MARTHA "WHO'S calling?" Hector asked habang patuloy pa rin siya sa kanyang ginagawa. Ngunit hindi niya maaaring malaman na si Carmina ang tumatawag sa akin kaya naman hindi ko rin maaaring sabihin sa kanya. Hindi naman ito isang paglilihim ngunit kailangan ko lang munang maging sigurado sa lahat ng bagay bago ako gumawa ng hakbang. Sa tingin ko ay sa ibang araw ko na lamang kakausapin si Ma'am Carmina dahil kasama ko si Hector ngayon. Ito lamang ang oras naming dalawa kaya't nagdecide akong patayin na lang muna ang tawag at i-switch off ang phone ko. "Who's calling?" he further asked habang patuloy pa rin sa ginagawa. "It's not important, daddy." Binitawan ko na ang cellphone ko at saka nagtuon ng pansin sa kanya. "Then who's more important?" tanong niya pa habang damang dama niya a