Ignoring

3207 Words
LUCKY: TULALA akong naiwan ng opisina na hindi makakilos. Huli na nang mahimasmasan ako dahil wala na si Marione. Patakbo akong bumaba ng headquarters namin para habulin ko sana ito pero. . .siya namang pagharurot ng kotse nito. "Fvck!" Malalaki ang hakbang na tinungo ko ang ducati kong nakaparada para habulin sana ang asawa ko pero siya namang pagsulpot ni Trisha. "Lucky, can you help me?" anito na tila hinang-hina ang itsura. Nangunot ang noo ko na nawala saglit paghabol ko sa asawa ko sa isipan ko na sumulpot ito. "Bakit, Trish? May problema ba?" tanong ko na bumaba ng motor. "Nahihilo ako eh. Masama ang pakiramdam ko. Pwede mo ba akong ihatid ng hospital, please? Hindi ko na kayang magmaneho," pakiusap nito na ikinatango ko lalo na't kita ko namang masama nga ang pakiramdam. "Sige." Pagpayag ko na inakay ito sa isa sa mga mobile namin na siyang ginamit naming sasakyan papuntang hospital. "Kailan pa masama ang pakiramdam mo? Hindi ka na dapat pumasok," usisa ko habang nasa daan kami. "Kanina lang. Nahihilo at sumasakit ang ulo ko. Para akong inaatake ng migraine," mahinang sagot nito na ikinatango-tango ko. Pagdating namin ng hospital ay itinuloy ko ito sa ER. Kaagad din naman siyang inasikaso ng mga nurses lalo na't naka-uniform kaming dalawa. Saka ko naman naalala si Marione na hahabulin ko sana. "Fvck! Naman oh!" bulalas ko na kinapa ang bulsa ko. Mariin akong napapikit na nakasabunot sa ulo ko na makapang wala sa bulsa ko ang cellphone ko. Sa pagmamadali ko kanina na hinabol siya ay hindi ko na nagawang damputin ang cellphone kong nasa ibabaw ng mesa ko. Palakad-lakad ako dito sa waiting area ng hospital habang sinusuri si Trisha sa loob. Hindi ako mapakali sa kaiisip kay Marione. Nabigla ako kanina na ngayon lang siya nakitang nagalit. Nanlilisik ang mga mata niya at napagtaasan niya din ako ng boses. Marahil dahil sanay akong malambing ang asawa ko. Pilya, clingy at kay kulit. Kaya gano'n na lamang ang epekto sa akin na makita siyang galit na galit ang itsura. "Uhm, excuse me, Sir. Kayo po ba ang watcher ng pasyenteng si Lieutenant?" Napapihit ako paharap na may babaeng nagsalita mula sa likuran ko. Isang nurse na kabilang sa mga umasikaso kay Trisha. "Uhm, yeah. Kumusta ang pasyente?" pormal kong sagot. Kimi itong ngumiti na napailing na ikinakunot ng noo kong nakatitig dito. "Sir, kailangan po naming i-admit si Ma'am. Paki-fill-up na lang po ang patient information sa admition area para sa pag-admit kay Ma'am Trisha." Magalang saad nito. Bagsak ang balikat na sumunod ako ditong nagpunta ng admition. Matapos kong mag-fill-up ay sumunod na ako dito kung saan dinala si Trish na kwarto. Naabutan ko naman itong nakahiga na sa kama na may suero sa kamay. Napahinga ako ng malalim na lumapit at naupo sa gilid nito. "How do you feel? Gano'n ba kasama ang pakiramdam mo para ma-admit?" tanong ko dito. "Sabi nila it's better daw na dumito muna ako for 24 hours, Lucky. Bumalik ka na ng headquarters. Kaya ko naman eh," mahinang saad nito. "Kaya mo? Ni hindi ka na nga makakilos mag-isa oh," pagalit ko dito na hinang-hina naupo kaya inalalayan ko pa. "I'm