MARIONE:
NANGINGITI akong nakadapa sa ibabaw ni Lucky na napakahimbing ng tulog. Mabuti na lang at nakaidlip din ito kaninang madaling araw na binangungot ito.
Napaangat ako ng kamay na hinaplos ito sa ulo. Kahit sabog-sabog pa ang buhok nito ay napakagwapo pa rin niya. Kung itsura lang naman ang pagbabasehan ay hindi magpapahuli ang Tito Lucky. Matured looks siya na malinis sa mukha. Kaya hindi mo mahahalatang. . . nasa 40's na ito.
Matangkad na matipuno ang pangangatawan. Para nga siyang younger version ng hollywood actor na si Tom Cruise kung itsura lang ang titignan sa kanya. Lalo na sa tuwing naka-uniporme ito ng pang-pulis. Napakagwapo at ang lakas ng datingan nito na kahit sinong babae ay mapapalingon at kusang maglalaglag ng panty para patuluyin ito sa kanilang kweba.
Napahagikhik ako na sinusundot sundot ang butas ng ilong nito ng dulo ng buhok ko na ikinasisinghot nito hanggang sa napabahin itong ikinabungisngis kong napasubsob sa leeg nito.
"Fvck. Ang kati sa ilong. Babe naman," reklamo nitong napapabahin pa rin na kinukusot-kusot ang ilong.
"Sorry, babe. Ang sarap ng tulog mo eh," natatawang saad ko na nagpangalumbaba sa malapad niyang dibdib.
Nangingiti naman itong yumapos sa baywang ko na nagniningning ang mga mata. Para akong malulusaw sa ibabaw nito lalo na't kapwa kaming hubo't-hubad na tanging ang comforter lang ang nakatabing sa katawan namin. Damang-dama ko tuloy ang katigasan ng katawan at alaga nitong sumusundot-sundot na sa kaselanan ko. Hindi ko tuloy mapigilang mapakislot ng kiffy na nakikiliting dama ang matigas at mainit niyang batuta na kumikiskis sa kiffy ko.
"Good morning, my wife." Paglalambing nito.
Yumuko akong pinaghahalikan ito sa buong mukha na ikinalapad lalo ng ngiti niyang nakamata sa akin.
"Good morning too, my husband." Kinikilig kong pagbating ikinalapat nito ng labi na pinamulaan ng pisngi. "Kinikilig ba ang Tito Lucky ko, hmm?" tudyo ko.
"Sobra, babe. Kinikilig nga ang Tito Lucky mo maski ibon ko. Gusto na nga niyang tumuka eh. Pwede ba?" makahulugang saad nito na napakalandi ng tono sabay taas baba ng mga kilay.
"Lucky!" tili ko na napapairit na sumubsob sa dibdib nitong malutong na napahalakhak na niyakap ako.
"Fvck! So soft," anas nito na dumakma lang naman sa pang-upo ko at may panggigigil na nilalamas-lamas nito ang mga iyon!
"Oohhh, Lucky. Ang landi mo. Kay aga-aga pa," reklamong anas ko na hindi na rin mapigilang mapaungol at liyad sa ibabaw nito.
"Paisa naman, babe. Let's have some basic exercise," panglalandi nito na niyakap akong dahan-dahang pinagpalit ang pwesto namin.
Awang ang labi na nagpaubaya ako ditong tuluyang pumaibabaw sa akin. Napahaplos ako sa magkabilaang pisngi nito na lumamlam ang aming mga mata. Para akong hinahaplos sa puso ko sa mga nababasa kong emosyon sa kanyang mga mata. Love, longing and lust. Na tuluyang ikinatupok kong magpaubaya dito.
Napangiti akong hinawakan nito ang kamay kong nakasapo sa kanyang pisngi na mariing hinagkan ang loob ng palad ko. Hanggang sa tumaas sa palapulsuan ko ang mga labi nito pagapang sa braso at balikat kong ikinasisinghap kong namigat ang paghinga.
"L-Lucky." Nasasarapang sambit ko sa pangalan nito na ikinaangat ng mukha nitong ngumiting siniil ako sa aking mga labi.
