Part One

2140 Words
Part One   Dinaig pa ni Casey ang binuhusan ng yelo sa kanyang kinauupuan nang sadyain siya ng dalawang pulis, kasama si Ronnie Lagoste sa kanyang bahay. She’s trying to process all the details inside her head, but her brain is malfunctioning. That can’t happen. She wants to revise what officer Alcantara said, but it was clear and she heard it right. Nakalaya ang dalawang lalaki na pumatay sa kanyang mga magulang? Paano? It was a life sentence, paanong nangyari iyon? Kumabog nang husto ang dibdib niya nang maalala kung anong sinapit niya sa kamay ng dalawang sanggano na iyon bago siya nakatakas. Makailang ulit siyang marahang umiling at saka siya tumingin sa abogado ng PAO. Ito na ngayon ang ibinigay sa kanya dahil wala na siyang pambayad pa sa isang private lawyer. The files were transferred to this man who’s sitting in front of her. They’ve met several times and Attorney Lagoste is such a kind person. He’s so very humble and she doesn’t feel like he’s treating her as one of his clients. Para lang itong isang kaibigan na nagpapaliwanag ng tungkol sa mga bagay-bagay. “You’re frightened.” Attorney Lagoste smiles a bit. She nods in response as she feels her tears start to well up in her eyes. “I am.” Her voice cracks. She has every reason to be struck with fear. Hinawakan siya ng lalaki sa kamay at saka marahan na inalog iyon. “We'll put them back behind the bars; this time, lifetime.” Sabi nito sa kanya na puno ng paniniyak. Kahit paano ay parang nabuhayan siya ng loob pero hindi pa rin maiaalis sa kanya na huwag matakot. She had experienced enough. Kamuntik na siyang magahasa at mamatay sa kamay ng mga kriminal, tapos ngayon ay nasa bingit na naman siya ng alanganin? Ang tatlong taon na pinalipas niya at pinilit na mag-move on sa pagkamatay ng kanyang mga magulang, at ang lahat ng takot niya ay biglang bumalik ngayon na parang nangyari lang kahapon; ang bangungot sa buhay niya na kahit paano ay paunti-unting nabubura dahil sa mga kaibigan niya na lagi niyang karamay. Everything is just so useless. Ngayon na wala na siyang pera dahil naubos na para lang maitawid niya ang hustisya na karapat-dapat sa pamilya niya, paano pa siya kikilos? “The police officers are suggesting for a 24/7 security. If you can’t pay it for yourself, they’re offering the protection program for you. You're welcome to accept the offer.” Dagdag pa ni Ronnie sa kanya. “For how long?” she nervously asked, feeling so dreadfully worried. “For as long as justice isn’t served for the second time.” Inay! Nanlaki ang mga mata niya. She can’t wait that long. Mahaba ang panahon na kailangang tiisin para makulong ulit ang dalawang lalaking iyon pero hindi naman siya pwedeng magpakabulok sa lugar na itinalaga ng gobyerno kung saan siya magiging ligtas. Parang siya na ang nakulong noon at hindi na ang mga walanghiyang pumatay sa Mommy at Daddy niya. But where will she find her withstander? She doesn’t have any penny to pay for a security. Kung may pera man siya, para lang iyon sa pag-aaral niya at pagkain araw-araw. Wala naman sa kanyang tumatanggap sa trabaho dahil menor pa siya. Next month pa siya magdi-desi otso. Anong ipapasuweldo niya sa isang bodyguard, kulangot? She even sold her car to finish third year college. Kung bakit naman kasi pangarap pa niyang maging abogado? May isa pa naman siyang sasakyan at kapag nagkagipitan ay iyon na ang ididispatsa niya. She has to find a way. “I’ll accept it for now. But I’ll find my own way to get rid of that protector thing. I can’t stay under the police’s protection custody even just for a month. Masisiraan ako ng ulo, Attorney.” Napasandal siya sa sofa at inis na sinalo ang ulo. Hindi maiwasan na natawa nang mahina si Ronnie habang nakatingin sa kanya. “Do you need help? I can lend you some money