sorry, Lucky. Naabala tuloy kita," mahinang saad nito. "Maiwan na muna kita. Bibili lang ako ng pagkain at iba pang kailangan mo dito," saad ko na ikinatango lang nito. Napahinga ako ng malalim na tumayo at muling lumabas ng silid. Tuluyang nawala sa isipan ko ang galit kong asawa na naging abala ako sa pag-aasikaso kay Trisha. Wala naman kasi itong pamilya dito at walang ibang aasahan. Buong magdamag kong binantayan ito dito sa hospital. Mabuti na lang at walang nakitang problema sa mga lab test nito kahapon kaya nakalabas din kami ng hospital. Inihatid ko na muna ito ng kanyang unit bago umuwi. Kahit kabado ako na baka lalong nagalit si Marione sa akin ay pinili ko pa ring umuwi para makita na ito. Makausap at makipag-ayos. Hindi ko na kayang lumipas pa ang isang gabi na masama pa rin ang loob ng asawa ko sa akin. **** NANIGAS ako na paglabas ko ng banyo ay nabungaran ang mga nagkalat na sirang gamit dito sa kwarto namin ni Marione. Maging ang wedding picture namin ay walang kawala. Basag-basag ang frame nu'n na tumama sa pader. "Marione!?" pagtawag ko dito. Napahabol ako dito na mahagip ng paningin kong palabas na ang kotse nito ng gate! "s**t!" Mabilis akong bumaba na tumuloy ng parking at napasakay ng motor ko na hinabol ang kotse nito. Pumasok ako ng banyo kanina para maligo at makaiwas sana sa mas patinding bangayan namin pero heto at mas lumala pa! Hindi ko pa gaanong kakilala ang asawa ko. Marami pang katangian nito ang hindi ko pa nakikita. At isa na nga ito sa kinakatakot ko. Ang magalit ko ito. Hindi ko pa naman alam kung paano siya suyuin! Fvck! Panay ang overtake ko sa mga nakakasabayan ko. Sa sobrang pagmamadali ko ay hindi na nga ako nakapag-suot ng helmet at sapatos! Naka-tsirt at short lang ako dahil akala ko ay makakatulog na ako, but fvck! Heto ako nasa gitna ng highway na nakikipaghabulan sa asawa kong galit na galit! Mabuti na lang at huminto din ito sa 'di mataong lugar. Siya namang pagpatak ng ulan na kaagad kong ikinababa sa motor ko at kinatok ito. Parang dinudurog ang puso ko na makita ito mula sa loob na nakasubsob sa manibela ng kotse at. . . umiiyak! Napaangat ito ng mukha sa pagkatok ko. Tumulo na rin ang luha ko na napatitig ditong kinakatok siya sa bintana niya para pagbuksan ako. Pero nakatitig lang siya sa akin na luhaan. Bumuhos ang malakas na ulan pero tila wala itong pakialam. Mapait akong napangiting napatingala na lamang sa itaas na hinayaan ang pagbuhos ng ulan sa mukha ko. Kasabay ng pagtulo ng luha ko. HANGGANG sa tumila na ang ulan. Pero nanatili lang si Marione sa loob ng kotse nito na walang emosyon ang mga matang nakatitig sa akin dito sa labas. Nanginginig na nga ang katawan kong nilalamig. Muli ko itong kinatok sa kanyang bintana. "Mag-usap naman tayo, babe," pakiusap ko. Umiling lang itong nagpahid ng luha na binuhay muli ang makina ng sasakyan at pinaharurut palayo sa akin. Mapait akong napangiting napasunod na lamang ng tingin sa kotse nitong papalayo. Siya namang pag-alpasan muli ng luha ko. Habang papaliit nang papaliit ang kotse nito sa paningin ko ay siya namang pagsikip ng dibdib ko. "Sir!" Napapahid ako ng luha na dumating ang ilang