"Uhmm. . . M-Marione," ungol nito na ikinatayo ng mga balahibo ko sa katawan.
Para niyang hinihigop ang lakas ko na ikinanghihina ko sa ilalim nito. Napayapos ako sa kanyang batok na nagsimula na ring pamigatan ng hininga. Kusa na ring napapahaplos ang isang kamay ko sa kanyang mga masels sa katawan na nakakagigil pisilin!
"Lucky. . . uhmmm!"
"I love you so much, my wife." Malambing anas nitong ikinangiti kong nakipagtitigan dito.
"I love you too, Lucky. . . my husband."
Napahagikhik akong napalapat ito ng labi na kitang kinilig sa sinaad kong pinamumulaan pa ng mga pisngi at tainga! Ang cute niya tuloy pagmasdan na parang batang nahihiya ang itsura sa ibabaw ko.
"Oohhh! Fvck, Lucky!" impit kong tili na bigla na lang nitong. . . ibinaon ang naghuhumindik niyang sandata sa loob ko!
Tumirik ang mga mata kong napakipot ako ng mga hita na dama kong sumisirit na ang katas ko! Napahalakhak naman ito na nakagat ko sa balikat.
"Sorry, babe. Kinikilig ang ibon ko eh. Pumasok tuloy bigla."
"Lucky!"
HINDI ko maitago ang saya at kilig na nadarama ko habang magkahawak kamay kami ni Lucky na namamasyal. Ngayon ko lang kasi naranasan ito. Ang mamasyal na may kasamang ka-date. At ang nakakakilig? Asawa ko lang naman itong napakagwapong ka-date ko ngayon.
"Let's take pictures here, Lucky. Para may souvenir naman tayo dito," saad ko na inilabas ang cellphone ko.
"Let me, babe." Saad nito na kinuha ang cellphone ko at inakbayan akong napayakap sa baywang nito na matamis na napangiti sa camera.
PARA kaming mga teenagers ni Lucky na nagkukulitan at harutan habang namamasyal. Panay din ang kuha namin ng photos namin para may souvenir kami sa lugar lalo na't first time naming mag-date nito.
Biglaan ang lahat sa amin ni Lucky. We're still getting to know each other. At napakasaya ko na mas nakikilala na ang asawa ko. Lalo akong humahanga at nahuhulog sa kanya na napapatunayan kong isa siyang mabuting tao. Na hindi ako nagkamaling. . . nagpakasal dito.
Kahit malaki ang age gap namin ni Lucky ay nagkaka intindihan kami sa maliliit man o malalaking bagay. Nakikinig siya sa akin kahit bini-baby niya ako. Hindi ko lang lubos akalaing. . .napakasarap palang magmahal ng nga matured na lalake.
Nai-spoiled ka, bini-baby ka, gina-guide ka at inaalagaang parang bata. Damang-dama ko ang seguridad ko sa piling ni Lucky. Pakiramdam ko ay safe ako saan mag magpunta basta kasama ko. . . ang asawa ko.
Mabuti na lang at mahaba ang pasensiya nito sa akin. Hindi siya naaartehan at naririndi sa akin kapag nagpapabebe ako dito. Bagkus ay niyayakap niya ako at nilalambing. Iyon ang isang katangian niyang nadiskubre ko. May kakulitan din itong taglay lalo na pagdating sa mga kalokohan. Hinahawaan niya tuloy ako sa kaharutan nitong taglay.
ISANG linggo lang ang inilagi namin ni Lucky sa bakasyon namin dahil sa tawag ng tungkulin. Ayoko pa sana pero wala naman akong magagawa na ang mismong General na nila ang tumawag dito.
Nakakainis lang dahil kahit nasa bakasyon kami nito ay wala akong magagawa kapag tinatawag na siya ng serbisyo.
Pakiramdam ko ay kailangan ko pang makipag-agawan sa serbisyo nito. Kung pwede lang pag-resign-in ko na lamang siya eh. Gagawin ko. Pero alam ko namang hindi siya papayag. Pangarap niya iyon. Trabaho niya 'yon.
Napaka-immatured ko naman kung paalisin ko siya sa trabaho para lang ma-solo ko ito.
