MARIONE:
PARA akong nabunutan ng tinik sa dibdib habang naglalabas ng saloobin kay Lucky. Ni minsan ay wala pang lalakeng napagsabihan ko ng tungkol sa mga magulang ko. Tanging kay Lucky pa lang. Ibang-iba ang nadarama ko sa kanya. Na ramdam kong safe akong maglabas ng loob sa kanya kahit sa mabibigat na bagay-bagay.
"Nakakalungkot ang nangyari sa mga magulang mo, babe. Pero. . . hanga ako sa tatag niyong pamilya. Na sa kabila ng mabigat na pinagdadaanan niyo tungkol sa Mommy mo lalo na kayong magkakapatid ay nagagawa niyo pa ring ngumiti at ipakita sa lahat na masaya at matibay kayong pamilya." Saad nito na ikinangiti ko.
"Kailangan naming ipakitang matatag kami at masaya, Lucky. Kasi nakatutok ang media at publiko sa mga ganap sa buhay naming mga Montereal." Sagot ko na ikinangiti nitong marahan akong hinahaplos sa buhok kong nakalugay.
"Pero sinabi mo sa akin." Saad nito.
"Dahil malaki ang tiwala ko sa'yo, Lucky. Hindi mo naman sisirain ang tiwala ko, 'di ba?" sagot kong ikinatango nitong may tipid na ngiti sa mga labi.
"Pinapangako ko, babe. Walang ibang makakaalam ng tungkol sa nangyayari sa pamilya mo. Salamat sa tiwala mo sa akin, babe."
"I'll keep your promise, Lucky." Sagot ko na nakangiti dito. "Eh kayo ng Daddy. Ano pang mga naging kwento niyo?" tanong ko.
Napahinga ito ng malalim na napatitig sa kisame. Malayo ang tanaw ng mga mata nito at kita ang kakaibang lungkot at pangungulila sa mga mata nito.
"Alam mo, babe. Ulila ako mula pagkabata. Katulad ng Daddy mo. Maaga akong nawalan ng mga magulang. Nagsumikap at maagang nagbanat ng buto para may makain sa araw-araw. Mahirap maging isang mahirap, Marione. Tipong kahit masama ang pakiramdam mo ay kailangan mo pa ring magtrabaho. Dahil kung hindi ka kikilos? Mas lalo kang maghihirap. Bukod sa magugutom ka? Maaari ka pang magkasakit. Saan ka kukuha ng ipanggagamot mo sa sarili mo kapag nagkasakit ka?" Paninimulang pagkukwento nitong ikinatigil kong nakatutok lang dito.
"Noong bata pa ako. Wala akong sariling bahay, Marione. Natutulog ako kung saan-saan. Sa waitingshed, ilalim ng tulay, sa mga kubo sa daan, at ang pinakamalala? Sa ilalim ng puno. Kapag minamalas ka at tag-ulan na? Kung saan-saan ako sumisilong para magpatila ng ulan. Kapag may mga kalamidad katulad ng bagyo? Pumapasok ako sa mga simbahan. Doon lang kasi ang lugar na pwede kong tumuluyan. Dahil bata pa ako at madungis, pinapalayas ako ng mga tao. Nandidiri sila dahil para akong taong grasa o batang nanlilimos ang itsura. Pero sa simbahan? Bukas iyon sa lahat. Kaya sa tuwing maulan ang panahon o may bagyo, sa simbahan ako tumutuloy. Tinutulungan ako ng mga madre at pari. Binibigyan nila ako ng pagkain at damit na mapagbibihisan. Hinahayaan nila akong matulog ng simbahan. Ayoko namang magpadala sa mga bahay ampunan. Hanggang nakilala ko ang Daddy mo at mga kapatid nito. Nagkaroon ako ng totoong kaibigan at bagong pamilya dahil sa kanilang magkakapatid. Pero ang pinaka naging malapit sa akin ay ang Daddy Typhoon mo." Pagkukwento nito na kita ang kakaibang kislap sa mga mata nito.
"Highschool na kami noon ni Typhoon. Kahit paano ay natuto na akong dumiskarte sa buhay. Nangangalakal ako, o kaya ay kargador sa palengke. Kaya nakakuha ako noon ng matitirhan. Maliit man at hindi kagandahan ang silid ng boarding house ko ay pinagtyagahan ko na lang kasi mura ang renta ko sa buwanan. Wala akong tubig at kuryente. Nakikigamit lang ako ng poso sa likod ng boarding house. Kailangan ko kasing magtipid dahil pinapaaral ko ang sarili ko. Pagkain at mga gamit ko sa school ang priority kong ginagastusan. Bawat sentimo na kinikita ko sa pangangalakal ng basura at sa pagiging kargador sa palengke ay pinahahalagaan ko. Maski piso ay hindi ko igagastos sa bagay na hindi ko kailangan. Madalas nga noon eh kape at dalawang pirasong pandesal lang ang agahan ko ay solve na ako. Baon kong ulam? Kung hindi nilagang itlog? Prito naman. Sa hapon naman, instant noodles o isang sardinas lang sapat ng ulam ko sa hapunan. Kapag weekend ay nasa palengke ako kasama ang Daddy mo. Kargador kami ng palengke mula madaling araw hanggang tanghali. Sa hapon ay nasa dumpsite kami na nangangalakal ng mga basura. Kailangan naming magsipag para sa mga pangangailangan namin sa pang-araw-araw."
Nangingiti ako habang nakikinig dito na nagkukwento ng kanyang naging buhay sa kanyang kabataan.
"Mas maswerte lang ang Daddy mo sa akin dahil may umampon sa kanilang mag-asawa na itinuring silang totoong mga anak. Pero kahit gano'n ay nagsusumikap pa rin sina Typhoon at dalawang nakababatang kapatid nito para maghanap-buhay at makatulong sa mag-asawang umampon sa kanila. Hanggang sa nag-kolehiyo na kami ni Typhoon at parehong criminology ang kinuha naming kurso. Mas naging mahirap para sa akin ang college life ko. Mas mataas na kasi ang mga binabayaran ko sa university. Mabuti na lang at pumasa akong maging scholar ng school. Pero sa weekend ay kung ano-anong pinapasok kong sideline para kumita ng mas malaki. Kulang na lang ay gawin kong araw ang gabi para makapagtrabaho pa. Kaya gano'n na lamang ang pagsusumikap namin nila Typhoon na makapagtapos sa pag-aaral. Para makaahon sa kahirapan. Nakasanayan na lamang naming nagsusumikap sa buhay. Kaya nasu-survive namin ang bawat araw. Hanggang sa nakapagtapos na rin kami matapos ang apat na taon sa kolehiyo. Sa awa ng Diyos ay pumasa din kami ng board exam namin. Sabay kaming pumasok ni Typhoon sa PMA at nag-training bilang cadets. At dahil sanay na ang katawan namin sa physical ay naging madali lang sa amin ang training bilang mga cadets. Naging sandalan namin ni Typhoon ang isa't-isa habang nasa loob ng PMA. Nakilala na niya noon ang Mommy Catrione mo. May larawan pa nga ang Mommy mo noon sa kanya na naging inspiration niya para magsumikap at maging karapat dapat sa Mommy mo. Akala ko nga eh. . . imposible ang lahat sa kanila noon. Kasi naman magkalayo sila. Sa France kasi naninirahan noon ang Mommy mo kasama ang ibang kapatid. Bumibisita lang sila noon dito sa bansa. Idagdag pang wala naman silang communication ni Typhoon kaya akala namin ay hanggang pangarap lang na maabot ng Daddy mo ang kamay ng Mommy mo. Pero kita mo naman, babe. Sila pa rin ang nagkatuluyan. Kahit sobrang layo ng agwat nila sa pamumuhay ay naging possible ang lahat sa kanila dahil sa pagmamahalan nila. At laking pasalamat ko na hindi sumuko si Typhoon na maabot ang Mommy mo noon. Kasi dahil doon ay nabuo ka at isinilang sa mundong ito. Nakakatawa mang isipin pero. . . napakasaya ko, babe. Napakasaya ko na mahalin. . . ang naging anak ng matalik kong kaibigan." Saad nito na nangilid ang luhang pinahid kong hinagkan ito sa noo na napangiti.
"Siguro kung buhay lang ang Daddy? Mas masaya sana tayo ngayon, noh? Pero wala eh. Sayang. Sayang dahil wala na ang Daddy." Naluluhang saad ko na ikinahinga nito ng malalim na lumamlam din ang mga mata at kita ang kakaibang lungkot at pangungulila doon para sa kaibigan.
"Alam mo, babe. Naniniwala ako na nagagabayan pa rin naman tayo ni Typhoon sa kinaroroonan nito ngayon." Saad nito na marahang hinahaplos ako sa ulo. "Matatanggap mo pa rin ba ako na nalaman mo na ang naging buhay ko mula pagkabata ko?" tanong nito.
Napangiti akong hinaplos siya sa pisngi na tumitig sa kanyang mga mata. "Masaya akong malaman ang nakaraan mo. At proud ako sa'yo na nagawa mong lagpasan ang lahat ng iyon. Naabot mo ang pangarap mo sa sarili mong pagsusumikap, Lucky. Napakaswerte ko na ako ang naibigan mo. Hindi kita kailangan man. . . ikakahiya, Lucky. Kundi proud na proud akong maging. . . kasintahan mo." Sagot kong ikinalabi nitong namumuo ang luha sa mga mata.
"Thank you so much, babe."
Napasunod ako ng tingin sa mga labi nitong dahan-dahang inilapit nito na tuluyang sinakop ang mga labi kong nakaawang at hinihintay itong dumapo.
Napapikit akong yumakap sa batok nito na buong pagmamahal na tinugon ang halik nitong napakabanayad at lalim. Bawat hagod nito ay ingat na ingat sa mga labi ko. Para akong tinatangay sa kaulapan sa uri ng matamis na halik na ginagawad nito sa akin.
Nagsimulang mabuhay ang kakaibang tensyon sa katawan ko. Para akong tinatangay ng hangin sa mainit niyang haplos na nagugustuhan ng katawan ko.
"Can I taste you again, babe?" sensual nitong bulong na ikinatango kong ngumiti dito.
"Sure, Lucky. I want to feel that strange feeling again." Anas kong ikinangiti nitong isa-isang hinubad. . . ang aming kasuotan.
NAIPILIG ko ang ulo na maramdaman ang mainit na kinasisiksikan ko. Naaamoy ko rin ang manly perfume at natural scent nito na kay sarap singhutin. Unti-unting sumilay ang matamis na ngiti sa mga labing mas nagsumiksik pa ako ditong marahang gumalaw.
"Uhmm." Ungol ng baritonong boses na ikinadilat kong napakurap-kurap!
Sa nanlalabo kong mga mata ay unang bumungad sa paningin ko ang pigura ng isang binatang nakayakap sa akin dito sa kama! Napabalikwas ako ng upo na parang sinabuyan ng nagyeyelong tubig na ikinagising ng inaantok kong diwa!
"L-Lucky?" usal ko na mamukhaan ang katabi kong binata na kasalukuyang nahihimbing na rin.
Naipilig ko ang ulo na inaalala kung anong nangyaring ikinamilog ng mga mata ko!
"Oh my gosh! Nangyari ba talaga 'yon?" bulalas ko na natutop ng palad ang bibig.
Nanlamig ang katawan ko na pinagpawisan ng malapot na sumariwa sa isipan ko ang mga namagitan sa amin ni Lucky kagabi! Kung saan sinamba niya ang katawan ko ng buong-buo. Para na rin kaming nag-s*x na niromansa niya ako hindi lang minsan kundi dalawang beses!
At ang nakakahiya ay kinain niya ang kaselanan ko. Pinainom ko sa kanya ang katas ko at hinayaan siyang hubaran ako. Mas nakakahiya pa ang namagitan sa amin ngayon kaysa noong una. Dahil noon ay diretsong s*x ang namagitan sa amin sa unit niya. Kapwa kami lango sa alak at hindi na niya ako naabutan pa doon noong nagising na siya.
Pero ngayon ay hindi kami nakainom. Niromansa niya ako na hinayaan ko lang. Naghubad ako sa harapan niya at walang katutol-tutol na ipinagkaloob sa kanya ang katawan ko.
