MARTHA AFTER DINNER, kanya kanya nang punta sa cottages ang ilan sa amin. Kanina ko pa nahahalata na ayaw ilapit sa aming dalawa ni Hector ang anak namin. Nakatabi lang siya kina Madget at Maricris. "Hercules, do you want to play with us tonight with your ate Madget?" Tanong ni Maricris habang naglalakad na kami pabalik. Hawak nila ang parehong kamay ng anak ko at kami ni Hector ay magkatabi. "I want to. But I will ask tatay, baka he wants me to sleep already," sagot ng anak namin. "Yeah, big man. Play with them tonight," tugon ni Hector. Mayroon na naman silang binabalak. Kung ilalarawan ko ang ginagawa sa akin nina Madget at Maricris ay para silang mga bugaw na binebenta na ako sa gwapo at matipunong lalaking katabi ko ngayon. "Really, tatay? How about nanay? Will she allow me?"