Pagbalik namin ng bansa ay sa mini mansion namin kami tumuloy. Kung saan din ang subdivision na kinaroroonan ng angkan ko. Regalo 'yon nila Mama at Papa Cedric sa amin ni Lucky sa pagpapakasal naming dalawa.
"Hindi ba't masyadong malaki ang lugar para sa atin, babe?" anito habang nililibot ang paningin sa kabuon nitong bahay namin.
Napangiti akong nakayakap lamang sa tagiliran nito.
"Maliit pa nga ito eh."
"Ano?"
Napahagikhik ako sa nai-bulalas nitong hindi makapaniwala ang mukha at tono. Nanlalaki ang mga mata nito sa akin na natutulala.
"Kung sabagay, lumaki kang palasyo ang kinaroroonan. Nakakahiya nga eh. Mga Lola mo pa ang nagbigay ng bahay para sa atin," anito na may halong pait.
Napakalas ako dito na hinawakan siya sa dalawang kamay at napatingala. Matangkad kasi si Lucky. Nasa may dibdib niya lang ako sa height kong 5'2.
"Babe, regalo nila ito sa atin. Hwag ka ng malungkot. Ayaw mo nu'n? May sarili na tayong bahay bilang mag-asawa?" tanong ko na pinalambing ang tono at matamis na ngumiti dito.
Hinaplos naman ako nito sa ulo na pilit ngumiti.
"Baka lang kasi isipin ng iba na kaya kita pinakasalan--"
"Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. Kahit naman ang mga pinsan at uncles ko eh. Hindi kasingyaman ng pamilya Montereal ang mga napangasawa nila. Hwag ka ng mailang, babe," paglalambing ko na yumakap sa baywang nito.
Napapanguso akong parang bata na nagpapakurap-kurap ditong nakatingala. Natawa naman itong niyakap ako at pinaghahalikan sa ulo.
"Tara, binyagan natin ang buong bahay," pilyong bulong nito na sumapo sa pang-upo ko!
"Lucky!" tili ko na pinandidilatan ito ng mga matang napakagat ng ibabang labi!
Napapalunok akong pinanghinaan ng mga tuhod na nakatingala dito. Dahan-dahan itong yumuko na inabot ang mga labi ko.
Mahigpit akong napayakap sa kanyang baywang na buong pusong tinugon ang ginagawad nitong halik na napakalalim pero banayad!
PARA akong nalantang gulay na hindi makakilos sa kama! Paano ba naman eh hindi ako tinantanan ni Lucky sa kauungot nito ng isa pa, isa pa. Kulang na lang ay buong bahay namin ay nabinyagan namin sa iba't-ibang posisyon! Shemay!
At aaminin ko rin namang gusto ko lahat ng iyon. Ibang-iba ang lakas at tibay ng mga tuhod ng Tito Lucky! Nakakaubos siya ng lakas at katas pero ang lakas niya pa rin na tila wala silang kapaguran ng kanyang batuta! s**t!
Pakiramdam ko ay ang luwag na ng lagusan ko sa hindi ko na mabilang kung ilang beses namin iyon ginawa sa lahat ng sulok!
Sisipol-sipol itong pumasok ng silid namin. May dala na namang pagkain! Kain tulog na tuloy ang ginawa ko sa buong maghapon. Paano? Kahit pagtayo ay hindi ko magawa. Sobrang hapdi ng kepyas kong namamamaga sa halos magdamag nitong pambabayo sa akin.
Napabusangot akong napatitig sa umuusok-usok pang bulalo na dala nito. Kaninang umaga ay nilagang baka. Sa tanghalian ay sinigang na baboy. Ngayon naman ay bulalo. At paniguradong ipapaubos na naman niya sa akin ang isang malaking bowl na dala nito para daw bumalik na ang lakas ko. May trabaho na kasi siya bukas at wala akong makakasama dito.
"Pinapataba mo ba ako?" nagrereklamong ingos ko.
Napahalakhak naman itong inalalayan akong makaupo at inisandal ng headboard. Nakabusangot ako kasi mukha ngang plano niya akong patabain!