to…” “No.” napaupo siya nang tuwid at napatingin sa binatang abogado. Of course she can’t take advantage of his kindness. Ronnie's professional fee is for free. Pati ba naman pambayad sa isang private protector ay kargo pa nito? That’s too much. Ayaw niyang mabaon sa utang na loob lalo na kung sa isang lalaki. Kinse pa lang siya nang mamatay ang kanyang mga magulang at mula noon ay marami ang nag-alok sa kanya ng tulong at karamihan ay galing sa mga DOM niyang kapitbahay. She was so naïve at that time and she’s still so naïve at this very moment, but that naivety does not necessarily have something to do when it comes to the capability of his mind to think properly. She can’t accept every offer now and pay them later. She’s a beautiful young woman. Marami ang nagsasabi noon sa kanya kahit noong bata pa siya. Some of the old women inside the village did tell her that she must be witty enough when it comes to accepting offers from other people, especially if the offeror is a man. She got the meaning of that. Tumayo na lang siya sa sarili niyang mga paa kasi kahit paano ay may ari-arian naman ang mga magulang niya. Wala naman siyang masahan na tulong sa mga kamag-anak. Ang nakakainis pa nga ay namatayan na siya noon ay nakipaghabulan pa sa mana ang kaisa-isang kapatid ng Daddy niya. Nandoon pa ang issue na involve ang Daddy niya sa isang sindikato na nag-ooperate ng mga iligal na pasugalan kaya pinatay ang mga magulang niya. She didn’t find the truth. Wala naman identity ang dalawang kriminal na iyon bukod sa may nga sinasabi sa buhay. Involve man o hindi, hindi pa rin tama na binaboy ang Mommy niya. Her Mom was a beautiful woman and was raped before those bastards slashed her mother’s throat. She had been badly traumatized and had to undergo such medication. Kitang-kita niya kasi ang kababuyan na iyon at talagang pinilit siyang panoorin ang lahat. If it was so painful for her, how much more to his Dad? Naghihingalo na ang Daddy niya dahil sa di mabilang na saksak ay nakikita pa ang kahayupan na iyon. Kaya bata pa lang siya ay hindi na siya tanga sa kung paano aktwal na nagtatalik ang isang babae at lalaki. It was badly etched inside her mind that it was painful and tragic and never in her life will she indulge herself to such s****l activities. She’s afraid to experience what her Mom had experienced. Iyon ang kaisa-isang bagay na hindi niya nasabi sa psychiatrist na tumulong sa kanya para matanggal ang trauma sa isip niya. Natanggal man iyon, hindi iyon mawawala sa memorya niya at sa puso niya. Bangungot iyon na humahabol sa kanya araw-araw. Matatag lang siya dahil may mga kaibigan siyang hindi siya pinababayaan. Sumandal siya ulit sa sofa nang ma-realize niya na napagtaasan niya ng boses ang abogado na parang hindi naman iyon pinansin. “I’m sorry, Attorney. I just want to stand on my own and learn how to face this. I've faced this once and I know I can still face it now. I am aware that you’re already helping me that is why I don’t want to bother you finding my private security. May choice naman kasi ako, ang mag-stay sa custody ng mga pulis, pero hindi ako magpapakabulok doon.” Sabi niya saka siya humalukipkip. Tama na ang ilang masasamang bagay na nakatatak sa utak niya. Hindi na siya dapat na magdagdag pa ng takot ngayon. She’s aware that Ronnie is looking at her. Madalas naman na nakatunganga sa kanya ang lalaki kapag magkaharap sila na para bang wala itong nakikita kung hindi siya. Gumalaw ang mga mata niya papunta rito. He smiles at her instantly and rumples her hair. Bata pa ang lalaki at gwapo pero wala itong dating sa kanya. Siya man lang yata ang kaisa-isang babaeng walang crush sa mundo. And it’s one of their pledges, the sorority girls. Hindi sila magkakaroon ng boyfriend hangga't hindi sila nakakagraduate sa College. “When