police patrol na kinuha ang lisensya ko at na-ticket-an ako dahil sa pagmamaneho na walang suot na helmet at sapatos. Bagsak ang katawan na umuwi ng mansion. Umaasang uuwi din si Marione. Kapag napalipas na ang init ng ulo nito. Maghapon akong nakatulog dala ng puyat at pagod. Ni hindi ko na naramdaman pa ang pagkalam ng sikmura ko sa maghapong walang kain. NANGINGINIG ang katawan ko na inaapoy ng lagnat na magising. Halos hatinggabi na pala. Gutom, uhaw, pagkirot ng ulo at buong katawan, at panginginig ang nararamdaman ko. Napabalot ako ng kumot sa katawan na nanghihinang lumabas ng silid kahit halos umikot na ang paningin ko. "Marione?" mahinang pagtawag ko dito. Namamaos ang boses kong tuyot na tuyot ang lalamunan. Mapait akong napangiti na napailing. Wala siya. Hindi siya umuwi. Kahit nanghihina ay bumaba ako ng kusina. Hindi ko na kaya ang gutom at uhaw kong lalong ikinanghihina ko. Wala kaming kasambahay ni Marione dito. Napagkasunduan namin iyon. Para may privacy kami sa sarili naming tahanan. Dumampot na lamang ako ng ilang pirasong itlog at noodles na madali kong maluto. Habang kumakain ay dumating si Marione na pagewang-gewang ang paglakad. Gusto ko mang tumayo para alalayan ito ay hindi ko magawa. Nahihilo din ako at baka mamaya ay magalit na naman ito. Hindi naman ako nito nalingunan dito sa kusina na tumuloy ng sala at nahiga sa sofa. Mapait akong napangiti. Parang kinukurot ang puso ko na nakatitig sa asawa kong lasing na lasing. At malamang ay dahil sa naging away namin. Mabilis lang akong kumain. Kahit paano ay naibsan ang gutom at panginginig ng katawan ko sa paghigop ko ng sabaw. Napahinga ako ng malalim na ibinalot dito ang kumot ko. Bumalik ako ng kusina na kumuha ng bimpo at maligamgam na tubig. Kahit nahihilo pa ako ay binanyusan ko muna ito. Gustuhin ko mang dalhin siya ng silid namin ay dama ko namang hindi ko pa kaya. Nanginginig pa rin ang katawan kong namimigat dala ng trangkaso. "Lucky," mahinang sambit nito. Napaangat ako ng mukha mula sa pagkakasubsob sa kanyang tyan. Mariin pa rin itong nakapikit na tumulo ang luhang kaagad kong pinahid. "I'm here, babe. I'm sorry, hwag ka ng umiyak," saad ko na marahang pinapahid ang luha nito. Dahan-dahan itong nagdilat ng mga hilam at namumula niyang mga mata. Parang sinasaksak ang puso ko na makipagtitigan sa mga mata niyang namumugto at bakas ang kalasingan. "Damn you. I hate you, Lucky. I really do, get out of my life. I don't need you," lasing asik nito na naitulak ako sa mukha. Muntik pa akong mabuwal na mapasalampak ng sahig. Maya pa'y sunod-sunod itong naduwal na sinukaan akong mariin kong ikinapikit at hinayaan lang ito. Nanghihina itong muling nahiga ng sofa na napapikit. Napailing na lamang akong tumayo at naghubad ng t-shirt kong sinukaan nito. Muli ko itong nilinisan bago ang sarili at ang sahig na nasukaan din nito. MAPAIT akong napangiting hinagkan ito sa noo. Pinagsalinop ko ang mga daliri namin na napayuko na sa gilid ng sofa habang nakasalampak ng sahig. Nanginginig ako dala ng lamig pero 'di ko na kayang umakyat pa ng silid namin. Pakiramdam ko'y mabubuwal na ako kapag tumayo pa ako. Nahihilo at