Hinigit niya ang aking katawan, papatayo sa aking kama. Mabigat pa ang aking mga mata dahil late na kami natulog. Tinulak pa niya ako papasok sa cr at binantaan na siya na raw ang magpapaligo sa akin pag di pa ako kumilos. Wala akong nagawa. Naligo na lang ako ng maayos dahil ayokong mabilis na manlagkit dahil gagala kami sa probinsya kahit wala na akong maisip na gagalaan dito. "Anak? Oh! Bilisan mo at kumain ka na rito para makaalis na kayo. Tapos na akong ihanda ang basket at banig niyo." Umangat ang gilid ng labi ni Mama. Napanganga ako doon. Talagang suportado niya ang date namin ni Von? Umupo ako at kumain na. Naramdaman ko ang yapak ni Von sa likuran ko. Nakasuot na siya ng pants at isang long sleeves shirt. Bagong ligo siya at hyper na hyper ang kanyang ngiti. Maganda