"Gusto ko 'yon, babe. 'Yong tumaba ka pa, para mas malambot ka at malaman," ngisi nito na iniumang na sa bibig ko ang kutsara na may lamang sabaw.
Hinihipan pa nito iyon bago iumang sa akin. Hindi ko tuloy maitago ang kilig at sayang nadarama ko habang inaasikaso nito. Napakaswerte kong siya ang napangasawa ko. Wala na akong mahihiling pang iba.
"Ayoko, baka pag tumaba na ako eh may rason ka na para ipagpalit ako sa iba," nguso ko na napapairap.
Napangiti naman itong pinahid ng hinlalaki ang gilid ng bibig ko at saka sinubo iyon na ikinainit ng mukha ko.
"Yan ang huling bagay na gagawin ko sa tanang buhay ko, babe. Ang iwanan ka. Kasi saka lang kita iiwan, kapag nalagutan na ako ng hininga," seryosong saad nito.
Napalunok ako na binundol ng kakaibang takot at kaba sa dibdib.Tama nga naman siya.
Sa uri ng trabaho niya ay hindi malayong bawiin kaagad siya sa akin ng kapalaran. Katulad sa nangyari sa mga magulang ko. Kung saan nawala kaagad si Daddy kay Mommy dahil sa tungkulin nito sa bansa. At hindi malabong mangyari din iyon sa amin ni Lucky!
"Hey, what's wrong, babe?" nag-aalalang tanong nito.
Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha ko habang nakamata dito na bakas ang pag-aalalang marahang pinahid ang luha ko. Pilit akong ngumiti na napatikhim.
"Nothing. Naalala ko lang si Daddy. Nawala siya sa amin ng maaga dahil sa uri ng trabaho niyo," pagkakaila ko.
Pilit itong ngumiti na hinaplos ako sa ulo.
"I'm okay."
"You're not, I can see it in your eyes, babe," saad naman nito.
Mapait akong napangiti na nakatitig dito na panay ang tulo ng luha. Pinapahid naman nito iyon ng marahan.
"Should I ready myself, Lucky? Alam mo naman ang status ni Mommy. At kung bakit siya nakakulong ngayon at lugmok sa kalungkutan. Sasapitin ko din ba iyon dahil nag-asawa ako ng isang pulis?" tanong ko dito na napalunok.
"Lucky, hindi ba pwedeng bumitaw ka na lang sa trabaho mo?"
Hindi ko alam kung bakit naisatinig ko ang bagay na iyon. Lumarawan ang pait at pagtanggi sa kanyang mukha na pilit ngumiti at umilap ang mga mata. Mapait akong napangiting nagpahid ng luha na inabot ang tubig at napainom.
"You don't have too. Naitanong ko lang naman. Alam ko kung gaano ka-importante sa'yo ang trabaho mo, and I do understand kung hindi mo ako kayang pagbigyan," pambawi ko.
Napahinga ito ng malalim na muli akong sinubuan. Hindi na rin ako umimik pa dahil natahimik naman na ito.
KINABUKASAN ay mas maayos na ang pakiramdam ko. Nakakabangon at lakad na rin ako kahit paika-ika. Pumasok na rin si Lucky sa trabaho kaya ako na lang mag-isa ang naiiwan ng bahay namin.
May mga bodyguard naman sa labas na nakabantay sa seguridad ko. Hindi na rin namin muling napag-usapan ang tungkol sa pagre-resigned nito sa trabaho. Alam ko naman na ang sagot kahit hindi niya sabihin. Ayaw niya.
Naging maayos naman ang mga unang araw namin ni Lucky. Hindi siya naghihigpit sa akin na hinahayaan pa rin naman akong gumala kasama ang mga pinsan at kaibigan ko. Minsan nga ay nauuna pa itong dumating ng bahay mula sa trabaho. Lately kasi ay napapadalas ako sa Bar para magwalwal.
Masama ang loob ko na hindi niya iyon maibigay sa akin. Gusto ko lang naman na masiguro ang kaligtasan niya. Kung pera lang naman ang pag-uusapan ay may pera naman akong pwede naming gamitin kahit hindi na magtrabaho habang nabubuhay.
