MARTHA TININGNAN ko ang anak ko na ngayon ay mayroon nang ngiti sa kanyang mga mata. Hindi pa siya nakapagpapalit ng damit dahil dala ko pa lang ang susuotin niya. Mayroon na siyang hawak na bagong laruan at halatang gustong gusto niya iyon. "Look nanay, I have a new car." Itinaas niya pa ito upang mas lalo kong makita. "Who bought you this?" Tanong ko saka ko siya iginiya papunta sa upuan, sa may sofa. "Tatay bought this for me." "Okay. So, how's school?" "The same." Kumandong siya sa akin saka isinandal ang ulo sa aking balikat. "No assignments?" Umiling lang siya bilang tugon sa akin. "Come here, the dinner is served." Narinig kong tumawag si Hector na ngayon ay nagtatanggal ng suot niyang apron. Nakita ko rin na nagsuot pa siya ng sira-sirang sando bago nag-urong ng mga upu