Tahimik na inilalagay ni Ycel ang mga naiwang laruan ng anak sa sahig ng silid sa basket na pinaglalagyan ng mga iyon. Nauna na silang bumaba sa kanya kasama ang Nanny na patungo ng kusina upang maagang pakainin sila ng hapunan sa araw na iyon at nang maaga rin silang makapahinga. Inihahanda niya na ang mga ito sa paniguradong nakakapagod na araw bukas ng kanilang pamilya sa park. “Hay naku, kailan kaya matututo ang mga anak kong iligpit ang mga laruan after na gamitin at paglaruan. Paulit-ulit na lang sabihin at ibilin lalo na kay Fabian, pero parang lagpas sa kabilang tainga.” hinaing niya na nameywang pa, pinagmasdan niya ang kabuohan ng silid na parang binagyo. Hindi niya na mahitsurahan ang silid. “Ito talaga ang pangit at hindi maganda kapag walang babaeng anak. Hindi masinop ang l