi na. Malapit na ang bukangliwayway noon patunay ang nag-iiba ng kulay ng kalangitan na kanyang natatanaw sa malayong harapan niya. Nakasandal ang ulo ni Froylan sa driver seat habang nakaunan sa dalawa niyang braso. Nakaburo pa rin ang kan