MARTHA "HECTOR GISING!" Panay ang kalabit ko kay Hector na ngayon ay antok na antok pa rin sa higaan. Nakaalis na si Maricris at ayon sa kanya ay siya na ang bahala sa anak ko. Mayroon naman akong tiwala sa kanya tungkol sa bagay na ito kaya naman sa kanya ko na talaga ipinagkatiwala ang pagtakas kasama ni Hercules. Sa dinami-dami naman kasi ng pwedeng puntahan ni Arthur ay dito pa talaga. At ano ba kasi ang ginagawa niya rito? "Uhhhhmm." Dahan dahan siyang tumihaya mula sa pagkakadapa at tiningnan ako ng kanyang mapupungay na mga mata. Tinatamad at inaantok pa rin ang kanyang hitsura ngayon. "Bangon na. Kailangan na nating jmalist dito ngayon." Naupo ako sa gilid ng kama habang nakatingin lang sa kanya. "Why? Maaga pa." Mahina ang boses niya at habang sinasabi niya ito ay napapik