Umupo kami sa isang wood carved chair na ang bawat dulo ay may malalaking gulong ng kalesa. Ngayon ay nakaharap kami sa mga nakatanim na bulaklak. Hawak-hawak niya pa rin ang mga kamay ko at hinahaplos niya ito nang mabagal. Nanginginig din ang kaniyang mga kamay. Kinakabahan na rin tuloy ako. Bakit kaya nanginginig ang kaniyang mga kamay? Kinakabahan ba siya sa gusto kong ipagtapat sa kaniya o baka natatakot siya na hindi niya ako kayang tanggapin. Sobrang dami ko talagang naiisip agad. Advance ko atang mag-isip. Erase erase! "Tell me, babe. You know that I love you and I should accept you, kahit ano at sino ka pa. It doesn't matter kung ano pa 'yan." Sinusubukan niyang pagaanin at palakasin ang loob ko. Huminga ako ng malalim at diniinan ang pagkakahawak ng kamay ko sa kamay niya. Pin