Madilim na sa labas nang magising at maalimpungatan si Froylan. Napasarap ang tulog niya dahil na rin sa pagpupuyat na ginawa ng nagdaang magdamag. Halos ay hindi maayos ang tulog niya. Idagdag pa ang pagod niya sa paglalakad sa site kanina. Iinot-inot siyang bumangon at maingay na nag-inat ng dalawang braso. Pagkaraan pa ng ilang sandali ay bumaba na siya ng kama, binuhay ang screen ng cellphone na patuloy naghuhuramentado. Wala sa sariling napahilamos na siya sa mukha matapos buksan ang ilaw ng silid. “Alas-nuwebe na ng gabi?!” puno ng pagkagulat na tanong niya sa sarili. Hindi niya inaasahan na ganun katagal ang itutulog niya na sabi ay idlip lang. Natigili siya sa pag-iisip ng mga bagay nang muling mag-ring ang cellphone na kanyang hawak. Si Ycel ang tumatawag. “Hello, Honey—” “Ano