will I move to the PNP's custody, Attorney?” Casey just asked instead, ignoring that stare of appreciation. “You can come with me if you don’t want to stay with them.” He offered. Humaba ang bibig niya dahil may kakulitan din pala ang abogado. Sinabi na nga niyang ayaw niya. Sa lahat pa naman din ay ayaw niya na itinuturing siyang bata na hindi kayang tumayo sa sarili niyang mga paa. She’s been living all by herself for three years and she never asked for her relatives’ help. They didn’t even offer her any. Hindi nga niya alam kung bakit pero nasasaktan siya sa tuwing maririnig na ayaw daw ng mga iyon na madamay sa problema niya dahil nakakatakot daw ang kinasangkutan ng Daddy niya na sindikato. Bumuntong hininga na lang siya. “Thanks but no thanks, Attorney. I can stay with the cops for a couple of days. I’ll find solution for this. I just hope that those murderers will be put in jail as soon as possible. Alam ko na libre ang service mo, Attorney pero sana naman huwag kang tamarin na ipaglaban iyon kahit wala akong naibabayad sa iyo.” She blinks. Bigla na lang tumawa ang kausap niya at parang siyang-siya pa sa pagiging taklesa niya. “You’re such a witty girl. Don’t worry. I don’t need anything in return. I was made to help the people who are in need, for free.” Ronnie smiled at her sincerely. She nods at him and smiles, too. Napatingin siya sa pusa niyang alaga. Mag-e-evacuate pala silang mag-amo o baka iwan muna niya si Cutie sa isa sa mga kaibigan niya. Sigurado ay mamimiss nito ang kaaway na unggoy sa kapitbahay na si Bernardo na ilang daang metro ang layo sa kanila. She thinks she must call her friends first. She knows how welcome she is in her friends' families, it’s just that she can’t put those peoples' lives at risk. They’ve been helping her ever since and that’s enough for her. She needs to be tougher and stronger this time. She’s feeling a vast range of fear but if she managed to surpass that supposed to be death in those culprits’ hands, she could still make it up this time. She’s Casey Daniella, an Imperial, matatag sa kabila ng pagiging matatakutin. Those goons can’t kill her and she won’t give them the satisfaction. “Pwede bang balikan niyo na lang ako Attorney dito? I need to talk to my friends.” Pakiusap niya sa lalaki na kaagad naman na tumango. Ito kasi ang maghahatid sa kanya sa PNP custody. “Of course. I’ll be back after lunch. I’ll leave the cops here to secure you. We can’t afford to risk a single second without security, Casey. Those men are dangerous and it was clearly stated that they threatened you after the trial and after you’ve proven them guilty.” Ronnie said without leaving her eyes. Tumango siya at saka ngumiti sa lalaki. Lalo lang itong napatanga sa kanya. Maganda lang tingnan at hindi ito nagmumukhang epal dahil isang lawyer. Pero halatang-halata na parang may gusto pa sa kanya; ayaw lang niyang maging malisyosa. Sinabi na sa kanya ng mga kaibigan niya na parang iba ang titig ni Attorney Lagoste. Siya lang ang nag-de-deny. Hindi naman imposible iyon dahil maganda naman talaga siya at hindi siya mukhang seventeen lang, eighteen after two weeks. Dalagang-dalaga na siya iyon lang ay madalas na isip bata pa rin kapag nagsasalita at kapag nagdedesisyon. Napatatag lang siya ng panahon dahil sa nangyari sa mga magulang niya. And now she’s praying to be safe again. If she made to escape when she was still fifteen, she could even do it now that she’s eighteen. Ipakukulong niya ulit ang mga lalaki na iyon na pumatay sa mga magulang niya. Kung naging miyembro man ng sindikato ang Daddy niya, he still deserves to have justice. For all she knew, her Dad had been so good to her and to her Mom. He’s the best Dad for her no matter what people say.          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD