Sobrang aga kong gumising kahit ayaw ng katawan ko. Eh, kailangan kasi nga may pasok ako ngayon. Strict kasi ang teacher namin sa P.E. Kaya ito ako ngayon, parang hinahabol ng oras.
"Ma! Alis na ako!" pagpapaalam ko sabay kiss kay mama sa pisngi.
"Umuwi ng maaga, hah. Wag na pumunta kung saan-saan. Diretso agad sa bahay pag-uwi." saad ni mama.
"Opo." sagot ko sa kanya.
Pagdating ko ng school ay agad akong tumungo sa gymnasium para kitain ang iba ko pang klasmeyt na nanduon na at naghihintay na lang na dumating ang prof. namin.
"Sana all naka green ang jogging pants." pangungutya ng mga kaklase ko.
Kasi nga diba, P.E namin ngayon. Kahapon kasi bago kami umuwi. Ina-nounce ng teacher namin na magsuot ng green jogging pants and white tshirt. Kung sino man ang hindi sumunod sa required na uniform ay minus two points and one point kung late.
Bago ako dumiretso ng bahay ay bumili muna ako ng PE attire ko para ngayong araw. Kaya confident akong pumasok ngayong umaga. It's seventeen minutes late na an prof. namin at hindi pa rin siya dumadating.
Don't tell me na wala siya ngayon. Humiram pa naman si mama ng pera para pangbili ng PE uniform ko. Tssskk... nakakainis naman kung ganun.
"Guys, papapuntahin daw sa guidance office yung hindi nakapagpa-pirma nung entrance exam result." wika ng secretary namin.
"Tara, nakapagpa-pirma ka ba Bret?" tanong ni Carmela.
"Oo naman noh," matapang kong sagot.
"Tara, sama ka na lang sa amin." pagpipilit niya habang hinihila ang kamay ko.
Tapus na kasi ako nun, pumunta kasi ako sa lahat ng araw kung kailan dapat gawin at asekasuhin ang lahat ng documents for enrollment. Kaya ito, halos wala na akong problema pagdating sa school documents.
Sumama ako sa kanila, eh, hindi naman ako makatanggi sa babaeng 'to. Masakit na kasi ang kamay ko dahil sa kakahila ng bruhang 'to.
"Yehey!!!" sobrang saya ng bruha.
Habang naglalakad kami patungo sa pupuntahan namin ay nakasalubong namin si Fil Am sa hagdanan. At biglang nagsigawan lahat ng mga kaklase ko.
"AHHH!!! AHHH!!! AHHH!!!
"Si Fil Am oh! Ayie..."
Sobrang lakas ng sigawan nila at sobrang nahihiya na ako sa ginagawa nila. Kulang na lang para kainin ako ng sementadong hagdanan.
Nagsmile pa ang puta! Sheyt. para akong magugunaw sa kilig. Ang gwapo ng taong ito. Perfect face talaga.
Tapus nagpatuloy kami sa papuntang second floor. Ayon nga, pagdating namin sa guidance office ay agad na nagsign sila at bumalik din agad kami sa room namin.
I can't still forget his face. Ang gwapo niya, ang tangos ng ilong at sobrang kinis ng mukha. Ang sarap niya siguro. PUTIK! Ano ba yung pumasok sa isip ko. Erase... erase!
I was very... sar. hindi ko naman talaga kayang mag English. What if... magkagusto rin sa akin si Fil Am. What if... may gusto pala siya sa akin. Pero sekreto lang.
What if, ako pala ang hinahanap niya tuwing umaga. Tuwing papasok siya sa school. What if... mahal na niya pala ako. Tsskkk... ang dami namang what if sa utak ko. Resulta na siguro 'to ng panunuod ko ng Hollywood romantic movie.
Bakit nga ba ako umaasa sa taong imposible namang mahalin ako. Kung tutuosin, sobrang layo ng estado ng pamumuhay namin. Syempre halatang mayaman sila, samantalang ako, mahirap lang.
Hindi ko na dapat pang pagpantasiyahan siya. Mas mabuti pang mabuhay na lang ako ng matiwasay at walang hinahangad na pagmamahal ng iba. But I don't know if I can hold that longer. Marupok pa naman ako pagdating sa crush crush na yan.
"Sige guys. Mauna na ako. Magkita na lang tayo sa Monday. I love you all. Bye!" pagpapaalam ko sa mga kaklase ko.
Uwian na kasi at friday ngayon, kaya bye for them na muna. Mamimiss ko ang mga baliw nato. Oo nga, kahit na ilang araw palang kami magkakasama ay sobrang napalapit na ang loob ko sa kanila.
Sila yung tipo na mga taong hindi marunong makipag plastican sa klasmeyt nila. Sila rin yung tipo na mapagmahal at masayahin. Kaya sino pa bang hangal na tao ang aayaw na maging kaibigan at kaklase ang katulad nila.
Palabas na sana ako ng gate, pero sa hindi inaasahang pangyayari. "ARRRAYYY!!!" may nabunggo akong malambot ngunit matigas.
Napapikit ang aking mga mata sabay hawak bandang puwetan at noo ko. Dahil sa pagkakatama ko sa bagay na iyon ay napaupo ako sa ground na nagsanhi ng pagkahapdi ng puwet ko.
"Sorry, Miss," paghingi niya ng paumanhin.
Dinilat ko ang aking mga mata upang masilayan ang kaniyang pagmumukha. Dahan-dahan, ng tuluyan ko ng maibuka ang aking mga mata ay... OHHH EMMMMM JAYYYY!!!
Sii-siii-sss-iii... si Fil Am. <3 Ang gwapo niya, ang kinis, ang pula ng labi, fresh na fresh, at maitim pala ang mata niya. Nakasalamin pa siya, na dumagdag sa kagwapohan niya. Nagmukha siyang matalinong gwapo.
Sobrang lapit ng mukha niya habang nakaluhod ang kanang tuhod niya sa lupa. Nakatitig pa rin ako sa kaniya. Hindi ko inintindi kung ano ang iisipin niya. Basta ang mahalaga ay narito siya sa harapan ko.
"Okay ka lang miss?" malamig nitong boses.
Hindi agad ako makasagot sa tanong niya dahil nga nakatitig lang ako sa kaniya. Nagmistolang wide white sheet ang utak ko sa mga oras nato.
"Miss?"
Hanggang paulit-ulit niyang tinatawag akong miss at nakabalik ako sa sarili ko ng medyo nilalakasan niya na kunti ang boses niya.
"MISS?"
"Ahhhh... oo, o-kay lang ako." pabulol kong sagot.
"I'm sorry."
"Okay lang. I'm sorry din."
"No, it's my fault."
"No, hindi mo kasalanan."
"Pauwi ka na ba?" parang nahihiya niyang tanong.
"Oo. Actually, palabas na sana ako ng campus kung hindi mo... I mean, hindi tayo nagkabanggaan."
"Ihahatid na lang Kita. Para naman makabawi ako sa nangyari."
"Nako! Wag na. Hindi mo naman sinasadyang banggain ako diba?"
"Okay lang. Kukunin ko lang yung car ko sa parking lot. Wait for me here and I'll pick you." sabi niya at pagkatapus ay agad siyang umalis papunta sa parking area.
Naghintay ako ng mga limang minuto siguro ang tagal. Ngayon, may nakikita akong itim na car. Isang Renault Sandero. Nahahalata ko agad ang brand ng car dahil sa tatak nito sa harap.
Siguro, baka siya na 'yun. At habang papalapit sa akin ang sasakyan ay unti-unting humihina ang takbo nito. Kaya humulma agad sa isip ko na baka siya na nga ito.
Nasisigurado kong siya na nga ito dahil huminto sa harap ko ang sasakyan na kanina'y nasa malayo pa. Bumukas ang pinto na malapit sa driver seat. Lumabas si Fil Am.
Sa kaniya nga ang kotseng ito, ang yaman siguro ng pamilya niya. Nakakahiya naman kung ihahatid ako ng kagaya niya. Maraming estudyante ang nakakakita sa amin ngayon. Dahil sa nagsilabasan na lahat ang iba pang department.
Binuksan niya ang pinto at tiningnan niya ako sa mata na para bang may sinasabi ang kaniyang mga mata. Naintindihan ko naman kung ano ang ibig niyang sabihin.
Pumasok ako sa loob ng kotse, upang hindi ko na makita pa ang magiging reaction ng ibang estudyante dito. Nakakahiya kasi, baka anong isipin nila baka malandi akong babae.