Kalabisan na ba kung hihilingin ko 'yon sa kanya? Kakarampot lang naman kung tutuusin ang sahod niya bilang alagad ng batas. Nilalagay niya lang sa peligro ang buhay niya. Hindi niya kasi ako maintindihan. Natatakot ako. Natatakot na sapitin namin ang sinapit ng mga magulang ko.
ISANG gabi. Lumabas ako para mag-unwind kasama ang mga pinsan kong babae. Naglalambing kasi sina Sofi na mag-Bar kami kaya pinagbigyan ko na. Madalas kaming lumabas noon na magkakasama. Pero noong nag-asawa na ako ay madalang ko na lang silang nakakasama. Nakakamis din ang mga bagay na nakasanayan mo na dati pero ngayon ay hindi mo na nagagawa.
Suot ang black silky strapless dress na hapit na hapit sa kurba ng katawan ko na pinaresan ko ng black stiletto, light make-up at black mini pouch ay lumabas ako ng mansion. Tumawag naman si Lucky na mag-overtime siya ngayon sa trabaho kaya hindi na ako nagpaalam pa.
Pagdating ko sa Bar ay nasa counter na nga ang mga pinsan ko. Ginugulo ang mga gwapong barista namin na nakikisabay naman sa kapilyahan ng mga ito. Iiling-iling na lamang akong lumapit dahil ako na lang ang wala.
"Hi, girls!" masiglang pagbati ko lalo na't malakas ang music dito sa Bar.
"Marione!" tili ng mga ito na ikinangiwi ko dahil napalingon pa ang mga tao sa paligid namin.
Naagaw tuloy namin ang attention nila na kami na ang pinapanood. Bakas sa mga mata nila ang paghanga sa aming magpipinsan. Habang ang ibang babae naman ay kita ang iritasyon at insecure sa kanilang mukha.
Kung panlabas na anyo nga lang naman kasi ay wala silang panama sa aming magpipinsan. Dinaig pa nga namin ang mga actress at model dito sa bansa. Si Sofi at Danica ay mga international model sa Paris. Habang kami nila Yoona, Roxy at Zoey ay may kanya-kanyang pangarap na in-achive. Ako ang magkaroon ng sarili kong restaurant dahil hilig kong magluto. Si Zoey ay pangarap maging professional singer at natupad na niya. Isa na siya ngayon sa mga kilalang singer ng bansa. May group band na nga ito kung saan siya ang leader ng grupo. Si Yoona ay pangarap ng maging doctor na natupad naman nito. Kaya nga siya na ang personal doctor ni Mommy. Dahil psychiatrist doctor ito. Si Roxy naman ay pagbi-bake ang hilig. Na ngayon ay natupad at may mga bakeshop na ito. Sina Cathryn at Catrina na mga kambal ni Yoona ay nasa showbiz. Kasalukuyang mainit din ang pangalan nila ngayon. Pinag-aagawan na nga ng mga agency dahil naging maingay kaagad ang pangalan nila kahit bagong pasok lang sila ng showbiz.
"What's up, Marione! Mabuti naman at dumating ka. Akala namin itatali ka na ni Mr handsome Inspector eh," natatawang banat ni Sofi na ikinahagikhik naming naupo sa high chair dito sa counter.
"Well. . . tinatali naman talaga ako ni Lucky. Pag matutulog na kami," pang-iinggit ko sa mga itong sabay-sabay na napaubong ikinahalakhak kong ininom ang shot ko.
"Damn, Marione! Mang-inggit ka pa," natatawang saad nitong ikinahagikhik ko.
"Kaya kung ako sa'yo, Sofi. . . sa pulis ka na lang. Protektado ka na? Gabi-gabi ka pang iniroronda," natatawang saad kong ikinaasim ng mukha nito.
"Sira ka talaga. Alam niyong may Hades na ako." Ingos nito.
Kami naman ang umasim ang mukha sa nabanggit nitong pangalan. Ewan ko ba. Matagal na sila no'ng Hades San Diego na 'yon pero. . .hindi ko talaga magustuhan ang lalakeng iyon para sa kanya. There's something about him na hindi ko matukoy. Basta. . . hindi ako palagay sa kanya. Kahit na isa itong matino at napaka-gentleman na pulitiko ng probinsya nila sa Tarlac.
