MARTHA PUMASOK ako sa trabaho na inaantok. Ramdam ko rin ang kapaguran ko nang mga sandaling nasa harapan na ako ng computer set ko at pinipilit na magfocus sa trabaho. Isa isang pumapasok sa akin ang lahat ng nangyari sa amin ni Hector kagabi. Sa totoo lang ay very challenging ang lahat ng nangyayari sa aming dalawa. Hindi ko ine-expect na magagawa naming dalawa iyon sa isang liblib na lugar kung saan niya napiling magkaroon kami ng picnic. Mas lalo ring nakaka-intense sa kaganapan ang pagsulpot sulpot ni Hercules sa tuwing mayroong nagaganap sa aming dalawa ng kanyang ama. Well, that's something that makes it more intense. Kaya nga mas lalo kong minamahal si Hector dahil tila ba bawat tagpo naming dalawa ay mas lalo pa siyang gumagaling. Wala akong ibang salitang magamit upang sa ga