inaantok na rin ako kaya minabuti ko na lamang manatili sa tabi nito habang hawak siya sa kamay. Bahala na bukas. Sana lang ay hindi na ito galit. AKALA ko ay magkakaayos na kami ni Marione kinabukasan. Pero nagkamali ako. Mas lumala pa ang mga nangyayari sa pagitan namin. Gabi-gabi siyang lumalabas na naglalasing. Mag-uumaga na kung umuwi ito. Hindi ko naman ito masamahan sa maghapon nitong pagkakahimbing ng silid dahil pumapasok na ako ng trabaho. Kapag umaalis ako ay nahihimbing na siya dala ng puyat at kalasingan. Inaasikaso ko pa rin naman ito. Pinaghahandaan siya ng makakain niya paggising. Na hindi naman niya ginagalaw. Maaabutan ko pa rin iyon sa gabi na wala manlang kabawas-bawas. Kapag dumarating ako mula sa trabaho ay siya namang paglabas nito na magtutungo na naman kung saang Bar niya gustong mag-inom sa magdamag. Walang imikang nagaganap sa pagitan naming mag-asawa. Wala ring sulyapan. Na parang hindi kami magkakilala o nag-e-exist sa paningin ng isa't-isa. Nagbago na nga siya. Parang hindi na siya ang asawa ko. "Marione, lalabas ka na naman?" tanong ko. Kararating ko pa lang mula sa trabaho pero heto at palabas na siya ng mansion. Katulad ng dati? Napaka-sexy at revealing pa naman ng suot nitong dress. Bumaba ako ng ducati ko na nilapitan itong akmang sasakay na sa kotse nito. "Babe, kausapin mo naman ako, please?" pagsusumamo ko na hinawakan ito sa kamay. Napalunok ako na kinabahan nang bumaba ang paningin nito sa kamay ko bago nag-angat ng mukha na walang emosyon ang mga matang napatitig sa akin. "Get off me," simple pero madiing saad nito. "Mag-usap naman tayo oh? Ayusin natin 'to, babe. Gusto mo bang gan'to na lang tayo? Ayaw mo na bang magkaayos tayo, hmm? Please, babe. Ayusin natin 'to," pagsusumamo ko. Binawi nito ang kamay na napahinga ng malalim. "Mind your own damn business, Lucky. Hwag mo akong pakialaman na hindi nga kita pinapakialaman," inis nitong asik na ikinalapat ko ng labing naluluhang nakamata dito. "As I didn't know. You're flirting with that cheap Lieutenant." "Babe, hindi ako nakikipag landian sa kanya. Kaibigan ko lang siya at katrabaho. Hindi ko naman siya maiiwasan na magkasama kami sa headquarters. Pero maipasisiguro ko naman sa'yong. . . hindi ko siya babae." Paliwanag ko na kinuha ang kamay nito. "Marione, please? Makinig ka naman sa akin, babe. Wala akong ginagawang masama. Hindi ako nambababae. Hindi ko 'yon magagawa sa'yo, huh?" pakiusap ko na naluluhang nagsusumamo dito. "Hindi mo siya nilalandi pero nilalandi ka niya at hinahayaan mo lang. Hangga't nakabuntot sa'yo ang pesteng Lieutenant na 'yon? Hindi tayo magkakaayos, Lucky. Tandaan mo 'yan." Madiing saad nito na binawi ang kamay na sumakay na ng kotse. Wala na akong nagawa na naiwan dito sa garahe ng mansion habang nakasunod ng tingin sa kotse nitong lumabas ng gate. Bagsak ang balikat na pumasok ako ng mansion. Napakalamig at tahimik na naman. Mapait akong napangiti na tumulo ang luha. Kahit gustong-gusto ko ng magkaayos kaming mag-asawa ay parang ang hirap-hirap namang gawin. Dahil kahit ako na ang lumalapit sa kanya at nakikiusap? Hindi niya pa rin ako pinapansin. Napailing na lamang ako na pagpasok ng silid namin ay ang kalat na naman dito. Nagkalat sa sahig ang mga pinagbihisan nitong damit. Ang kama namin ay sabog-sabog pa na hindi naayos ang kobrekama at comforter. Isa-isa kong pinulot ang mga damit ni Marione na nagkalat sa sahig at dinala ng laundry basket. Naghubad na rin ako na nagbabad ng shower. Tiyak na umaga na naman uuwi si Marione mula sa Bar na pupuntahan nito. Kahit gusto ko siyang samahan ay hindi naman pwede at may trabaho ako sa umaga. Matapos kong maglinis ng katawan ay lumabas na ako ng banyo na tanging boxer at sando ang suot. Inayos ko na muna ang kama namin bago bumaba ng kusina at kumakalam na ang sikmura ko. Mapait akong napangiti na makitang. . . wala manlang nabawas sa mga niluto kong pagkain kaninang umaga para sa kanya. Kahit hindi niya ginagalaw ang hinahanda ko para sa kanya ay ipinagluluto ko pa rin siya. Pero heto at. . . nasasayang lang ang pagkain na hindi manlang nito tinitikman ang luto ko. Gumawa na lamang ako ng beef bachoy para mabilis maluto. Kalam na rin kasi ng kalam ang sikmura ko. Kahit alam kong wala din naman akong makakasabay kumain dito ay dito pa rin ako kumakain. Naiiling na lamang ako sa mga nangyayari sa amin ni Marione. Natatakot din na baka mamaya ay mapasubo pa ito sa palaging pagpunta ng Bar. Pero hindi ko naman siya masaway lalo na ngayong puro kami pagtatalo. Kahit naman kasi nagpapakumbaba na ako ay hindi niya pa rin ako maunawaan. Napakalamig niya at layo ng loob sa akin. Kahit paulit-ulit ko ng sinasabi sa kanya na wala kaming ibang ugnayan ni Trisha ay hindi ito nakikinig at naniniwala sa akin. Hindi ko naman maiwasan si Trisha na bestfriend at katrabaho ko pa. MAG-UUMAGA na nang dumating itong pasuray-suray na maglakad. Napabaliwas pa ako ng sofa na dito na nakaidlip kakahintay sa kanyang dumating. "Babe!" bulalas ko na muntikan itong sumubsob ng sahig. "Bitawan mo nga ako!" asik nito na lasing ang boses. Ni hindi na makatayo ng maayos na magulo na rin ang buhok. Inalalayan ko itong makahiga ng sofa na inalis ang stiletto. "Nashusuka ako!" reklamo nito ba sunod-sunod na dumuduwal. Mariin akong napapikit na sa akin na naman ito sumuka nang sumuka! Para akong masusuka sa amoy na ikinababaliktad ng mga lamangloob ko! "Tubig!" asik nito na ikinahubad ko ng sando kong puno ng suka nito at patakbong nagtungo ng kusina para ikuha ito ng malamig na tubig. "Here," aniko na iniumang sa bibig nito ang baso. Matapos nitong uminom ay dahan-dahan na itong bumagsak ng sofa na lasing na lasing at antok na antok ang itsura. Napahilot na lamang ako ng sentido na tumayong nilinisan ang sahig na puro suka nito. Bago siya binanyusan ng maligamgam na tubig. Matapos ko itong malinisan ay maingat ko na itong kinarga na iniakyat sa kwarto namin. Kapag gan'tong nakaidlip na siya ay saka ko lang nalalapitan, nahahawakan, nayayakap at nahahalikan ng panakaw. Kapag nagising na kasi ay daig ko pa ang isang istranghero sa paningin niya. Hindi niya ako pinapansin kahit sulyapan manlang. Napahinga ako ng malalim na hinaplos ito sa ulo bago mariing hinagkan sa noo. "Get rest, babe. I love you so much." NAGPATULOY pa ang malamig