MARTHA NAIIYAK ako nang makita kong umiiyak na ang anak ko sa tawag. Nahalata kong pinatay kaagad ni Hector ang tawag dahil na rin siguro ayaw niyang makita ang anak naming umiiyak. Well, maging ako ay ayaw ko. Masama ang loob ko. Masakit sa pakiramdam. For a moment, na-realize ko ang aking mga pagkakamali. Hindi ko alam kung paano ko itatama ang lahat ng ito ngunit sa tingin ko ay hindi naman mahuhuli ang lahat. Inilapag ko ang cellphone at saka na lang biglang naiyak mula sa aking kinauupuan. Kasalukuyan akong kumakain at sa ngayon ay pakiramdam ko ay hindi ko na makakain ang nakahandang pagkain. Hindi ki makayang lumunok ng aking nginunguya. Mahina ako kapag anak na ang usapan. Hindi ko kayang nakikita si Hercules na umiiyak. Lalo pa't sa isang sensitibong bagay siya nagre-request