Nag-iinit ang mukha ko na sumariwa sa isipan ang mga namagitan sa amin ni Lucky! Napasabunot ako sa buhok ko na impit na kinakastiguhan ang sarili ko. Paano ko ba hinayaang mangyari 'yon? Could it be possible na. . . nahuhulog na rin ako kay Lucky!?
Gosh! Hindi pwede! Tiyak na magagalit ang mga Tito at Tita ko na papasa ko ng ama ang magiging kasintahan ko. Pero. . .paano naman ako? Nakuha na ni Lucky ang virginity ko. Naromansa at nakatatak na sa kanyang isipan ang kabuoan ko. Paano pa ako haharap sa kanya? Kahit kaming dalawa lang ang may alam sa mga namagitan sa amin ay nakakahiya pa rin sa side ko bilang babae.
"Hey, what's wrong, babe?"
Napaangat ako ng mukha mula sa pagkakasubsob ko sa mga tuhod kong na nagsalita si Lucky na hinaplos ako sa ulo. Sa lalim ng mga iniisip ko ay hindi ko na napansing nagising na pala ito. Malamlam ang mga mata nitong matiim na nakatitig sa akin. Para na naman niya akong hinihipnotismo sa uri ng tinging ginagawad nitong nagpapalambot ng puso ko.
"Are you regretting it, babe? Pinagsisisihan mo ang. . . namagitan sa atin kanina?"
Hindi ko alam pero kusa akong umiling at napahaplos sa kanyang pisngi. Napangiti na kusang inabot itong. . . hinagkan siya sa kanyang mga labi.
Napalunok itong dama kong natigilan pero kalauna'y tinugon niya rin ako ng mas malalim sa halik na ginagawad ko. Napapikit akong napayakap dito na buong pusong nakipaghalikan sa kanya. Hanggang sa unti-unting napayapos ito sa baywang ko na dahan-dahan akong. . . inalalayang makahiga ng kama habang patuloy kaming naghahalikan.
"L-Lucky," anas ko na pinutol ang malalim naming halikan.
Katulad ko ay malalalim na rin ang paghinga nito. Pinaglapat nito ang aming noo na tumitig ng diretso sa mga mata ko. Para akong maiihi at matutunaw na nakikipagtitigan dito na sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa.
Napahaplos ako sa kanyang pisngi na ikinangiti nitong hinayaan lang ako. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Sa tuwing napapatitig ako sa mapupungay niyang mga mata ay para akong hinihipnotismo ng mga iyon. Na kusa akong napapasunod sa mga gusto niya.
May mga nakaka-date naman na ako dati pero. . .wala pa sa kanila ang nakakuha ng attention ko katulad ni Lucky. Ni hindi ko magpaliwanag kung anong nagustuhan ko sa kanya. It just happened na. . . natutuwa ako sa kanya. Kinikilig at. . .napapasunod niya.
"Marione, gusto kita. Malinis ang intention at pagmamahal ko sa'yo. Alam kong masyado ka pang bata para sa akin pero. . . hindi ba't may kasabihan namang. . . age doesn't matter?" anas nito na matiim na nakatitig sa mga mata ko.
"L-Lucky," tanging sambit ko sa pangalan nito.
"Isang pagkakataon lang, babe. Patutunayan ko sa'yong. . . tunay ang pag-ibig na nadarama ko para sa'yo." Puno ng sensiridad nitong anas na kita ang kaseryosohan sa tono at mga mata nito.
Para naman akong malulusaw na hindi makatanggi dito. Damang-dama ko ang sensiridad nito lalo na't matiim siyang nakatitig sa mga mata ko. Kahit may parte sa utak ko ang sumisigaw na hwag akong pumayag ay. . . mas nangingibabaw ang sinisigaw ng puso kong. . . magtiwala sa kanya.
Paano niya ba ako napaibig ng gan'to kabilis? Ni hindi pa nga ito pormal na nanliligaw sa akin. Isang ngiti, isang kindat, isang halik, isang haplos, isang yakap. Wala na. Game over na. Napapasunod na niya ako. Napapaibig na niya. . .ang pihikang puso ko.
"I love you, Marione. I really do. Would you allow me. . . to be your man?" puno ng damdaming saad nito.
Parang hinahaplos ako sa puso ko na impit na napapairit sa isipan na paulit-ulit iyon nagri-replay sa isipan ko.
