MARTHA NATATAWA AKO nang makita kong nagkakamot si Hector na umalis sa harapan naming dalawa ng kanyang anak. Alam kong nabitin na naman siya nang dahil sa pagsulpot ng kanyang anak sa eksena ngunit wala kaming magagawa dahil iyon ang nangyari. Hindi naman namin pwedeng paalisin na lang agad ang anak namin kung nandito na siya. Habang nagluluto si Hector ay pinaliliguan ko na ang anak ko sa banyo. Malikot sa tuwing pinaliliguan si Hercules dahil mapaglaro talaga siyang bata. Kaya naman nababasa ako sa tuwing malikot siya. Wala naman akong magagawa kundi ang sawayin siya kapag binabanlawan ko na siya ng tubig. "It's si cold, nanay!" Reklamo niya nang patuloy ko siyang banlawan ng tubig. "Okay, enough." Tumayo ako at hinila ang twalya saka siya binalot nito. Patakbo siyang nagtungo s