naming pagsasama ni Marione. Hanggang sa isang gabi. Hindi ito umuwi ng mansion. Mabuti na lang at tinawagan ako ni Dos na kakambal nitong nandoon sa kanila si Marione. Kahit paano ay nakahinga ako ng maluwag. Kahit na may parte sa puso ko ang tila kinukurot sa mga sandaling ito. Na sa ibang bahay na siya tumutuloy. At hindi na. . . sa piling ko. Patuloy naman ako sa daily routine ko. Bahay, trahabo. Trabaho, bahay. Umaasang pagdating ko sa bahay namin ay sasalubungin na ako ng makulit kong misis pero wala. Lumipas ang dalawang linggo na hindi manlang ito nagpaparamdam sa akin. Gabi-gabi ko pa rin naman siyang tinatangkang tawagan. Oras-oras pinapadalahan ng mensahe. Pero ni minsan ay wala itong sinagot. Hanggang sa tumigil na akong ini-a-update dito ang mga ganap ko sa maghapon at magdamag. Wala rin naman akong napapala. Dahil wala siyang. . . pakialam. TPOV: HABANG lumalamig na parang yelong natutunaw ang mainit na pagsasama ng mag-asawang Lucky at Marione ay may isang tao naman ang nagdidiwang. Nagdidiwang na papasira na ang marriage ng dalawa. Na mas lumalaki na ang chance nitong makuha ang minamahal. . . . Si Trisha. Lingid sa kaalaman ni Lucky na ang pagdadamay sa kanya ng kaibigang si Trisha ay pakitang tao lang pala. Dahil ang totoo? Masayang-masaya ito sa nangyayari sa dalawa. Kung saan umaasa itong sooner or later? Mapupunta din sa annulment ang kasal ng dalawa. "That's it, Marione. Magtago ka lang sa lungga mo. Ako na ang bahalang manuyo, sa Lucky ko," piping usal nito na napapasimsim ng beer nito habang nakamata sa paligid na nagpapahangin sa kanyang balcony. Napapangisi ito na unti-unti ng natutupad ang mga plano nito sa mag-asawa. Akala pa naman niya ay mahihirapan siyang sirain ang mga ito. Pero mali siya. Dahil masyadong marupok ang pundasyon ng relasyon ng mag-asawa. "One step, closer," anas nito na iniisip na kung paano isasakatuparan ang lasingin si Lucky at katabihin sa kama. Nakikinita na nitong babagsak ng tuluyan sa hiwalayan ang dalawa sa oras na makunan niya ng litrato ang sarili at ni Lucky na hubo't-hubad na magkayakap sa kama! Paniguradong hindi palalagpasin iyon ni Marione at ipawalang bisa kaagad ang kasal nila ni Lucky. At kapag nangyari ang bagay na iyon? Hindi na siya mag-aaksaya ng panahong maagaw si Lucky dito. LUCKY: MAPAIT akong napangiti na nagpahid ng luha. Bagsak ang balikat na sumakay ng bigbike motor ko na umuwi ng mansion. Kahit gabi-gabi kong sinisilip si Marione mula sa labas ng gate ng mansion nila ay napakailap naman ng pagkakataon sa akin na masilayan ang asawa ko. Mis na mis ko na siya. Gustong-gusto ko na siyang mayakap at mahagkan. Pero wala. Habang tumatagal ang away naming mag-asawa. Pakiramdam ko'y unti-unti na ring bumabagsak ang marriage naming dalawa. Hindi na nga ako magtataka na dumating ang araw na ipawalang bisa na niya ang pinanghahawakan ko sa kanya. Ang certificate of marriage naming dalawa. "Umuwi ka na, Marione. Mis na mis na kita," piping usal ko na niyakap ang unan nitong nagpatangay sa antok. Umaasang bukas paggising ko nandidito na ito. Kasama ko. Kayakap ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD