MARTHA PINAKALMA ako ni Hector nang makapasok na kami sa loob. Hindi ko talaga ma-contain ang galit ko sa babaeng iyon kaya't hanggang ngayon ay ninenerbyos pa rin ako. Si Hector na ang naghain ng aming hapunan at hinayaan na lang muna niya akong maupo sa sofa sa sala. Si Hercules naman ay abala lang sa panonood ng cartoons. "Hey, c'mon, let's eat," wika niya habang nakatayo sa gilid ng sofa. Pairap akong tumingin sa kanya dahil tila ba sa kanya ko na rin naibubunton ng galit ko. "Big man, come here, let's eat." "Okay, tatay." Pinatay na ni Hercules ang telebisyon saka patakbong nagtungo sa kusina. "Babe, are you okay now?" Lumapit siya sa akin saka minasahe ang aking mga balikat. "Okay lang ako." Tumayo na ako at saka ako nagtungo sa kusina. Hindi na ako lumingon pa sa kanya dahi