"Yes, Lucky. I want you to be my man. To be honest with you? I. . . I like you too." Nahihiyang pag-amin kong ikinasilay ng matamis na ngiti sa mga labi nito.
Para akong teenager na hindi maitago ang kilig na nadaramang nakikipagtitigan ditong nagniningning ang mga matang nakatutok sa akin.
Napasunod ako ng tingin sa mga labi nito na dahan-dahan itong yumuko at inabot. . . ang mga labi ko. Napapikit akong iniyakap ang braso sa kanyang batok at buong pusong. . . tinugon ko ito.
"Is this mean. . . tayo na?" anas nito na nagniningning ang mga matang matiim na nakatitig sa akin at katulad ko'y naghahabol hininga sa malalim at may katagalan namin halikan!
Nag-iinit ang mukha ko na nahihiyang napalapat ng labi at marahang tumangong ikinalapad ng ngiti nitong kinabig akong niyakap na impit kong ikinaiirit!
"Fvck! Thank you so much, babe! I promise you, hinding-hindi ko sisirain ang tiwala mo. Mahal kita, babe. At pakamamahalin pa kita sa pagdaan ng mga araw," maluha-luhang saad nitong bakas ang sensiridad sa tono at mga mata.
Napahaplos ako sa pisngi nito na napangiting hinagkan ito sa noo, magkabilaang pisngi, tongki ng kanyang ilong at baba. Napangiti naman itong napapisil sa baba ko na siniil ako sa mga labing ikinapikit kong napayakap ditong buong pusong tinugon ito.
KABADO ako habang nakayakap dito. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko at dama kong gano'n din ito. Napapalapat ako ng mga labi. Kinikilig na kinakabahan.
Hindi ko rin alam kung paanong napasagot niya ako ng gano'n-gano'n lang. Na tipong 'di na niya kailangang mag-effort ligawan ako. O i-impress ako para magustuhan ito. Para sagutin ko ito. Katulad ng nangyari sa amin noong unang gabi na nagkakilala kami at naisuko ko dito ang katawan ko. It just happened.
Napapahaplos ito sa likuran ko at panay ang halik sa ulo kong ikinangingiti ko habang kayakap ito. Nakakulong ako sa bisig niya kaharap ito. Parang paslit na yakap-yakap niya habang nakahiga kami ng kama.
I feel secured, comfort and piece in his arms. Habang nakakulong ako sa kanyang matipuno at mainit na bisig ay dama ko ang kapayapaan. Na tanging sa kanya ko lang naramdaman.
"Feel better, babe?" malambing tanong nito.
Napangiti akong dahan-dahang kumalas at tumango na matiim siyang pinakatitigan sa kanyang mga mata.
Napaangat ito ng kamay na inabot ang pisngi ko. May ngiti sa mga labi at nagniningning ang mga matang matiim na nakatitig sa akin. Para akong malulusaw. Hindi ko mapigilan ang kilig na nadarama.
Gan'to ba ang feeling ng ma-in-love!?
"L-Lucky," nauutal kong sambit nang dahan-dahan nitong inilapit ang mukha.
Napapalunok akong napapisil sa kanyang balikat kung saan nakadantay ang aking mga kamay.
"Can I kiss you, babe?" bulong nito.
Nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan sa husky ng boses nito habang nakatitig siya sa aking mga labi.
Nag-iinit ang mukha ko na tanging pagtango lang ang naisagot kong ikinasilay ng matamis niyang ngiti.
Unti-unti akong napapikit. May ngiti sa mga labing ninamnam ang sandaling naglapat muli ang aming mga labi.
Napakabanayad ng halik na ginagawad nito ngayon. Ibang-iba. Na tila ingat na ingat ito sa bawat paghagod ng kanyang mga labi.
"Uhmm," I moan as his lips goes down to my jawline and gently sucking my skin.
Mariin kong nakagat ang ibabang labi. Nahihiya ako na napapaungol pero hindi ko naman mapigilan! Tila may sariling isip ang mga ungol kong kusang nag-aalpasan kahit mahigpit kong tinututulan.
"Go on, babe. You're free to moan my name. Mas lalo akong ginaganahang naririnig ang malambing mga ungol mo," anas nito na bumaba ang mga labi sa aking punong dibdib na nakalitaw!
Napasinghap akong napakapit sa kanyang brasong kay titigas! Lalo naman akong nag-iinit na napapahimas sa kanyang mga masel!
Never in my wildest dream na mangyari ito sa akin sa hinaharap. Ang makarelasyon ang para ko ng Tito kung tutuusin! Fvck!
Pero kakatuwang wala akong nararamdamang hiya o pagkailang sa age gap namin kahit na ba sabihin ng lahat na para na kaming mag-ama! Kinikilig nga ako sa kanya. Dama ko sa puso ko na masaya ako at gusto ko din siya!
Bakit ko naman uunahin ang iba kung puso na namin ang nagpapasya para sa aming dalawa? Ang mahalaga ay wala kaming inaapakan o inaagrabyado sa pagmamahalan naming dalawa.
AKALA ko ay may mangyayari ulit sa pagitan namin ni Lucky pero. . . nagkamali ako.
Matapos ang ilang oras naming pananatili sa loob ng VIP room ng Bar ay magkayakap kaming lumabas.
Hindi ko maitago ang aking nadaramang saya at kilig habang nagmamaneho ito na hawak ang kamay ko. Panaka-naka niya iyong pinipisil-pisil at dinadala sa kanyang bibig na isa-isang hinahagkan ang mga daliri ko.
May pagka-pilyo nga lang taglay dahil sinusubo niya rin ang dulo ng mga daliri ko at marahang sinisipsip sabay kagat na ikinasisinghap kong pinag-iinitan sa kanyang pinaggagagawa!
Natatawa pa ito sa tuwing nahihigit ko ang paghinga na napapaiktad dala ng sensasyong hatid ng kanyang ginagawa.
"Um, saan tayo pupunta?" tanong ko na mapansing hindi naman papunta sa unit nito ang daang tinatahak.
"Sa inyo, babe," anito.
Namilog ang mga mata ko na nanigas sa sinaad nito. Sa amin? Bakit? Anong plano niya?!
Hwag naman sanang plano na niyang ipaalam sa pamilya kong boyfriend ko na siya! Tiyak kong ikagugulat nilang lahat na siya ang ipakilala kong kasintahan ko.
Hindi ko pa nga sure kung papayag ang pamilya ko dahil sa age gap namin. Kung estado sa buhay ay wala namang issue sa amin iyon. Pero sa kalagayan namin ngayon ni Lucky?
Ako pa lang sa aming magpipinsan ang nagkaroon ng halos Tyuhin ng karelasyon. Baka makurot ako ni Tita Cathleen sa singit nito! Lalo na kung malaman nilang bestfriend ni Daddy si Lucky!
Kung bakit naman kasi sa dinami-rami ng lalake sa mundo ay sa Tito Lucky na 'to pa ako nahulog eh! Nakakainis. Wala naman sa plano kong jumowa ng halos ama ko na ang edad pero. . . heto at nandidito na! Hindi ko man sinadya pero nandito na kami. Ayoko namang pakawalan pa si Lucky!
Sunod-sunod akong napalunok na hindi makaapuhap ng isasagot. Tumututol ang isip at puso ko sa gagawin nito pero hindi naman ako makapagsalita para pigilan ito!
Lalong nagkarambola ang pagtibok ng puso ko nang nasa tapat na kami ng gate ng mansion. Hindi talaga siya nagbibiro! Akala ko sinusubukan niya lang ako eh!
Parang lulukso palabas ng ribcage ko ang puso ko nang iparada na nito ang kotse sa garahe nitong mansion. Mag-uumaga na at wala pa rin kaming tulog pero heto at gising na gising ang aming diwa!
Napapalapat ako ng labi na parang maiiyak nang bumaba na ito at umikot sa gawi kong pinagbuksan ako ng pinto. Naglahad pa ito ng kamay na inalalayan ako sa pagbaba.
Nangangatog ang mga tuhod ko na parang nawalan ng lakas. Dama kong naninigas at nanlalamig ang kamay kong nakahawak dito habang inaalalayan naman ako nitong makapasok ng mansion.
Para akong hihimatayin sa sobrang kaba. Gusto ko siyang pigilan pero para ko namang nalunok ang dila ko na hindi makaapuhap ng tamang sasabihin.
Mas lalong nanghina ang mga tuhod ko na maabutan namin dito sa sala ng mansion sina Mama Liezel at Papa Cedric na nagkakape. Sabay pa silang napaangat ng paningin na nagsalubong ang mga kilay na malingunan nila kami.
Napatayo ang mga ito. Palipat-lipat ng tingin sa amin ni Lucky at sa kamay naming magkahawak na hindi ko namamalayan. Kahit gusto kong bawiin ang kamay ko ay para namang nawalan ako ng lakas para gawin iyon!
"Good morning, Ma'am. Sir," pormal at magalang na pagbati nitong bahagyang yumuko kina Mama Liezel at Papa Cedric.
Ngumiti ang mga itong napayuko din sa amin na palipat-lipat ng tingin at bakas sa mga mata nila ang katanungan.
"Good morning too, Sir. What's going on?" ani Papa Cedric.
Naglahad naman ng kamay si Lucky na kaagad kinamayan ni Papa na may ngiti sa mga labi.
"Um, I'm Lucky Hoffman, Sir. Boyfriend ni Marione."
Namilog ang mga mata ko maging nila Mama at Papa sa walang paligoy-ligoy nitong pagpapakilala sa sarili!
"What!?"
"What!?"
Panabay na bulalas nila Mama at Papa na natutulala sa aming dalawa ni Lucky!
Napapitlag ako nang mapatitig ang mga ito sa akin na nanlalaki ang mga mata! Nagtatanong ang mga iyon na tila nagbabanta lalo na si Mama Liezel!
Naninikip ang dibdib ko na hindi makahinga ng maayos! Gusto ko na lamang lumubog ngayon sa kinatatayuan at takasan ang nakikitang katanungan sa kanilang mga mata. Tiyak akong buong angkan ko ang lilitis sa akin pagkatapos nito!
Umikot ang paningin ko na nanghina ng tuluyan ang mga tuhod ko! Para akong tinatangay sa kadiliman sa mga sandaling ito na hindi ko na malabanan ang pagpikit ng mga mata ko!
"Marione!?"
Dinig kong panabay nilang sigaw nang tuluyan akong bumagsak pero sa bisig ni Lucky na kaagad akong nasalo sa aking pagkawalang malay!
NAGISING ako na may mga naririnig na pamilyar na boses sa paligid ko. Ang mga pinsan ko.
"Kinikilig ako. s**t! Ang hot ng boyfie ni Marione!" dinig kong tili ni Danica.
Ang pinsan kong kakambal ni Akhiro. Ang ama nilang si Tito Khiro at ang Mommy Catrione ko ay kambal. Quadruplets to be exact.
"Ang tapang niya, huh? Ang swerte naman ni Yonyon. Saan niya ba nahanap ang hunky Daddy na 'yon?" napapairit na wika ni Sofia na bakas sa tonong kinikilig pa ito.
Pinsan ko ring anak ni Tito Khiranz si Sofi na isa rin sa kakambal ni Mommy. Napapailing na lamang ako sa isip-isip ko na si Lucky ang topic ng mga ito na bakas ang tuwa at kilig sa kanila!
May parte sa puso ko ang tila hinahaplos na marinig sa mga itong suportado nila si Lucky para sa akin kahit ang laki ng agwat ng edad namin. Sana ay ganu'n din sa ibang pinsan ko. Lalong-lalo na sa mga kapatid kong lalake. Tiyak na hindi sila basta-basta makakapayag na ipagkatiwala ako. Lalo na't ito pa lang. . .ang unang beses na magkakaroon ako ng kasintahan!
"Ang bilis ni Daddy Lucky, ha? Preggy agad ang pinsan natin!" napapairit na tili ni Roxy, ang dalaga ni Tito Collins.
Napadilat ako ng mga mata na parang binuhusan ng nagyeyelong tubig sa narinig! Para akong tinatangay sa alapaap sa mga sandaling ito. Paulit-ulit na nagri-replay sa utak ko ang mga narinig na halos ikawalan ko ng ulirat!
"Preggy!? Ako!? B-buntis ako!?"