Chapter 2

955 Words
Saya's POV, Hapon na ng lumabas ako sa Dessert Chain para umuwi. Na una ako kay Saki kasi may dadaanan pa daw siya. Kaya hindi na ako sumama, uuwi nalang ako at mag papahinga. Total tumitipid ako, lalakarin ko nalang ang daan pa punta sa bahay namin, sayang naman ang pamasahi ko madami kayang benifits ang paglalakad. Kahit na ako lang ang mag-isang lalakad hindi naman ako takot. Tssk, matapang ata ako. Malayo palang ako natatanaw ko na ang mamahaling sasakyan na naka parking sa tabing daan, lumabas ang may ari ng sasakyan at kinausap ang isang matanda. Dahil curious ako lumapit ako sa kanila. Lapit pa Saya, nagtago ako sa isang malaking puno na malapit sa kanila. Yumuko ako para magkasing taas lang kami ng mga damo. Pero ng itataas ko na ang ulo ko wala na ang matanda. Ang lalaking naka tuxedo nalang ang natira, hala saan nagpunta yon. Gumapang ako para umalis nalang sana, sayang naman ang effort ko para makinig sa kanila tapos na wala rin naman pala. Ang tanga mo talaga Saya. Sino ba ang nagsabi sayo na makinig ka sa usapan nila. Gumapang nalang ako ng matiwasay ng may makapa ang kamay ko na parang malambot na bagay! Agad naman nag taasan ang balahibo ko sa katawan, nanginginig ang kamay at balikat ko habang dahan-dahan kung tinitingnan ang nahawakan ko. Diyos ko huwag naman sana! Halos mawalan ako ng dugo sa katawan ng nakita ko ang isang kulay berde na palaka, na nakaharap sa kamay ko. Lunok laway! "A-hhhhh! Tulong,tulong,tulong!Nako tulungan niyo ako! Mamatay na ako ngayon tulong!" sigaw ko habang tumatakbo kahit na nadadapa na ako takbo ng takbo parin ako, ibigay mo na sa akin lahat huwag lang ang palaka. Hindi ako huminto sa kakatakbo. Yung mga gamit ko naiwan ko sa punong kahoy kanina. Bwesit! Bahala na basta makalayo ako sa lintik na palakang iyon. Yung tuhod ko dumudugo na nadapa kasi ako kanina, pero hindi ko ininda ang sakit patuloy parin ako sa pagtakbo. Nakarating ako sa may tulay at doon na ako tumigil sa kakatakbo. Hawak-hawak ko ang dibdib ko habang hinihingal sa kakatakbo. "Muntik na akong mamatay doon ha! Bwesit na palaka iyon!" sigaw ko. Napatigil naman ako sa kakasigaw ng may tumigil na sasakyan sa tabi ko, teka nga? Ito ang sasakyan kanina na naka parking sa tabi ng kalsada ha. Bumaba ang lalaki at humarap sa akin. OMG! Sa pangalan ng kalabaw, pusa, kambing, sisiw, kabayo, usa, at walang kwenta na palaka! Ang gwapo naman ng nilalang nato! Napatulala naman ako sa mukha niya, lunok laway! Saya calm down, hold your breath! Gaga eh paano ako makahinga pag ganon! "Miss are you okay? Nagsisigaw ka kanina habang tumatakbo." tanong niya sa akin. Pati ba naman boses maganda din, nako saan kaba pinaglihi at gagayahin ko kapag nagkaanak ako. "Ah wala, hehehe. May palaka kasi!" sagot ko habang nakangiti, maganda naman ang ngipin ko kaya okay lang kapag ngumiti ako. "Frog? Oh! Speaking of Frog look at your jacket I think you love frogs as your pet." sabi niya. ANO DAW? Unti-unting tiningnan ko ang tinuro niya. OMG! LINTIK LANG ANG WALANG GANTI! Lumunok naman ako ulit ng laway ko. "A-hhhhhh! WALANG HIYA KANG PALAKA KA! OMG! PATAY NA AKO!TULONG!" sigaw ko at dali-daling hinubad ang jacket ko, sabay takbo with matching talon-talon pa. Tumakbo ako sa lalaki  at walang hiyang kinuha ang kung ano man ang nahawakan niya at ibinato sa palaka! Bonggg! Sapol sa ulo! Bwesit na palaka ang layo ng tinakbo ko kanina tapos sumabay din pala sa akin, nanginginig ang katawan ko sa takot! Tingingnan ko ang palaka na binato ko pero wala na ito, hala na saan na yon? Natakot ata kaya tumakbo! Hahahaha takot pala sa akin eh! Napatigil naman ako sa pag-iisip ng sumigaw ang lalaki. "What the f**k! My phone! Why did you throw it crazy young lady!" sigaw niya sa akin. Lagot! Kanina ang mala angel na mukha niya ngayon parang mangangain ng buhay na tao! Lunok laway harap sa kanya at ngumiti ng pilit at nag peace sign. "Hehehe. Sorry po Sir." saad ko habang nakangiti. "What? You crazy young lady! Hindi mo ba alam kung gaano ka importante ang laman ng cellphone ko!" sigaw niya. Ay? Laman lang akala ko brand at prize ng cellphone niya. "Sorry po talaga Sir, papalitan ko nalang po." saad ko, kasalanan ko naman eh, kaya papalitan ko nalang ang cellphone niya na binato ko kasi dumiretso ito sa butas ng tulay kaya nalaglag sa tubig. "Papalitan? Mapapalitan mo ba ang mga files na naka save sa cellphone na yon? Bilyon ang mga files na yon!" sigaw pa niya sa akin. Bilyon? Grabi naman files lang bilyon agad. "Grabi ka naman Sir bilyon agad?Files lang yon." sagot ko, tama naman ako ha. "You stupid crazy girl! Get lost in hell!" sigaw pa niya sa akin. I'm already in hell Sir. Napa tahimik naman ako nakakatakot naman ang boses niya. Para siyang demon. Nako ano tong pinasok mo na gulo Saya. Use your brain! "Now! Bayaran mo ang Iphone ko, bayaran mo rin ang mga files ko na naka save doon dahil mahalaga pa yon sa buhay mo!" sigaw niya sa akin at dinuro-duro pa ako. Ano daw? Iphone? What the heck!Samsung na Cellphone nga hindi ko ma bili Iphone pa, puta naman oh! "Ah Sir, Ahmm Sir kasi." nako ano ang sasabihin ko lupa lamunin mo nalang ako. "Kasi ano? Wala kang pambayad! Eh boba ka naman pala eh! Alam mo na wala kang pambayad bakit mo ginawang pambato ang cellphone ko. Siguro nga kahit buong buhay kapang mag trabaho hindi mo mababayaran ang cellphone ko pati narin ang files doon!" singhal niya sa akin at doon na ako hindi nakasagot, nanatiling nakatulala lang ako. Sobra naman ata ang sinabi niya, iniinsulto na niya ako. "Tsk! Then I have no choice!" saad pa niya ulit, and then. May kinuha siya sa bulsa niya at itinakip sa mukha ko. Bigla akong nahilo at nawalan ng malay. Anong ginawa niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD