CLAIRE POV.
Naalipungatan si claire at napatingala sa lalaking katabi niya magaan ang pakiramdam niya sa presensya nito ,lalo na kapag gigising ka isang poging anghel ang makikita mo pagdilat ng mga mata mo, ,pinagmasdan niya ang mukha ng binata na akala niya'y isang anghel...
dahil sa perpektong mukha nito at makakapal na mga kilay ,matangos nailong at mapupulang labi mas lalong nagpapogi dito ay ang magulong buhok nito.sa sobrang gaan ng pakiramdam niya muli siyang hinihila ng antok.,dahan dahan siya na papikit ng biglang yumakap ito sa kanya na naging isang kaisipan sa kanya??mapungay-pungay pa ang mga matang inimulat niya ito at nilibot ang paningin sa kabuuan ng silid , kaya inimulat niya muli ang mga mata niya at kinilatis ng mabuti ang lalaking katabi,hahawakan niya sana ang mukha nito pagsisiguradong totoo ba to at di siya nanaginip ? ng yakapin pa siya nito ng mahigpit .
Napabalikwas siya ng bangon ng magising ang diwa niya at maalalang ibang silid pala ang tinutulugan niya kaya sa sobrang taranta ay naitulak niya ang lalaking katabi...kaya nahulog ito sa baba mula sa kama...
"f**k!! ano bang problema mo? natutulog yung tao bakit nanunulak ka??" mapupungay na mga matang sabi nito..
"WALANG HIYA KA!!anong ginawa mo sakin???" tanong ko habang binabato ito ng mga unan.
" Aray ko!teka nga wag kang mambato!!" awat nito.
pero hindi ako nakinig tuloy tuloy parin ako bumabato ng mga bawat gamit na mahawakan ko...ng wala na akong madampot na bagay ay balak kong sigurin ito pero mabilis itong nakaiwas..
"s**t !!!!!ano bang problema mo??" naiinis na tanong nito.
"ikaw ang problema ko !!ano ginagawa ko dito! kaninong bahay to at bakit katabi kita??" nang gigilaiting sabi ko..habang sinusugod ito ng suntok pero naiiwasan lang nito.
Maya -maya ay hinuli nito ang mga kamay ko kaya nagpupumiglas ako ,dahil sa malaki itong si Nathan mabilis lang sa knya na icorner ako...
"Pede ba tumugil ka muna? di na ako natutwa? ang aga mong makipag away!!!" sita nito..
"bitawan mo muna ako?" sabi ko.
"sige bibitawan kita pero wag kanang makulit? sasagutin ko lahat ng tanong mo" kasiguraduhang tanong nito.kaya tumango ako..
Dahan dahan niya ako pinakawalan at ipinaliwanag lahat ng nangyari,kaya medyo nahiya ako sa mga pinaggagawa ko...maya maya ay tinalikuran ako at nagtungo ng banyo.....kaya napaupo nalang ako sa kama para hintayin siya, dahil sa kakahiyan na ginawa ko di ko alam pano haharap sa kanya paglabas nito...
"grabe naman ?ano ba ginagawa nun sa banyo bakit naman napaka tagal !!" naiinip na sabi ko sa aking sarili..
nakakailang hakbang palang ako para katukin sana ito ng biglang bumukas ang pinto ng banyo ,inuluwa nito ang naka half naked na si Nathan , tanging pang ibaba lang ang natatakpan nito..kaya kitang kita ang matipunong pangangatawan at ang sixpack na abs nito.,nanuyot ang lalamunan ko sa tanawin nakikita ko.,
Napaiwas ako ng tingin ng mapansin kong ngumisi ito ,maya maya ay dahan dahan itong papalapit sakin kaya sa sobrang kaba ko ay napapatras ako,hanggang sa wala na ako maatrasan ,kaya napapikit nalang ako at hinintay ang susunod niyang gagawin.,ramdaman ko ang init ng hininga niya sa aking tainga..
"T-a-b-e diyan dadaan ako " natatawang sabi nito.
inimulat ko ang aking mga mata bumunngad sakin ang natatawang mukha ni Nathan kaya walang sabing tinulak ko ito....
"bweset..!!! " sabi ko. habang namumula ang aking mukha sa kahihiyan...
Nagmartya ako papasok ng banyo para makaiwas sa kahihiyan,buti nalang may mga extrang gamit sa loob ng banyo kaya naisipan ko maligo muna ,.....ilan oras din ako namalagi ,pinakiramdaman ko kung may tao pa sa labas ,sinilip ko ito at ng makasiguradong walang tao lumabas ako at nagtungo sa walk in closet nito.
Napahanga ako sa laki at sa linis nito lahat ay maayos kahit na kinuhaan ito kanina ni Tukmol hindi man lang ito nagulo..,kinuha ko ang isang t-shirt na vneck nito at isang boxer short, sabihin ko nalang na papalitan ko....
Nang matapos ko magbihis ay naisipan ko lumabas at hanapin si Nathan,nakakahanga ang desenyo ng buong bahay mula sa taas hanggang sa ibaba..
nilibot ko ang aking paningin sa buong bahay ang nkakapagtaka sa laki nito ay wala man lang ako nakikita na ksambahay.....
narinig kong parang may tao sa kusina kaya napagpsyahan kong tignan ,nakita ko si Nathan na abala sa pagluluto...
lumingon ito sakin dahil siguro naramdaman ang presensya ko,at bigla nalang napatulala pero kalaunan ay nkabawi din at tinuon muli ang sarili sa pagluluto.
kaya umupo nalang ako at pinanood ang ginagawa niya.....inilapag na ni Nathan ang mga niluto niya at sa amoy nito at sa itsura ay talagang matatakam ka.....
"Kain na tayo!" nakangiting sabi nito.
"ok sige,salamat !" nahihiyang sabi ko...
Tahimik kameng nag aagahan ni Nathan,ng bigla ko maalala na pinakelaman ko nga pala ang mga gamit niya..
"N-athan!?" pagbasag ko sa katahimikan.
huminto ito sa pagkain at tumgin sakin ..
"salamat ! at sorry nga pala kanina" sinsiridad na sabi ko.tanging tango lang ang sagot nito,..
"Sorry nga din pala kasi pinakelaman ko mga gamit mo at sinuot kopa mga damit mo ! hayaan mo babayaran ko nalang tong ginamit ko"
"ok " tugon nito sakin..
Naging magaan ang pakiramdam ko kay Nathan kesa nung una namin pagkikita, yung awra nitong nakakatakot ay may tinatago palang kabaitan...
Tapos na silang ,kumain at tinutulungaN niyang magligpit ito ng mga pinagkainan nila..
ng matapos nila linisin ang kusina ay nagpaalam si Nathan na kukunin lang sa taas ang mga gamit at susi , habang hinihintay niya si Nathan ay lumabS siya ng bahay at nagtungo sa may mini garden nito.para doon nalang hintayin ang binata, nagagandahan siya sa buong paligid ng bahay dahil sa presensya nito na sobrang gaan sa pakiramdam ,dumagdag pa dito ang katahimikan ng lugar..
Lumabas narin si Nathan na nakasuot ng unipormeng pangtrabaho at dala narin ang mga gamit nito...kaya sumunod narin siya dito papunta kung saan nakapark ang saskyan nito.....
inihatid muna siya ng binata sa bahay niya bago magtungo sa opisina . hindi na niya nagawa pang imbitahan pumasok sa loob .dahil sa nagmamadali ito...
Nag ayos na si Claire ng sarili para ,pumasok narin sa Shop para mag inventory ...
Habang nagmamaneho siya naisipang niyang tawagan si Niel para kamustahin ,ng maalala niyang naiwan niya ito sa kwarto ni Nathan...
"Gosh!!! Clairea Mae.nagiging makakalimutin kana !!!" sita niya sa sarili..
binilisan niya ang pagmamaneho papuntang shop upang mabilis niya matapos ang pag-iinventory,at madami pa siyang daPat pirmahan...
Narating niya ang shop ,nakangiting mukha ni Trisha ang sumalubong sakin..
"hi maam Claire ,Blooming ka ngayon!" bungad nito sa kanya.
"Salamat !" nakangiting sabi niya.. at daredaretsong pumaroon sa kanyang opisina..
Lingid sa kaalaman ng Lahat, naipalago niya ang Shop ,hindi gaano kalakihan pero sapat lang para sa mga staff niya meron din ito ikalawang palapag kung nasaan ang opisina niya ...sa baba ang pinakastore at ang mini lobby ...
Nagsimula siya sa online seller hanggang sa nakilala ang mga cupcakes niya sa tulong narin ng beshie niyang si Em-Em ,kaya nakapagpatayo ng maloit na shop at hanggang kunin niyang sekretaryang si Trisha, lalong naging patok ang mga bake niya kaya lumaki ang Shop nila sa galing nito makipag usap sa mga client's....
inabot kame ng 3pm sa kakainventory kaya ng matapos ay napasalampak ako ng upo sa swivelchair ....ipinahinga ko ang mga mata ko at pumikit para kahit papano ay mapawi ang aking pagod.. narinig kong mat kumatok kaya sinabihan ko tong pumasok habang nakapikit parin,dahil alam kong ang sekretarya ko ang madalas na nakatok, rinig ko ang pagbukas sara ng pinto,hinitay ko ito magsalita na pinagtakahan ko kaya iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang nakangiting si Niel....
Umayos ako ng pagkaka upo at hinintay ito magsalita..
"Naistorbo ba kita? sorry ah nag -alala lang ako kasi txt ako ng txt di kana nagrereply,.."
"ay sorry maaga kasi ako nakatulog kagabi tas kanina sa sobrang pagmamadali ko nalimutan ko yung cellphone ko" pagdadahilan ..
"May gagawin ka paba mamaya?" pagtatanong nito.
"wala naman ,Balak ko lang sana umuwi para makapagpahinga !"
"ah ganun ba yayayain sana kita kumain sa labas ,kaso wrong timing ata sige next time nalang ? " nakangiting sabi nito.
"No Niel! its ok. sabay nalang tayo mag dinner mamaya ok lang ba? bago umuwi.kaso mamaya pa uwi ko madami pa ako ichecheck na event?"
"ok lang Claire take your time hintayin nalang kita rito"..
Napaka understanding talaga nitong si Niel kaya swerte ang magiging girlfriend nito. complete package na san kapa, ..pero bakit kaya wala pang pinapakilalang gf ito......
"Claire ?kamusta paglabas niyo ni Kuya?" pagtotopic nito.
"ok naman" tipid na sagit ko habang nkatuon ang mga mata ko sa monitor.
"Di kaba sinungitan," pagtatakang tanong nito.kaya napatingin siya sa binata..
"hindi naman,mabait naman kuya mo" pag aamin ko.tumango tango lang ito.....sa naging sagot ko .,kaya akon naman ang nagtanong.
"bakit mo natanong?"
"ah kasi may pag k Cold Man yun at parang may pagka allergic sa babae..wala nkakatagal na kasama yun kaya nga hindi nagkakajowa..,umaasa parin yata makita yung hinahanap niya.. papapaliwanag nito.
pero parang may kirot siyang nararamdaman ng mabanggit nito na My hinahanap ito.......
kahit na walang kasiguraduhan kung tao ba o bagay ang tinutukoy nito..... ??????