MARTHA "SINONG NANDIYAN?" Boses iyon ng isang lalaki na papalapit. Mayroon itong hawak na flashlight at ang ilaw nito ay nagtutungo sa iba't ibang direksyon. Mas lalo pang bumilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa kaba. Mahuhuli na kami. Wala kaming ibang mapagtataguan. Napahawak ako sa mabalahibong hita ni Hector upang sana'y senyasan siya na tumakas na kami. Ngunit mukhang imposibleng mangyari iyon dahil wala kaming ibang lalabasan. "Lumabas na kayo diyan, umuwi na kayo at baka hinahanap na kayo ng mga magulang ninyo. Isusumbong ko kayo sa mga tanod kapag hindi pa kayo umalis diyan," babala ng lalaki sa kabila na pawang papalapit na sa amin. Dumagundong ang aking dibdib nang dahil sa takot at kaba. Ngunit hindi pa rin nawawala sa akin ang excitement na aking nararamdaman, lalo pa at