MARTHA "ANG AGA mo namang nagising." Naupo ako sa tapat ni Arthur na ngayon ay nakaupo na rin at nagkakape. "Hindi lang kasi ako makatulog kaagad. Ikaw, bakit gising ka na?" Tanong ko saka ako uminom ng tubig. Sana ay hindi na niya maalala ang kung ano mang nakita niya kanina. "I can't sleep either," he replied. "Pupunta nga pala ako sa palengke ngayon. Wala na tayong stocks." Sabi ko saka tumayo mula sa aking kinauupuan. "Sinabi ko naman sa'yo na hayaan mo na ang mga kasambahay ang gumawa niyan. Hindi mo naman gawain iyon," aniya. "Wala naman akong gagawin ngayon, kaya ayos lang." "What about let's go somewhere and do something?" "Where?" "Mall?" "Magwawaldas ka lang ng pera mo doon," sagot ko. "I have a lot, so okay lang." Hindi ako nakasagot kaagad. Sa totoo lang ay ayaw