Saya's POV, May World War Z ba ngayon? Kasi isa na ako sa mga zombie doon ang lake ng eyebags ko. 1 month na akong secretary ni Sir Grey and worst ang kapatid niya hindi pa nakukuha. Lalong tinago pa nila ito. Nalaman kasi nila na hindi susunod sa usapan si Sir kaya mas pinalayo pa nila si Weather kapatid ni Sir na babae at wait ampon pala nila. Tama, hindi siya tunay na anak. Ampon lang siya. Dalawang magkapatid lang sina Sir Grey ang Ate niya na sa U.S ngayon at siya. Kaya umampon sila at si Weather iyon. Astig ng pangalan no? Panahon. Gaya nga ng sinabi ko 1 month na ang dumaan pero wala paring contact sa mga kriminal at hindi lang basta kriminal kalaban pala ni Sir iyon, mga rebelde. Kaya sa loob ng 1 month ang dami kong trabaho kasi busy si Sir at sa akin ang bagsak ng mga trab