"Oo na. Kayo na ang may mga jowabels. Hwag na kayong mang-inggit," natatawang saad ni Danica.
Kung tutuusin kasi ay sina Sofi at Danica ang pinaka Ate sa aming magpipinsan. Napangisi akong bumaling ditong napapanguso.
"Oo nga, Dani. Bakit hanggang ngayon wala ka pang sinasagot sa mga manliligaw mo? Marami namang nanliligaw sa'yo ah." Saad ko na sinang-ayunan ng mga pinsan namin.
Mas lalo namang nalukot ang mukha nito na napainom ng vodka na shot nito. Napahinga pa ito ng malalim na napailing.
"Paano ako magkakaroon ng boyfriend kung. . . 'yong taong gusto ko, ayaw sa akin. Tapos 'yong mga ayaw kong tao? Sila ang may gusto sa akin. Oh, 'di ba? Nakakainis." Maktol nitong ikinahalakhak naming pabirong hinila ang kulot-kulot nitong buhok.
"Sabi ko naman kasi sa'yo, tigilan mo na 'yang pagmamaldita mo kay Primo Montemayor. Kung gusto mo siya? Magpabebe ka sa kanya. Hindi 'yong bwinibwiset mo siya. Kaya kayo laging nagbabangayan eh. Paano ka magugustuhan no'n?" natatawang saad ni Sofi ditong napahagikhik.
"Sofi, sa gano'ng paraan ko lang nakukuha ang attention ni Primo. Nakakainis na nga ang lalakeng 'yon eh. Ang manhid, huh? Hindi ba siya nagagandahan sa akin?" maktol pa nitong ikinahalakhak naming napailing dito.
INABOT ng ilang oras ang hangout naming magpipinsan bago nagsiuwi na sinundo ng mga bodyguard at driver namin. Tipsy na rin ako pero kaya ko pa namang maglakad.
Natigilan ako pagpasok ng mansion na nandidito na ang asawa kong may mga kasama itong katrabaho dito sa sala.
Napatuwid ako ng tayo dahil parang nanlalambot ang mga tuhod ko. Kaagad naman itong napatayo na sinalubong akong napagewang ang lakad.
"Babe." Bulalas nito. "You should call me."
Napayapos ito sa baywang ko sa muntikan kong pagkasubsob.
"Who they are?" tanong ko na nakamata sa tatlong kaharap naming pulis.
Dalawang lalake at isang babae. Kung ang dalawang pulis na lalake ay matamis na nakangiti sa akin at bakas ang kamanghaan sa kanilang mga mata.
Kabaliktaran naman sa babae. Naka-pokerface ito na tila tinitiris niya ako sa kanyang isipan. Ano kayang problema niya?
"Mga kaibigan ko at katrabaho, babe. Halika, ipakilala kita sa kanila," bulong nitong inalalayan akong maglakad.
"Um, everyone. This is Marione, my wife. Babe, mga kaibigan ko. Si Capt. Fuentes, Po4 Galang, at Lieutenant Trisha," pagpapakilala nito sa amin.
"Hello, good evening, officers." Nakangiting tugon ko na naglahad ng kamay
Nagkatinginan pa ang mga ito na tila nagpapaalam kay Lucky na tumango. Namumula ang mga itong malugod akong kinamayan na napapayuko
Nagkasalubong ang mga mata namin ni Trisha. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang nakatitig sa mga mata nitong walang mabakas na emosyon.
Napalunok ako na nilukob ng kakaibang kaba. Parang may ibang aura ang bumabalot sa prehensya nito na bagay na ikinababahala ko. Hindi ko alam pero damang-dama ko na hindi niya ako gusto!
"Marione," pagpapakilala kong naglahad pa rin ng kamay dito.
Tinitigan niya pa iyon saglit bago tinanggap na bahagyang pinisil. O tamang sabihing pinilipit.
"Trisha, it's nice to finally met you, Marione," tila makahulugang saad nito.