Pagpasok ko sa kotse at nakaupo na ako ng maayos at pumasok na rin siya. Tumingin siya sa akin at unti-unting bumaba ang tingin niya sa bandang p***y ko. Hindi ko alam kung bakit pero parang alam ko na ang gagawin niya.
Nakita ko na sa mga movie ang eksenang ito. Lalapit siya at hahalikan ako sa labi. Ngayon ay hinihintay ko na lang siya na gawin niya ang balak niyang gawin.
Palapit ng palapit na ang kaniyang katawan sa akin. Habang papalapit siya ay lumalakas ang t***k ng puso ko. Bakit ba ako kinakabahan sa gagawin niya. Napapikit ako.
"CLOKKK!!!"
Tunog ng seat belt. Binuksan ko ang aking mata upang makita kung ano ang ginawa niya. Inayos niya lang pala ang seat belt ko. Akala ko kung ano na, eh. Tsskkk...
"Okay ka lang?" parang natatawa niyang sabi.
Nako po! Nakita niya atang pumikit ako. Nakakahiya naman. Baba na lang siguro ako. Ay! Wag na lang, baka mas magmukha akong guilty kung gagawin ko yun.
"Okay lang ako. Hehe." awkward kong tawa.
Nakakahiya talaga sobra. Mas nauna pa kasi nag react ang malibog kong hormones kaysa sa brain cells ko.
At pinaandar niya ang kotse. Agad naman kaming umalis. Habang nasa daan kami, nakakabingi, ang tahimik. Eh, wala naman akong ibang masabi. Hindi pa naman kami magkilala.
'Kaya nga chance mo na!' pinagalitan ako ng sarili kong utak.
At tiyaka, ang awkward naman kung bigla ko siyang kakausapin. Hindi pa nga ako nakaka get over sa nangyari kanina.
"So, anong course mo?" wika niya sabay lingon niya sa akin at bumalik agad sa daan ang tingin niya.
Medyo na shock ako, dahil nga bigla siyang nagsalita. Eh, ene keye. Ang gwapo niya talaga. Boses pa nga lang niya. Nakaka-inlove na.
"Educ... Education, major in TLE-HE," sagot ko sa kanya.
"Ahhh... that was good." wika niya tapus tumango ang ulo niya.
"Ikaw? Ano course mo?" tanong ko.
"Ako? Ahmm... BSA."
"Ano 'yun?"
"Bachelor of Science in Agriculture," nakangisi niyang sagot.
"Ahhh..."
At bumalik kami sa tahimik ng situation.
Hanggang sa makarating na kami sa kanto ng Tres de Mayo. Hindi naman kasi puwede na ihatid pa niya ako sa amin. Kailangan pa naming pasukin ang amin tapus babalik siya dito para makauwi siya.
In my dreams, na ihahatid niya ako. Tsskk.
"Dito na lang ako. Ihinto mo na lang sa tabi." sabi ko sabay kuha ng bag ko. At itinabi niya ang sasakyan.
"Sigurado ka?" worry niyang boses.
"Oo, okay lang ako. Thank you, hah!" pagpapasalamat ko at nag smile ako ng kunti.
"Okay, sige."
Pagkatapus ay bigla niyang inilapit ang kaniyang ulo sa akin. Ulit, biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Natatakot ako na kinakabahan sa gagawin niya. Baka ito na nga yung kanina'y iniisip ko lang.
Nagsmile siya at ginalaw niya ang kaniyang kamay patungo sa bandang ibaba ko. Unti-unti ng nagsilabasan ang pawis ko sa loob. Ang init.
"CLOOKKKK!!!"
At pumasok ang liwanag ng araw na galing sa labas. Tssskkk... Akala ko ano na, eh.
"Ahhh... hehe. T-thank you." nahihiya kong sabi.
"Mmm... it's okay." wika niya ng naka smile.
"Sige. Mauna na ako. Thank you again, hah. Bye." pagpapaalam ko at nag wave sa kaniya.
"Sige. Sorry ulit kanina hah."
"Wala 'yun. Sige bye." at sinirado ko na yung pinto ng car.
At umalis agad siya ng sinirado ko ang pinto ng kotse niya.